Una sa Balita

THE SOURCE: Pinay na si Sophia, wagi ng Miss Teen Universe Sweden!

By
0 167

Isang kababayan natin mula sa Stockholm, Sweden, si Dimples Sanchez, ang nagmagandang-loob na nagpadala ng impormasyon na hindi si Cloie Skarne ang nag-iisang Pilipina na nanalo ng beauty title sa coronation night noong August 28 ng Miss Universe Sweden.

Kung nakuha ni Cloie ang Miss Earth Sweden crown, ang 13-year old at 5’8 na si Sophia Emilia Sanchez Bergehed ang hinirang na Miss Teen Universe Sweden 2016.

Bilang patunay, ipinadala ng Abante informer ang litrato nina Cloie at Sophia na magkasama sa coronation night ng Miss Universe Sweden.

Heart, unang babae sa bags artwork sa Asia!

Overwhelmed si Heart Evangelista-Escudero dahil well-attended ang opening night noong Sabado ng Carry Your heART by Love Marie, ang exhibit niya sa Volkswagen BGC sa 28th Street, Bonifacio Global City, Taguig.

Tampok sa exhibit ang mga Hermes bag na pinintahan ni Heart at  ipinahiram sa kanya ng mga kliyente niya.

Forty-five ang bilang ng iba’t ibang klase ng expensive Hermes bags ang makikita sa exhibit (September 4 to September 9) na mahigpit na binabantayan ng security personnel.

Para kay Heart, pinakamahirap ang maglagay ng artwork sa Hermes bags dahil bukod sa hindi siya ang may-ari, iniingatan niya na huwag magkamali sa pagpipinta.

“Para sa akin, mas mahirap ang bag kasi ingat ka and the bag’s not mine. If anything fails, I have to pay for it. It’s mahirap, nakaka-pressure but because I’ve been doing it regularly, medyo sanay na ako. I’m very precise,” ang kuwento ni Heart na itinuturing na unang babae sa Asia na nagpipinta ng mga artwork niya sa isang brand ng bag na pinakamahal sa buong mundo.

Heart, nakaplano na ang pagbubuntis!

Chiz Escudero at Heart Evangelista
Chiz Escudero at Heart Evangelista

Tiniyak ni Heart na hindi na siya tatanggap ng teleserye projects pagkatapos ng Juan Happy Love Story dahil sa kanyang plano na magbuntis sa 2017.

“Definitely, this year, no more teleserye. Rest muna.. I will really take this time to travel and paint.”

“I start January 2017. I start talaga, really trying January kasi I’m still buil­ding a house so hirap din na parang first trimester mo, nagbubuhat ka, naglilipat ka and all.”

“I’m very hands on so I’ll deal with it mga January, February, ganoon.”

“Now, I’m gonna travel, I’m gonna finish certain things,” ani Heart.

Wala nang puwedeng makapagpabago sa desisyon ni Heart na nagsalita nang tapos na malabo na magkaroon siya ng accidental pregnancy dahil planado na ang lahat.

“Accidental pregnancy? Hindi, nakaplano talaga. I’m certain. One muna, actually.”

“We already have two (kids) and siyempre, may bahay pa. Iisipin mo ang kuwarto kung ilan eh tatlo lang ‘yung pambagets. But maybe I’ll have another one, who knows?”

Mas organized ka kesa kay Senator Chiz?

“No, mas organized si Chiz. Siya ang nag-aano sa akin, ‘What’s your schedule today? That’s all you’re gonna do? You should add more.’”

“In a day, he tells me to have at least five schedules para madami akong gawin.”

“And then he would tell me, ‘Next year, what’s your project next year?’”

“He would tell me, ‘O you can move that to the other year. He organizes ‘yung launching dates ko, ‘yung ganyan. Every activity is well paced,” ang dagdag-impormasyon ni Heart tungkol pagiging organisado sa buhay ng lalake na pinakasalan niya.

Kung may isang hindi sigurado si Heart, ito ay ang plano niya na tapusin ang pag-aaral dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa. Ayon kay Heart, bumalik sa normal ang takbo ng buhay nila ni Senator Chiz nang matapos ang eleksyon noong May 2016 kaya maligayang-maligaya siya.

“I love it! I’m so happy. I enjoy my life, I enjoy just doing what I need to do but it was an experience. Na-enjoy ko rin naman ‘yung eleksyon.”

“‘Yun nga lang, parang super daming saksak everywhere. Parang you feel like being… they’re stripping you of your clothes but it was an experience,” ang masaya na sabi ni Heart.

Out of curiosity, hiningi namin ang reaksyon ni Heart tungkol sa pamamalakad ni President Rodrigo Duterte sa bansa natin.

“Whatever is meant to be is what’s meant to be. So far, so good so I’m happy and I’m happy that everything is good so at least majority of people will also be happy.”

“’Yun lang naman ‘yon. At the end of the day, it’s very clear its destiny, so you never ask God why. You accept what He gives you.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More