Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Ika-9 na labas

(Ikasiyam na labas)

“Hello po. Magandang gabi Miss Margaret!”

“Good evening Princess Perly… hindi ‘yan ang upuan mo, there.” Sabay turo ng Donya sa upuang katapat niya subalit napakahaba ng distansya.

“D-doon po? From south to north?” hindi makapaniwalang tanong ng ­dalaga.

“Listen carefully to every words that I say para hindi mo na ulit ­kailangang itanong. A princess must be a good listener.”

“Opo Miss Margaret.”

Dahan-dahang naupo si Perlita sa upuang nakalaan sa kanya. Sa layo ng pagitan nila, mukhang kakain sila ng walang imikan dahil siguradong hindi sila magkakarinigan.

Related Posts

Gano’n na nga ang nangyari. Ala­nganin pa si Perlita na humawak ng mga mamahaling kobyertos. Sanay kasi siyang kumain ng nakakamay at dumadaldal habang kumakain. Pero ngayon ay dinig na dinig niya ang bawat nguya niya.

Sa isip niya…” alam ko na’to eh, napanood ko na’to sa t.v. dapat mai­ngat sa pagnguya, nakatikom ang bibig, walang lalaglag na mumo at ‘di dapat nag-iingay ang mga kutsara’t tinidor…kala n’yo ha…”

Pasulyap-sulyap naman si Donya Margarita kay Perlita. Palihim na pinagmamasdan ang kilos nito habang kumakain.

Sa bilis kumain ni Perlita ay ­nauna pa siyang matapos sa Donya. Pero sinenyasan siya ni Luna na huwag ­munang tatayo. Kailangang hintayin niyang matapos kumain si Donya Margarita bago siya umalis sa kinauupuan.

“Grabe ha, ang boring naman…” sa isip ng dalaga.
Kinabukasan. Maaga pa ay ­ginising na siya ni Manay Sita.

“Princess Perly, oras na po ng paggising.”
“Ano? Inaantok pa’ko eh, pwede bang mag-extend kahit half hour na lang…”

“Hindi po pwede. May importante kayong pupuntahan ni senyora.”
“Ha? aalis kami?”

“Opo.”

“Saan naman kami pupunta? Ah, siguro magsa-shopping at kakain sa mamahaling restaurant, tama ako no?”

“Siya na lang po ang magsasabi sa inyo.” (Itutuloy)