Una sa Balita

The Source: Katrina, hindi na kailangan sa FHM event!

By
0 11

Wala sa plano ni Katrina Halili na rumampa sa victory party ng isang men’s magazine na magaganap sa susunod na linggo dahil hindi na kaya ng katawan niya.

“Hindi na kaya ng katawan ko. Sila na, marami na sila doon. Hindi na nila ako kailangan doon!” ang hindi nagdalawang-isip na sagot ni Katrina nang tanungin siya sa set ng Sa Piling Ni Nanay tungkol sa posibilidad na pagrampa niya sa nasabing event.

Right now, ang kanyang anak at ang acting career ang mga prio­rity ni Katrina dahil sa kakaibang fulfillment ng pagiging isang ina.

“Nakakatuwa kasi minsan kapag matutulog ka na, titingnan mo siya. I love you ako nang I love you sa kanya tapos thank you ako nang thank you kay Lord.

“Nakakatuwa, hindi ko na-imagine ang sarili ko na mag-isip para sa ibang tao. Hindi ko naisip na sobrang magke-care ka.

“Hindi naman ako mahilig sa bata, pero before ako magka-baby, may pamangkin ako na 2-years old na pumunta sa bahay.

“Natuwa ako, hindi ko pa plano na magka-baby noon. Natuwa lang ako, nagpupunta siya sa bahay. Everytime, pinagsa-shopping ko siya.

“Nanonood kami ng movie, paulit-ulit maghapon. Nagbabantay ako sa kanya. Natuwa ako. Siguro, ‘yon ang training sa akin ni God,” ang pagbabalik-tanaw ng sexy actress.

Three years-old na ang anak ni Katrina at kung siya ang masusunod, ayaw niya na maging artista si Katie na umaarte-arte at mahilig kumanta, isang talent na namana ng bata mula sa kanyang ama, ang singer na si Kris Lawrence.

Dahil nabanggit ang pangalan ng ex-boyfriend niya, tinanong si Katrina kung good provider na ama si Kris na sinagot niya ng “ Okey lang po.”

Si Katrina ang kontrabida sa karakter ni Yasmien Kurdi sa Sa Piling Ni Nanay.

“Hindi siya nanonood ng mga programa na may nakasulat na SPG. Ayaw niya talaga, siguro natatakot siya sa tunog kapag sinasabi na SPG,” ang natatawa na kuwento ni Katrina tungkol sa kanyang number one inspiration ngayon.

Yasmien, inilabas ang ‘sama ng loob’ kay Katrina!

Nagulat pero idinaan na lang ni Katrina sa biro at tawa ang harap-harapan na pagtatapat ni Yasmien tungkol sa kinikimkim na tampo sa kanya. Labingtatlong taon na ang nakalilipas mula nang sumali ang dalawa sa Starstruck pero ngayon lang nalaman ni Katrina ang mga saloobin ni Yasmien.

Si Katrina ang nakapansin na maiiyak na si Yasmien sa pasabog nito na biktima siya ng bullying noon. Ikinuwento ni Yasmien ang diumano’y madalas noon na pang-aasar sa kanya ni Katrina kapag nasa backstage sila ng GMA 7 dahil maldita talaga ang kapwa niya contestant sa Starstruck.

Naiiyak na lamang daw siya sa mga ginagawa noon sa kanya ni Katrina na tinawag niya na intimidating. Tinawanan na lang ni Katrina na hindi malaman ang magiging reaksyon sa  unexpected revelation ni Yasmien na pabibo at competitive umano noong mga contestant pa sila ng 1st Season ng Starstruck.

Bumawi naman si Yasmien dahil sinabi nito na napakalaki ng ipinagbago ni Katrina. Nakita raw niya ang kabaitan ni Katrina nang magkasama sila sa Sa Piling Ni Nanay.

Child actress, 4 oras lang nagti-taping…

Pinatotohanan ni Jojo Aleta, ang executive producer ng Sa Piling Ni Nanay, ang mahigpit na pagpapatupad ng Department of Labor and Employment sa apat na oras na pagtatrabaho ng mga child actor.

Ang child actress na si Sofia Cabatay ang bata na pinag-aagawan nina Yasmien at Katrina sa kuwento ng Sa Piling Ni Nanay kaya importante ang karakter niya sa afternoon teleserye ng Kapuso Network.

Ayon kay Jojo, inu­una nila na kunan ang mga eksena ni Sofia at hindi lumalampas sa apat na oras ang pagtatrabaho ng bata bilang pagsunod nila sa batas ng DOLE. May nagsabi sa amin na may mga surprise visit na ginagawa ang mga representative ng DOLE sa mga taping para makita nila kung sinusunod ng mga television network ang mga batas tungkol sa child labor.