Una sa Balita

THE SOURCE: 2 SIKAT NA AKTOR, NASA ‘LISTAHAN’ NG MGA ADIK?

By
0 190

Dalawang sikat na aktor ang diumano’y nasa listahan ng mga showbiz personality na gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Parehong wholesome ang image ng mga aktor na hindi nawawalan ng mga movies at television project kaya walang mag-aakala na lulong sila sa masamang bisyo.

Ilang linggo nang kumakalat ang balita na ang mga artista na gumagamit ng illegal drugs ang susunod na papangalanan ng administrasyon ni Presidente Rod­rigo Duterte kaya nababahala ang concerned friends ng mga aktor dahil tiyak na maaapektuhan ang kanilang mga careers.

Noong Miyerkules ng gabi, nakipag-mee­ting ang police authorities sa mga bar owner sa Boni­facio Global City dahil hiningi nila ang kooperasyon ng lahat sa kanilang anti-illegal drug campaign. Ang mga bar sa Bonifacio Global City ang paboritong puntahan ng mga sikat na showbiz personality.

Anak ni Gabby na si Cloie, sa ‘Pinas nag-training para sa Miss Universe Sweden!

Bukas, August 28, ang coronation night ng Miss Universe Sweden 2016 sa Café Opera, Stockholm, Sweden. Nagkaroon ng interest ang mga Pilipino sa Miss Universe Sweden 2016 dahil finalist si Cloie Skarne, ang estranged daughter ni Gabby Concepcion at half-sister ni KC Concepcion.

Nakatulong ang mga news report sa Pilipinas na kasali sa Miss Universe Sweden si Cloie dahil nadagdagan ang mga boto para sa kanya.

Cloie Skarne
Cloie Skarne

Si Cloie na nakakuha ng 455 online votes ang pinakamahigpit na kalaban ni Jenny Gustafsson na may 498 online votes.

Labing-apat ang kalaban ni Cloie sa Miss Universe Sweden crown pero kung hindi man palarin, may tsansa pa rin siya na manalo dahil pipiliin din sa naturang beauty pageant ang magiging representative ng Sweden sa Miss Universe International at Miss Universe Earth titles, pati na ang dalawang runner up.

Matagal na nanatili si Cloie sa Pilipinas dahil dito siya nag-training para sa pagsali niya sa Miss Universe Sweden. Malaki ang iginanda ni Cloie dahil naturuan siya ng isang mahusay na Filipino make up artist.

Sunday PinaSaya, pamilya ang turingan!

Ang pagiging isang tunay na pamilya ang pare-parehong sagot ng mga mainstay ng Sunday PinaSaya kaya successful ang kanilang Sunday noontime program sa GMA 7.

Hindi nagkakalayo ang mga sinabi nina Ai Ai delas Alas, Wally Ba­yola, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose nang tanungin tungkol sa sikreto ng tagumpay ng Sunday PinaSaya na patuloy sa pamamayagpag sa ra­tings at pinarangalan bilang Comedy Show of the Year sa ikatlong taon ng The PEP List Awards.

“Isang pamilya kami every Sunday at saka si­guro nga, kagaya ng sinabi ko sa video, nakasanayan kasi natin ‘yung kantahan, sayawan.

“Ngayon, mas more of comedy ‘yung show. Ang mga tao, sa dami ng problema, gusto nila na tumawa nang tumawa at isa ‘yon sa mga dahilan kaya naging successful ang Sunday PinaSaya, modesty aside,” ang paliwanag ni Ai Ai.

“Ang tanging sikreto ng grupo namin sa Sunday PinaSaya eh ‘yung off cam pa lang, backstage, talagang nagba-bonding kami, bawat isa.”

“Hindi ‘yung tipong, tahimik lang. Lahat kuwentuhan, sabay-sabay kumakain. magkakasama sa dressing room.

“Du’n pa lang, nabubuo na ‘yung closeness kaya pag labas namin sa entablado, andoon agad ‘yung instant rapport, masasaya kami lahat,” ang katwiran ni Wally Bayola, ang hinirang na Male Comedy Star of the Year ng The PEP List Awards.

“Feeling ko, ‘yun ang isang factor kaya kami nag-o-overtime kasi karamihan, sa sobrang close namin, ‘yung mga adlib, kami-kami na lang ‘yung nakakaalam, which only means na ganoon na kami ka-close.

“Magaling na kami, kung mawala man kami sa script, makakabalik kami agad, nagsasaluhan din. Teamwork din,” ang pahayag ni Barbie na malaki ang utang na loob sa Sunday PinaSaya dahil dito niya napatunayan na may talent siya sa pagpapatawa, bukod sa kanyang husay bilang dramatic actress.

Hindi nakarating si Alden Richards sa thanksgiving at anniversary presscon ng Sunday PinaSaya dahil nagsimula na ang kanyang taping para sa Encantadia pero ipinaabot niya ang pasasalamat sa lahat.

“Noong una, ang talagang gusto namin ay mag-offer ng something new for the Filipino audience. In short, suntok sa buwan ang concept ng Sunday PinaSaya and hindi namin inakala na people will like the show, the concept of it, hanggang sa nag-number one pa siya kaya thank you Lord. Natutuwa kami na binigyan kami ng chance to shake things up a bit.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More