Una sa Balita

The Source: Katrina bilang ‘Scarlet’, sinadya?

By
0 6

Tungkol sa surrogacy (the carrying of a pregnancy for intended parents) ang kuwento ng Sa Pi­ling Ni Nanay. Ginagampanan ni Katrina Halili ang karakter ni Scarlet, ang babae na hindi na puwedeng magkaroon ng anak kaya kinontrata nila ng kanyang asawa (Benjamin Alves) si Ysabel (Yasmien Kurdi) para ipagbuntis ang kanilang anak.

Nasangkot sa malaking kontrobersya si Katrina nang makipagrelasyon siya noon kay Hayden Kho, Jr. na boyfriend ni Dra Vicki Belo. Naka-move on na si Katrina pero hindi pa rin niya matakasan ang anino ng kahapon dahil sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay, tungkol pa rin kina Dra. Belo at Hayden ang mga itinanong sa kanya.

Scarlet ang pangalan ng anak nina Dra. Belo at Hayden na isinilang ng isang surrogate mother sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization.

Itinanggi ni Katrina na sinadya na Scarlet ang pangalan niya sa Sa Piling Ni Nanay dahil matagal nang nagsimula ang taping ng afternoon drama ng GMA 7 bago pa ipinakilala nina Dra. Belo at Hayden sa publiko ang bata.

Sinabi ni Katrina na hindi ito papayag na maging surrogate mother sa tunay na buhay dahil siguradong magkakaroon siya ng emotional attachment sa sanggol na kanyang ipagbubuntis. Masakit daw ‘yon at naniniwala kami sa pahayag ni Katrina dahil mapagmahal na nanay siya sa lovechild nila ni Kris Lawrence.

Miss World PH, nasa Viva na!

Ang Viva Live! Inc. ng Viva Group of Companies ang bagong kasangga ng CQ Glo­bal Quest, Inc.ni Cory Quirino, ang organi­zer ng Miss World Philippines. Opisyal na nagsimula ang partnership nina Quirino at Boss Vic del Rosario noong Martes, June 14 kaya asahan natin na mas magiging matagumpay at maingay ang search para sa Pilipina na isasali ng ating bansa sa Miss World 2016.

Kasama nina Quirino at Boss Vic ang ­reigning Miss World Philippines na si Hillary Parungao at ang mga runner up nito sa announcement ng kanilang partnership.

Sa tulong ni Boss Vic at ng Viva Artists Agency, tiyak na ang pagkakaroon ni Parungao ng showbiz career kapag naisalin niya sa bagong winner ang kanyang korona.

“Basically, to ­support ‘yung search ng ating mga beauty pageant but for Viva, really, is the synergy to find  more ­artists that we can develop, whether in hosting, singing, acting or ­modelling.

“We would want to give more jobs beyond the contest. We also have created our sports ­management, we have started to handle sports celebrities.

“Viva is basically a total artist agency that handles actors, actresses, directors, the glam team, now beauty queens, mo­del… It’s a one stop shop.

“Our main clients, besides the networks, is really the advertising world. They need endorsers, they need celebrities.It’s part of our expansion,” ang paliwanag ni Boss Vic tungkol sa pagsasanib-­puwersa nila ni Quirino.