Una sa Balita

The Source: Mahal na presyo ng ticket sa Miss U 2016 ‘wag paniwalaan!

By
0 170

Malinaw ang sinabi ni former Ilocos Sur Governor–turned-Narvacan councilor Luis ‘Chavit’ Singson na 80% nang sigurado na idaraos sa Mall of Asia Arena ang Miss Universe 2016 sa January 30, 2017 pero kailangan pa ng ‘forma­lities’ dahil hindi pa plantsado ang ibang mga detalye.

Therefore, hindi dapat patulan at paniwalaan ang ­ikinalat  na balita tungkol sa ­ticket prices para sa Miss Universe na maliwanag na imbento ng mga tao na may masamang ugali at  bisyo na ang manlinlang ng kapwa.

Hindi totoo na nagkakahalaga ng P35,200 ang SVIP seats at P3,700 ang presyo ng general admission seats ng Miss Universe 2016.

Para huwag maging biktima ng mga manloloko, hintayin ang official announcement  o puntahan ang  website ng SM Tickets, ang official tickets seller ng Miss Universe 2016.

Chavit Singson, go na rin sa pamimigay ng pera sa mahihirap!
‘Di raw n’ya madadala sa hukay ang yaman n’ya!

May koneksyon ang pagkandidato ni ­Chavit Singson bilang konsehal ng Narvacan, ­Ilocos Sur sa Happy Life, ang upcoming public service program niya sa GMA News TV.

Sa Happy Life, mamimigay ng tulong at pera si Singson sa mga mahihirap na Pilipino dahil sa simpleng katwiran na hindi niya madadala sa kamatayan ang  mga kayamanan na pag-aawayan lamang ng kanyang mga maiiwan.

Nagdesisyon si Singson na kumandidato na konsehal dahil din  sa kanyang pagnanais na matulungan ang mga residente ng Narvacan.

“Ang plano ko, para tulungan ang Narvacan, ­dahil ­lahat ng bayan, nag-progress na except Narvacan. Sila na lang ang naiwan na walang bagong munisipyo, walang bagong palengke.

“Sinabi ko nga, pumunta ako doon para maglingkod hindi para mang-agaw ng puwesto. Konsehal lang, para tulungan ko sila,” ang paliwanag ni Singson na  magbi­bigay ng pag-asa sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Happy Life, tulad nang ginagawa ni Willie Revillame sa Wowowin.

Myrtle Sarrosa, kayang-kayang pagsabayin ang showbiz at iskul!

Hindi nagkakalayo ang advocacy ni Councilor Chavit Singson sa School Is Cool campaign ni Aileen Go, ang may ari ng Megasoft Hygie­nic Products Philippines, ang manufacturer ng Sisters ­Sanitary Napkins and Pantyliners.

myrtle-sarrosa-009
Myrtle Sarrosa

Nang ipakilala si Myrtle Sarrosa bilang bagong ­celebrity endorser ng Sisters Sanitary Napkins, sinamantala ni Aileen ang pagkakataon na ipaliwanag sa entertainment press ang bagong campaign ng kanilang kompanya.

School is Cool ang motto ng Sisters Napkins, dahil  gusto ni Aileen na i-encourage ang mga estudyante na tapusin ang pag-aaral, kahit matindi ang mga pagsubok na pinagdaraanan.

Para kay Aileen, perfect celebrity endorser si Myrtle dahil may oras ito na mag-aral sa kabila ng pagkakaroon ng hectic showbiz schedule.

Nagkuwento naman si Myrtle tungkol sa pagbisita niya sa mga school sa malalayong lugar para mag­bigay ng inspirasyon sa mga mag-aaral.

“Nagkaroon kami ng opportunity na ­bumisita sa iba’t ibang schools. Maganda ang campaign, it’s really  time to give back. Bilang mga artista, we are here to inspire, not only to entertain.

“Gusto ko, at the end of the day, sa sari­li ko, masasabi ko na aside from doing showbiz, kaya ko rin i-manage ang school na alam ko na magiging beneficial para sa akin at sa ibang tao.

“Iniisip ng ibang tao na hindi kaya ng mga artista na pagsabayin ang showbiz at school pero you could always manage both at the same time if you love what you are doing,” ang kuwento ni Myrtle.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More