Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-8 na labas

“Perlita De Dios, isa ka na ngayong certified prinsesa, kaya gawin mo na lahat ng gusto mo at lahat sila ay susunod sa’yo!”

Gabi. Kausap ni Donya Margaret ang pamangkin sa cellphone.

“But Aunt Margaret, kagagaling ko lang diyan last week.”

“No Denver, you don’t have to be here soon, I just want you to know that one of these days ay kakailanganin ko ang tulong mo, so sana ‘wag ka munang babalik sa America.”

“About what?”

“It’s about the new princess.”

“Okay, the chosen one, so tingin mo ba magkakaproblema ka sa kanya?”

“I think so. Pero gusto ko muna siyang obserbahan.”

“You know what, ang dami mo nang natulu­ngan, Auntie, you don’t have to do that anymore, that is too much.”

“Denver, pagtatalunan na naman ba natin ito? I promised to your cousin before she died na gagawin ko ito until the day I die. Ilang beses ko ba itong kailangang ulitin sa’yo.”

“Yeah, I know.”

“So pa’no, maaasahan ba kita?”

“Of course.”

“Okay, thank you.”

Iyon lang at napanatag na ang donya.

Nasa dining area na ang donya ay hindi pa rin bumababa mula sa kuwarto niya si Perlita.

“Manay Sita, ipinatawag mo na ba si Princess Perly?”

“Opo, senyora.”

Related Posts

Maya-maya pa ay mag-isang bumaba si Luna mula sa silid ng dalaga.

“O Luna, nasaan si Princess Perly?”

“E, ano po eh, ayaw pong gumising, gusto pa raw po niyang matulog, hindi pa raw po siya nagugutom.”

Napahugot ng malalim na hininga ang donya sa narinig.

“Manay Sita, I think you have to talk to her.”

“Opo, senyora.”

Pinuntahan ng mayordoma si Perlita sa silid nito.

“Princess Perlita kailangan mong gumising sa ayaw at sa gusto mo.”

“Ano ba, inaantok pa ang tao eh…” nakapikit na sagot ng dalaga.

“Kasama sa rules and regulations mo bilang prinsesa ang tamang oras sa pagkain at pagtulog.”

Napabalikwas ng bangon ang dalaga.

“Ha? Ibig sabihin hindi ako pwedeng kumain at matulog kung kelan ko gusto?”

“Ganoon na nga po.”

“Hay grabe naman, ano pang silbi ng pagi­ging prinsesa ko kung hindi ako masusunod?”

“Marami pong silbi ang pagiging prinsesa, pero kaakibat po nito ang disiplina sa sarili at pagsunod din sa mga responsibilidad at obligasyon na itinakda para sa’yo.”

Inis na tumingin sa wall clock si Perlita.

“Baka pati pag-toothbrush o pag-poopoo ko nito may oras?” bulong niya sa sarili.

“Princess Perly, naghihintay na po ang sen­yora sa dining room at hindi na po iyon dapat maulit.”

“Okay susunod na kamo ‘ko.”

Napapailing na lumabas ng silid ang mayordoma.

Nang makarating sa dining room si Perlita ay nagmamadali siyang naupo sa upuan sa tabi ng donya. (Itutuloy)