Una sa Balita

THE SOURCE: Showbiz personality, tumapang ang mukha sa retoke!

By
0 10

Ikinatuwa ng pa­milya at concerned friends ng isang showbiz personality ang pasya nito na ibalik sa dati ang itsura niya. Nakaranas ng depression ang showbiz personality at ang sarili ang napagdiskitahan niya.

Kahit walang problema sa mukha, ipinaretoke ito ng showbiz personality pero ka­baligtaran ang naging resulta. Naging mata­pang ang maamo na mukha ng showbiz personality na hindi itinanggi at hindi rin inamin ang ginawa na eksperimento sa sarili.

Makalipas ang i­lang buwan, sa tulong ng kanyang doktor, bu­malik sa dati ang itsura ng showbiz personality dahil hindi na siya komportable sa nakikita niya sa salamin. Umaasa ang mga nagmamahal sa showbiz personality na hindi na ito magpaparetoke dahil kahit saang anggulo siya tingnan, walang problema sa kanyang mukha.

Mark Anthony, protektado ng showbiz…
Alang-alang kay Daboy!

Mark Anthony Fernandez
Mark Anthony Fernandez

Mula nang mahuli siya ng mga pulis ng Angeles City noong Lunes, hindi na nawawalan ng mga balita tungkol kay Mark Anthony Fernandez dahil siya pa lamang ang nadakip sa mga sikat na artista na sangkot sa paggamit ng illegal drugs at marijuana.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga police at television  reporter na makausap si Mark nang gabi na mahuli ito at nang iharap siya sa isang presscon sa Camp Olivas noong Martes na kinukuwestyon ng kanyang kampo dahil walang legal counsel na kasama ang aktor.

Posibleng noon lamang nakausap at nakahalu­bilo si Mark ng mga police at television news reporter kaya sineryoso nila ang lahat ng mga paha­yag niya.

Kung kilala ng mga news reporter si Mark, mapapansin nila na magkakaiba ang kanyang mga statement.

Ang entertainment press ang madalas na nakakakuwentuhan at nakakasama ni Mark kaya kilalang-kilala nila ang aktor.

Ang showbiz press ang tunay na nakakakilala kay Mark dahil mas malalim ang pagkatao nito na nangangailangan ng mala­king pang-unawa kaya pinoprotektahan nila ang aktor sa kanilang mga panulat bilang respeto sa kanyang pumanaw na ama na si Rudy Fernandez na isang mabuting tao at mahusay makisama sa lahat noong nabubuhay pa.

Para sa dog lover!

Lolit, Pianne at Pinky
Lolit, Pianne at Pinky

Highly recommended ni Lolit Solis sa mga dog lover na kagaya niya ang luxu­rious pup pampering products ng Nicolette & Co. na pag-aari ng 21-year old chemist na si Pianne Sinfuego, ang anak ng kanyang kaibigan , ang record at concert producer na si Pinky Tobiano.

Mga organic at hypoaller­genic  green tea and lavender shampoo, dog cologne at breath freshener na sariling formula ni Pianne ang mga produkto ng Nicolette & Co.

Para sa mga dog lover na may karamdaman na pinagbabawalan ng kanilang mga doktor na makalapit sa mga aso nila ang nagbigay kay Pianne­ ng idea para gumawa ng organic at hypoallergenic shampoos, colognes­ at breath fresheners.

Bilib na bilib si Lolit sa mga produkto kaya kukumbinsihin niya ang ibang mga celebrity na dog lover,­ tulad ni Heart Evangelista, na tangkilikin ang Nicolette & Co. na pormal­ na ipakikilala sa publiko­ sa huling linggo ng ­October.