Una sa Balita

The Source: UST cum laude na si Cristelle, wagi sa Miss Manila!

By
0 9

Si Cristelle Tolentino ang surprise winner sa coro­nation night ng Miss Manila 2016 na ginanap sa PICC Reception Hall noong Biyernes.

Surprise winner si Tolentino dahil ang crowd favorite na si Ganiel Akrisha Krishnan ang inasahan na mananalo dahil hinakot niya ang halos lahat ng mga special award.

Si Tolentino ang final choice ng mga hurado na kinabibilangan ni Gretchen Barretto dahil sa kanyang matalino na pagsagot sa question and answer portion na hindi nakapagtataka dahil cum laude graduate (BS Hotel and Restaurant Management) siya ng University of Sto. Tomas.

Nakatulong kay Tolentino ang pagsali nito noong 2015 sa Miss Republic of the Philippines para madagdagan ang self-confidence niya. Ang Pasig City ang ni-represent ni Tolentino sa Miss Republic of the Philippines.

Fourth runner up si Joanna Marie Rabe na paborito ng LGBT community dahil sa kanyang walang takot na pag-amin na apat na taon na ang relasyon nila ng kanyang lover na tomboy.

Kalahating milyong piso at management contract sa Viva Artists Agency ang ilan sa mga premyo na matatanggap ni Tolentino.

“Dra. Loi, my one and only wife… for tonight!” — Erap

Isinabay sa 445th founding anniversary ng Maynila ang coronation night ng Miss Manila 2016.

Sa welcome speech ni Manila City Mayor Joseph Estrada, inulit nito ang pahayag na malapit sa puso niya ang naturang beauty pa­geant dahil former Miss Manila Carnival Queen ang kanyang mahal na ina, si Dona Maria Marcelo Ejercito.

Ikinuwento ni Erap na mahusay kumanta at napaka­ganda ng kanyang ina kaya nagkaroon ito ng sampung anak.

Hindi pa rin kumukupas ang husay ni Erap sa pagpapatawa dahil nang ipakilala niya ang misis na si Dra. Loi Ejercito, sinabi niya “My one and only wife…for tonight.”

Maceda, pinarangalan sa Manila!

Naabutan pa namin ang necrological service para kay former Senator Ernesto Maceda sa huling gabi ng burol niya noong Biyernes sa Our Lady of Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City.

Sina Ali Sotto at newly-elected Bacoor City Ma­yor Lani Mercado-Revilla ang dalawa sa mga showbiz personality na nakiramay kay Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda, ang biyuda ng pumanaw na senador na inihatid noong Sabado sa huling hantungan niya sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila noong Biyernes, pinarangalan ni Manila City Mayor Joseph Estrada si Senator Maceda bilang isa sa 10 Outstanding Manileños, kasama sina Mike Enriquez, Miss International Queen 2015 Trixie Maristela at Miss Earth 2015 Angelia Ong.

Sa eulogy para kay Senator Maceda sa Our Lady of Mount Carmel Shrine, ikinuwento ng kanyang anak na si Erwin na ang kapakanan ng mga nurse ang nasa isip ng tatay niya, kahit sa huling sandali ng buhay nito.

Ipinakita ni Erwin ang litrato ng kanyang ama habang naka-confine ito sa St. Luke’s Medical Center. Dahil hindi na nakakapagsalita, itinuturo na lamang ni Sena­tor Maceda ang alphabet letters na nakasulat sa small white board para masabi niya ang mga gustong sabihin.

Ang mga letra na R, F, I, at L ang itinu­ro ni Senator Maceda na sinundan ng mga letrang B, I, L,at L, sabay turo niya sa nurse na katabi ng kanyang mga anak.

Nagbiro ang anak ni Senator Maceda na si Edward na may sakit na nga ang tatay niya, ang hospital bill pa ang iniisip.

Si Edward ang newly-elected House Representative ng District IV ng Manila. Ang bill para dagdagan ang sahod ng mga nurse na hinarang ni P-Noy ang pumasok sa isip ni Erwin kaya tinanong niya ang kanyang ama ng “Refile the nursing bill na vineto?” at tumango si Sena­tor Maceda.

Ayon kay Erwin, hanggang sa huling sandali ng buhay ng tatay niya, public servant pa rin ito dahil ang kapakanan ng mga tao ang inaalala. Gusto ni Senator Maceda na i-refile ng kanyang anak na congressman ang bill para madagdagan ang suweldo ng mga nurse.

Ipinapaabot ng Maceda at Vera Perez family ang  taos-puso na pasasalamat sa lahat ng mga nakisimpatiya at nakiramay sa kanila.

Yasmien, malalim na umakting!

Ngayong hapon ang pilot telecast ng Sa Pi­ling ni Nanay, ang GMA 7 drama series tungkol sa surrogacy. Mga bida sa Sa Pi­ling ni Nanay sina Mark Herras, Katrina Halili at Yasmien Kurdi na gumaganap bilang surrogate mother.

Ang nabanggit na afternoon drama ng Kapuso Network ang biggest break ni Yasmien dahil naka­sentro sa karakter niya ang kuwento.

Sa teaser na napanood namin, may lalim na ang akting ni Yasmien dahil may anak na siya kaya alam niya ang pakiramdam ng isang ina.

Magkaibigan sina Yasmien at Katrina sa tunay na buhay pero magkaiba ang kanilang mga paniniwala. Ayaw ni Katrina na maging surrogate mother dahil sigurado raw na magkakaroon siya ng emotio­nal attachment sa sanggol na ipagbubuntis niya na kontra sa paha­yag ni Yasmien na willing na ipagbuntis ang anak ng ibang tao.