Una sa Balita

THE SOURCE: Alden, minus Maine muna ngayong gabi!

By
0 3
Alden at Maine
Alden at Maine

Magaganap ngayong gabi sa Crowne Plaza Hotel ang The PEP List Awards Year 3. Kabilang sa mga pararangalan sina Alden Richards

at Maine Mendoza dahil sila ang winners ng Newsmaker of the Year at Cele­brity Pair of the Year ng PEPsters Choice ng PEP List Awards.

Kumpirmado ang pagdalo ni Alden sa awards night ng PEP pero hindi makararating si Maine dahil lumipad ito sa Amerika para panoorin ang concert ng kanyang favorite band, ang Coldplay.

Nag-iwan na lamang si Maine ng thank you video para sa fans nila ni Alden na bumoto sa kanila para sa mga nasabing kategorya.

Aljur, iniwan ng ina at mga kapatid!

Bukod sa promo ng Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli, ang renovation ng bahay niya sa Quezon City ang pinagkakaabalahan ni Aljur Abrenica.

“Yung bahay sa Sct. Fuentebella. Sixty percent nang tapos.

“Du’n na kami talaga nakatira for 3 years. Pina-renovate ko lang. Nandoon pa rin ako, ako na lang mag-isa kasi ginagawa pa ‘yung ibang kuwarto. ‘Yung kuwarto ko na lang ang huli para nakakapag-­supervise ako, hands on ako.”

“Nasa mga hotel sila, nasa condo, nagre-rent kasi ‘yung mga kuwarto nila ginagawa, pati si Vin nasa condo rin pero babalik sila,” ang paliwanag ni Aljur tungkol sa isyu na umalis na sa bahay niya ang kanyang ina at mga kapatid.

Iginiit ni Aljur na mutual decision ng pamilya ang nangyari dahil gusto niya na matuto na tumayo sa sa­riling paa ang kanyag mga kapatid na lalake.

Efren, binabayaran para mangwalanghiya ng tao!

Ang character actor na si Efren Reyes, Jr. ang isa sa mga mami-miss ng mga co-star niya sa Tubig at Langis dahil siya ang comedian sa set. Kontrabidang-kontrabida ang role ni Efren sa afternoon drama series ng ABS-CBN na malapit nang magwakas pero mahal na mahal siya ng kanyang mga katrabaho dahil sa jolly attitude niya.

Sa farewell presscon ng Tubig at Langis, hindi napigilan nina Zanjoe Marudo, Cristine Reyes at Isabelle Daza na matawa sa mga sagot ni Efren sa mga tanong ng entertainment press.

“Bayad!” ang walang kagatol-gatol na sagot ni Efren nang tanungin tungkol sa mga satisfaction niya sa pagganap na kontrabida sa Tubig at Langis.

“Nakakapag-walanghiya na ako ng tao, binabayaran pa ako. Hindi ko nagagawa ‘yon sa tunay na buhay. Nakakapag-express ka ng sense of freedom, mga galit, mga hindi mo magawa sa tunay na buhay pero sa pelikula, nae-express mo ‘yung mga gusto mong sampa­lin,” ang natatawa na sabi ni Efren na sinisisi ang mga co-stars  niya sa kanyang mga barubal na sagot.