Una sa Balita

The Source: Alden Richards at Maine Mendoza, Most Beautiful Celebrities 2016!

By
0 149

Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang Most Beautiful  for 2016 ng YES! Magazine.

Ang karangalan na ibinigay sa kanila ng YES!Magazine staff ang sorpresa nina Alden at Maine para sa kanilang  mga taga-hanga.

Opisyal na idineklara sina Alden at Maine bilang Most Beautiful sa grand reveal na ginanap kahapon sa isang hotel sa Quezon City.

Bukas ang opening day sa mga sinehan ng Imagine You & Me, ang 1st anniversary movie nina Alden at Maine at nagkataon lang na ipinroklama sila na Most Beautiful Celebrities, dalawang araw bago ang playdate ng kanilang pelikula.

Ngayong gabi naman ang red carpet premiere ng Imagine You & Me sa SM Megamall Cinema.

   4 oras na taping sa mga batang artista ipinatutupad n ang DOLE!

Ipinatutupad na ng Department of Labor and Employment ( DOLE) ang apat na oras lamang na taping/shooting para sa mga child actor.

Kinausap na ng mga television  network management ang mga magulang ng mga child actor tungkol sa working hours na itinakda ng DOLE para sa mga bata.

Nangangahulugan  ito na mauuna nang kunan ang mga eksena ng mga bata dahil hindi na sila puwedeng magpuyat at tumambay sa set ng mga teleserye at pelikula na tinatampukan nila.

Malaking problema sa production staff ang batas na ipi­natutupad ng DOLE dahil kulang ang apat na oras na taping,­ lalo na kung ang child actor ang bida ng television show at pelikula.

Rhian Ramos, pumayag nang mag-pose sa sikat na men’s mag!

Pinatotohanan ng FHM edi­tor na si Allan Hernandez ang  pahayag ni Rhian Ramos na matagal na itong nililigawan na maging cover girl pero napapayag lang ang lead actress ng Sinungaling Mong Puso dahil nagbagong-bihis ang widely circulated men’s magazine.

“ Malaking factor  ‘yung redesign ng FHM kasi nga sos­yal na ang dating niya. Hindi na hubaran ang labanan. Pati ‘yung interview style, hindi  na sex-oriented.

“ So ang sabi ni Rhian,’yung ganoong audience ang gusto niya na ma-reach.

“ Sa France ang pictorial dahil nag-attend si Rhian sa kasal ni Solenn Heussaff.­ Kinontrata namin si Marc Nic­dao (photographer) at ‘yung team na nag-attend din sa kasal to shoot the cover,”  ang ilan sa mga impormasyon na na­laman namin mula kay Allan.

Si Rhian ang cover­ girl ng July 2016 edition ng FHM at saktong-sakto ito sa pagsisimula sa Lunes, July 18, ng Sinungaling Mong Puso, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan niya.

Hindi kasali si Lipa City  House Representative Vilma Santos sa cast ng television adaptation ng pelikula niya pero panay ang banggit sa kanya sa television plug ng Sinungaling Mong Puso dahil  diumano, ang yapak niya ang sinusundan ni Rhian.

 Concert ni Gary V. hitik sa mahuhusay na singer!

Sina Alllan Silonga, Bullet Damas, Carla Guevara-Laforteza, Janice Javier, Jimmy Marquez, Kat Velarde, Kiana Valenciano, Lara Maigue, Mitoy Yunting, RJ dela Fuente at Timmy Pavino ang mapapalad na singer na makakasama ni Gary Valenciano sa Gary V. Presents, ang two-night concert na mapapanood sa Kia Theater sa July 15 at July 16.

Hindi nahirapan si Gary sa pagpili dahil alam niya na mahuhusay na singer ang kanyang makakasama sa pinaka­abangan na concert.

Sa presscon kahapon ng Gary V. Presents,ipinarinig ng mga nabanggit na singer ang sariling version nila ng mga hit song ni Gary na kaligayahan na ang tumulong sa mga singer na karapat-dapat na bigyan ng break sa local music industry.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More