Una sa Balita

THE SOURCE: Andre Paras, goodbye na sa basketball!

By
0 287
Andre Paras
Andre Paras

Mainstay na si Andre Paras ng Sunday Pinasaya at kabilang siya sa mga ipinakilala bilang bagong miyembro ng Sunday noontime show ng GMA 7. Bukod sa Sunday Pinasaya, malapit nang mapanood si Andre sa Encantadia bilang Wahid, ang karakter na ginampanan ng kanyang tatay na si Benjie Paras sa original version ng primetime telefantasya ng Kapuso Network.

May funny anecdote si Andre tungkol kay Benjie nang matanggap niya ang text message na may taping siya para sa Encantadia at gagampanan niya ang role ni Wahid.

“Ang nakakatawa, nu’ng tinext ako na Andre, may taping ng Wahid, finorward ko sa Dad ko.”
“Ang sabi ng Dad ko, ‘Oy wala ako, nasa ibang bansa ako.”

“Sabi ko Dad, sa akin ito, hindi sa’yo,” ang natatawa na kuwento ni Andre tungkol sa maling akala ni Benjie na ito muli ang gaganap na Wahid.

“Nakalabas na po ‘yung teaser ko bilang si Wahid pero wala pa naman ‘yung ibang eksena. Hindi siya bagong role, more of ‘yung dating role ng Dad ko, si Wahid. Ibi­nigay sa akin ‘yung role niya so super thankful ako,” ang dagdag na kuwento ni Andre.

Ang That’s My Amboy ang huling primetime show ni Andre sa GMA 7 at apat na buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang teleserye na pinagbidahan nila ni Barbie Forteza.

Kahit natagalan bago nabigyan ng bagong television project, hindi nawalan ng ginagawa si Andre dahil nag-enroll siya sa isang film school.

“Five months ako na- bakante, ang ginawa ko lang po is naghanap ako ng school, sorry I cannot say the name.”

“Naghanap ako ng film school at nakapasok naman ako and I’m thankful kasi kahit alam ko na  ‘yung schedule, nakakapasok pa rin ako sa school and at the same time, passion ko rin naman ‘yung ginagawa ko sa TV.”

“Ngayon, hindi ko na itinutuloy ‘yung basketball, more of focus lang ako sa film studies.”

“Film kasi ang passion ko talaga. ’Yung pag-entertain ng tao, in front of the cam and at the same time, matanong ako. I’m interested on how to tell a story, kung paano ang pagdidirek. Siguro ako, I want to be a director one day, cinematographer or cameraman.”

“High school pa lang, I love art talaga, photography, ganyan pero I really want to learn. Ang daming tanong na hindi nasasagot so why not go to school? At the same time, may diploma ‘yon,” ang pahayag ni Andre.

Kim Last, nahaharap sa malaking pagsubok!

Kim Last
Kim Last

Mainstays na rin ng Sunday Pinasaya sina Boobsie Wonderland, Gladys Guevarra, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Pekto, Atak, Lovely Abella at Kim Last.

Si Kim ang grand finalist ng That’s My Bae contest ng Eat Bulaga.

Nahaharap sa malaking pagsubok si Kim dahil karagdagan ito sa mga newcomer na Kim ang pa­ngalan kaya kailangan na mapatunayan niya na may talent siya at may karapatan na sumikat.

Naririyan ang sexy star na si Kim Domingo, ang singer-actress na si Kim Molina at ang mga ABS-CBN stars na sina Kim Chiu at Kim Atienza.

Isama na natin si Kim Jones, ang television host na asawa ni Jericho Rosales. Nabawasan pa nga sila dahil matagal nang nag-quit sa showbiz si Kim delos Santos.

P-Digong, gumawa ng kasaysayan sa ‘tsuk-tsak’!

Gumawa ng kasaysayan si President Rod­rigo Duterte dahil sa mga naglingkod at nanunungkulan bilang pangulo ng bansa, siya ang kauna-unahan na gumamit sa isang press conference ng showbiz  gay lingo na ‘tsuk-tsak’.

Ginamit ni Duterte ang ‘tsuk-tsak’ word nang ibulgar niya sa presscon sa Taytay, Rizal noong Miyerkules na may bagong karelasyon si Senator Leila de Lima na Warren ang pangalan na escort o isang hagad na empleyado ng MMDA.

Live telecast ang presscon ni Duterte na napanood sa GMA News TV at hindi namin napigilan na matawa sa pahayag ng pangulo na “I would be lying if I do that and I would not be as honest as I can ever be with you because of her pitfalls.”

“Hindi niya (De Lima)  mapaibig, eh. ‘Yung init ng..they call it tsuk tsak.. tsak tsuk siguro sa inyo…”

“What is there to say?”

“Anong sabihin ko? I have to explain it in the dictionary na it is an act relating to the… Tsuk tsak na lang.”

“Tsak tsuk, tsuk tsak..”

For the record, hindi si Duterte ang unang nagbunyag ng alleged relationship ni Senator Leila de Lima kay Warren dahil nauna ang aktor at former senator na si Jinggoy Estrada na walang takot na pinangalanan si Warren Cristobal, ang MMDA escort ni De Lima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More