Una sa Balita

THE SOURCE: Anak ni Gabby kay Jenny na si Cloie, pasok sa Miss Universe Sweden!

By
0 217

Finalist sa Miss Universe Sweden 2016 si Cloie Syquia Skarne, ang 21-year old daughter nina Jenny Syquia at Filip Skarne. Sa Pilipinas, kilala si Cloie bilang biological daughter ni Gabby Concepcion at half-sister ng TV host/actress na si KC Concepcion.

Sa August 28 ang co­ronation night ng Miss Universe Sweden 2016 at kapag pinalad si Cloie na manalo, siya ang official representative ng Sweden sa Miss Universe 2016 na magaganap sa Pilipinas sa January 30, 2017.

Kung big deal sa mga Pilipino ang mga beauty pageant, particularly ang Miss Universe, simple lang ang proseso ng pagpili ng Miss Universe Sweden sa mga mananalo.

May libreng pagkain at drinks (wine o beer) ang mga may hawak ng VIP tickets at puwede sila na makihalubilo sa mga finalist bago magsimula ang programa.

Magkasabay ang pro­c­lamation ng winners ng Miss Universe at Mr. Sweden sa August 28 at idaraos ito sa Café Opera sa Stockholm.

Labindalawang baba­e at labindalawang la­lake ang maglalaban para sa mga nabanggit na title at ang mananalo ang ipadadala ng Sweden sa Miss Universe samantalang Mr. Model Universe naman ang sasalihan ng winner ng Mr. Sweden title.

Gabby, ‘di pa rin mapatawad ni Cloie!

Mula sa Stockholm, Sweden ang pakilala ni Cloie sa sarili pero naririto siya sa Pilipinas sa kasalukuyan at nagbabakasyon bago sumabak sa pageant night sa August 28.

Toddler pa lamang si Cloie nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at nang dalhin siya ni Jenny sa Amerika.

Gabby Concepcion
Gabby Concepcion

Lumaki at nagkaisip si Cloie sa Sweden dahil mula roon si Filip Skarne, ang lalake na pinakasalan ng kanyang ina at nakagisnan niya bilang ama. Legally adopted si Cloie ni Filip kaya Skarne ang ginagamit niya na family name.

Dalaga na si Cloie nang bumalik sa Pilipinas noong 2013 at hanggang ngayon, hindi pa sila nagkikita nang personal ni Gabby.

Ayon sa Miss Universe Sweden website, nagtrabaho si Cloie bilang private English teacher para sa mga bata, finance manager, student council member siya ngayon sa Stockholm University at incoming student council president sa susunod na buwan.

“Charity is something I really enjoy. I would like to give back to the world and feels good doing it. I founded and run a company that donates 10% of the proceeds to charity, something I want to continue to do in whatever company I run in the future.

“I am a kind-hearted, results-oriented, internationally experienced person, studying languages and entrepreneurship at the University of Stockholm.

“If I could change anything, it would be to improve conditions for children growing up in poverty. It’s something I realized when I visited an orphanage in the Philippines,” ang description ni Cloie sa sarili nang sumali siya sa Miss Universe Sweden.

Kung talagang kind-hearted si Cloie, madali sa kanya na makapagpatawad kaya nakapagtataka na hindi pa rin siya handa na makaharap nang personal ang biological father niya.

Sa August 28 pa ang coronation night ng Miss Universe Sweden at habang naririto pa sa bansa si Cloie, may panahon pa siya  para makipagkita kay Gabby dahil may good karma na naghihintay sa mga anak na marunong magbigay ng respeto sa kanilang mga magulang na hindi puwedeng kontrahin ng sinuman  bilang ito  ang ika-limang utos ng Diyos.

Jenny, feeling stage mom kay Cloie!

Proud mother si Jenny Syquia sa pagsali ng kanyang panganay na anak sa Miss Universe Sweden 2016. Si Jenny ang nagpo-promote ng official website ni Cloie na binuksan noong nakaraang buwan.

Naniniwala kami na si Jenny ang administrator ng website ni Cloie at siya rin ang nagsulat at nag-post ng mga achievement ng kanyang anak tulad ng mga guesting nito noon sa ASAP at It’s Showtime.

Matutuwa ang ABS-CBN kay Jenny dahil sa isinulat nito na 20 million ang viewers ng ASAP, ang Philippines’ most popular Sunday show na nag-imbita noon kay Cloie bilang guest singer at dancer.

Binanggit din ni Jenny na lumabas si Cloie na judge ng isang dance contest ng It’s Showtime at sa estimate niya, 17 million ang daily viewers ng noontime show ng Kapamilya Network.

Kung Swedish ang makakabasa ng mga nakalagay sa website ni Cloie, paniniwalaan nila ang mga nakasulat dahil hindi naman sila aware sa mga nagaganap sa ating bansa at lalong wala silang interes na malaman ang mga nangyayari sa Philippine movie and television industry.

Marcos sa Libingan ng mga Bayani, aprub kay Cong. Atienza…

Beng at Lito Atienza
Beng at Lito Atienza

Ngayong 2016, dalawang okasyon na mahalaga ang ipinagdiwang ni former Manila City Mayor at Buhay Party-List House Representative Lito Atienza, ang kanyang 75th birthday noong August 10 at ang 50th wedding anniversary nila ng misis na si Beng noong July 9.

Hindi nakakalimutan ni Congressman Atienza na imbitahan sa mga importanteng pangyayari sa buhay niya ang entertainment press na bahagi ng kanyang journey bilang public servant.

Sa kabila ng kanyang mga busy schedule, ­hindi binibitiwan ni Congressman Atienza ang weekly drama anthology niya sa GMA 7, ang Maynila na 17 years nang napapanood sa telebisyon.

Mga mabubuting ugali ng isang tunay na Pilipino at pagpapatawad sa mga nagkakasala ang ilan sa mga kuwento na tinatalakay sa bawat episode ng Maynila.

Sa tunay buhay, marunong magpa­ta­wad si Congressman ­Atienza na ­bik­tima noon ng Martial Law ni ­former Pre­sident Ferdinand ­Marcos pero ­payag siya na ilibing sa Li­bingan ng mga Ba­yani ang dating pa­ngulo dahil sa kanyang katwiran na panahon na para isara ang nakaraan, alang-­alang sa ­pag-unlad at pagsulong ng bayan natin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More