Una sa Balita

The Source: Pia W. at Pres. Duterte, maghaharap ngayon!

By
0 179

Hindi nagsosolo nang bumalik ng bansa si Miss Universe Pia Wurtzbach noong Sabado dahil kasama niya ang kanyang road ma­nager na si Esther Swan at si Miss Universe Organization President Paula Shugart.

Bumalik sa bansa sina Pia, ­Esther at Paula dahil sa meeting nila nga­yon kay President Rodrigo Duterte. Ang pagdalo ni Paula sa Malacañang Palace meeting ang patunay na seryoso ang Miss Universe Organization na ­idaos sa Pilipinas ang Miss Universe 2016 sa susunod na taon.

Yassi Pressman, UNPROFESSIONAL?

Pinararatangan na unprofessional si Yassi Pressman ­dahil  pumasok siya sa ­Pinoy Big Brother Vietnam kaya wala siya sa last shooting day ng Camp Sawi noong Huwebes. Mali ang mga akusasyon laban kay Yassi dahil may permiso ng Viva Artists Agency (VAA) ang pagsali niya sa PBB Vietnam.

Bago pumasok si Yassi sa bahay ni kuya, inayos na mabuti ng VAA ang schedule ng dalaga para hindi maapektuhan ang kanyang pagsali sa PBB ang ibang mga commitment niya tulad ng grand finals ng PhilPop 2016 sa July 23.

Si Irene Villamor ang sumulat ng kuwento at direktor ng Camp Sawi ng Viva Films. Nang makausap ­namin si Irene sa last shooting day ng pelikula, sinabi niya na ­nagawan ng paraan ang biglang pagkawala ni Yassi dahil siya rin ang scriptwriter.

Tiniyak ni Irene na hindi nakaapekto sa kuwento at ­shooting ng Camp Sawi ang pagsali ni Yassi sa reality show ng ABS-CBN.

Matindi ang pressure!

Dalawang programa ng GMA 7 ang magsi­simula ngayon, ang television adaptation ng Sinungaling Mong Puso at ang requel ng ­Encantadia.

Sina Rhian Ramos, Rafael Roselle, Kiko Estrada at Jazz Ocampo ang mga bida sa Sinungaling Mong Puso, ang afternoon drama series ng Kapuso Network.

Pinangungunahan nina Kylie Padilla, ­Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro ang Encantadia. Matindi ang pressure sa apat na bida ng Encantadia dahil may mga uma­asa na kung hindi mahihigitan, mapapan­tayan nila ang tagumpay ng ori­ginal ­Encantadia na pinagbidahan nina Iza Calzado, ­Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri noong 2005.

Sa original cast, tanging si Sunshine ang muling mapapanood sa requel ng ­Encantadia.

Si Sunshine ang gumanap na ­Pirena sa Encantadia pero sa bagong version, siya si Adhara, ang kontrabida sa buhay ng magkapatid na Mine-a at Amihan na ginampanan nina Marian ­Rivera at Max Collins, respectively.

Ipinakikilala sa ­Encantadia ­requel ang Starstruck Season VI winners na sina Migo ­Adecer at Klea Pineda. Ang parti­cipation nina Migo at Klea sa Encantadia ang bahagi ng mga premyo nila bilang winners ng reality-based artista search ng GMA 7.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More