Una sa Balita

THE SOURCE: Ai Ai, hindi nagbanal-banalan para sa Papal Award!

By
0 78
Ai Ai delas Alas
Ai Ai delas Alas

Hindi naging madali ang nominasyon kay Ai Ai delas Alas bilang recipient ng Pro Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis dahil inimbestigahan ng Roman Catholic Church ang kanyang personal na buhay at ayon ito kay Fr. Erick Santos, isa sa mga pari na nagsulong para i-nominate ni Bishop Antonio Tobias ang Comedy Queen.

“In the process of preparing for this, lahat po ng imbestigasyon ay ginawa. Ang buhay ni Ai Ai ay nabulatlat sa Roma.

“Alam nila ang lahat tungkol sa kanya. Alam nila ang kanyang mga nakaraan. Hindi siya nagpakaplastik, hindi siya nagbanal-banalan para lang maging Papal awardee.

“Ang naghari sa bandang huli is ‘yung nakita nila ang pagmamahal ni Ai Ai sa simbahan. ‘Yung kanyang malasakit sa Papacy na for the church, ’yung dami ng kanyang mga natulungan na pari.

“‘Yung mga pinag-aral na pari, ninang siya ng maraming pari. Pinag-aral niya na hindi niya kakilala. ‘Yung kanyang trabaho, ‘yung pag-aalay ng sarili niya sa Missionaries of Charity.

“Ang lahat ng ito should be an inspiration to us that we don’t expect to be Papal awardees all pero at least nakita natin na ang simbahan sa kabila ng ating kahinaan, sa kabila ng ating mga pagkakamali, tinitingnan pa rin niya ang ating kabutihan.

“So in the end, ‘yun din ang mas nagkaroon ng timbang, ‘yung kabutihan ni Ai Ai, ‘yung ganda ng puso niya, ‘yung paraan niya, hindi ‘yung mga pagkakamali niya.

“That’s how the Church works. That’s how the Church loves us. Indeed, it’s a beautiful year of mercy for all of us.

“Itong si Ai Ai hindi pa niya alam ‘yung P­apal Award, pinangarap na niya. In the course of wor­king for this award, she was nominated by the D­iocese of Novaliches, on account of her so many charities and sabihin natin na works for the church and the laity (mga tao na hindi pari pero tapat na naglilingkod sa simbahan), ‘yung pagpapatayo nitong Kristong Hari Church,” ang paliwanag ni Fr. Erick Santos tungkol sa parangal na tatanggapin ni Ai Ai mula sa Catholic Church sa November 11, 2016.

Diana, bagong kontrabida sa Encantadia!

Diana Zubiri
Diana Zubiri

Nasagot sa episode kagabi ng Encantadia ang tanong ng viewers ng top rating telefantasya ng GMA 7 tungkol sa aktres na gumaganap na Lila Sari, ang taksil na ampon ni Cassiopeia (Solenn Heussaff) na magiging kakampi ni Adhara (Sunshine Dizon) sa pakikipaglaban sa apat na sangg’re ng Encantadia.

Nakaramdam ng inip ang manonood ng Encantadia dahil natagalan bago ipinakita ang mukha ni Lila Sari na nakatago sa likod ng maskara na suot niya.

Natapos kagabi ang kanilang curiosity at pananabik dahil sa rebelasyon na si Diana Zubiri, ang original Danaya ng Encantadia, ang nagbigay-buhay sa karakter ni Lila Sari na may kapangyarihan na gawin na bato ang mga tumitingin nang diretso sa kanyang mga mata.

Natagalan ang paglabas ni Diana sa Encantadia dahil hinintay pa ng production staff ang pagsisilang niya sa kanyang baby daughter noong August 14, 2016.

Nag-taping si Diana ng kanyang mga eksena para sa Encantadia noong  Biyernes, October 14, eksaktong dalawang buwan matapos ang kanyang panganganak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy