Una sa Balita

The Source: James-Nadine, sinalubong ng KULOG/KIDLAT!

By
0 151

Ang JaDine Every­day launch ng Bench noong Sabado sa Music Hall ng Mall of Asia ang hu­ling event na dinaluhan nina James Reid at Nadine Lustre bago sila lumipad sa Greece para sa taping ng Till I Met You, ang bagong teleserye nila sa ABS-CBN.

Bumuhos ang malakas na ulan, malakas ang kulog at kidlat ilang minuto bago nagsimula ang Bench event pero hindi ‘yon naging dahilan para umalis sa Music Hall ang fans na matiyaga na naghintay sa pagdating ng Team Real.

Kahit covered area ang Music Hall, malakas ang buhos ng ulan kaya natalsikan at nabasa ang audience na pinili na gamitin ang mga payong na dala nila kesa umalis sa venue dahil excited sila na makita nang personal sina James at Nadine.

Malakas na palakpakan at tilian na sinabayan ng kulog at kidlat ang sumalubong sa real-life couple na kumanta muna bago rumampa sa stage, suot ang for everyday clothes ng Bench.

Bukas nang madaling-araw ang flight nina James at Nadine sa Greece. Dalawang linggo sila na mananatili sa Greece dahil dito kukunan ang mga importanteng eksena sa bagong teleserye nila sa Kapamilya Network.

Looking forward sina James at Nadine sa kanilang unang beses na biyahe sa Greece dahil sa mga Greek foods na gusto nila matikman at tourist spots na nais nila mabisita.

Ex-dyowa ni Alma, sangkot sa pasabog ni Pres. Duterte!

Kabilang ang pangalan ng ex-husband ni Alma Moreno na si Marawi City Mayor Fahad Salic sa mga binanggit ni President Rodrigo Duterte na kasama sa listahan ng mga government official na inakusahan niya na sangkot sa illegal drug trading.

Inilantad at isa-isang binasa ni Duterte ang mga pangalan ng mga government officials, police officials at judges sa presscon na naganap kahapon nang madaling-araw sa Camp Panacan, Davao City.

Ikinasal sina Alma at Mayor Salic sa Cebu City noong March 21, 2009. Limang taon lamang ang itinagal ng kanilang pagsasama dahil noong January 2014, inamin ni Alma na naghiwalay na sila.

Kahit madaling-araw ang presscon ni Duterte, tinutukan ito na parang opening ceremony ng 2016 Rio Olympics noong Sabado dahil matagal nang hinihintay ng sambayanang Pilipino ang pagbubulgar niya sa mga opisyal ng gobyerno, pulisya at korte na diumano’y sangkot sa illegal drug trading.

Kung makulay ang Rio Olympics opening ceremony na live na napanood sa TV5, higit na makulay ang mga pasabog ni Duterte at ang kanyang mga funny one-liner.

Kasama ang pangalan ni Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog sa mga binanggit ni Duterte dahil girlfriend siya ng drug lord at recording artist na si Herbert Colangco.

Hindi nakaligtas si Colangco sa patutsada ni Duterte na nagsabi na “Pa-blondie-blondie ka pa (ng buhok), hindi ka naman tisoy!”

Herbert C. ang ginamit ni Colangco na screen name at siya ang co-winner ni Richard Yap sa New Male Recording Artist of the Year category ng Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club noong September 2014 para sa kanyang record album na Kinabukasan.

Kahit nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, nakapag-record si Herbert ng album.

Ang Ivory Records ang nag-release ng debut album ni Herbert na ginawaran ng Platinum award sa kanyang concert noong 2014 sa New Bilibid Prison.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy