Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Ika-7 na labas

“Then you must, mukhang wala kasi sa pinag-uusapan natin ang atensyon mo.”

“S-sorry po, ito po kasing mga nasa frame niyo, mga anak niyo po ba sila?” direktang tanong ng dalaga.

“Kasama din sa rules na bawal magtanong tungkol sa circle of family ko. Anyway, basahin mo na lang at pag-aralan ang book of rules and regulations at intindihin mong mabuti. That’s all, Princess Perly, you can go now to your new room.”

Hindi na nakaimik pa si Perlita nang akayin na siya ng isang bodyguard palabas sa opisina ng donya.

Related Posts

Lalo siyang namangha nang mapasok niya ang kuwartong inilaan para sa kanya.

“WOW!” nanlalaki ang mga matang nilundag agad niya ang malaki at malabot na kama.

“Grabe, totoo ba ‘to? Kapag ganito ang tutulugan ko parang ayoko nang bumangon!”

Napatingin siya sa bodyguard na edad 40. Si Mang Makoy.

“O, ano pang ginagawa mo diyan? Tsupi!”

Walang imik na lumabas ng silid ang lalaki. Dahil first time makakita ng ganoon kagandang silid ay hindi malaman ni Perlita kung ano ang uunahin niyang butingtingin. Lahat ng nakikita niya ay maganda sa kanyang paningin. Maging ang malaking aparador ay punumpuno ng magagarang damit. Mga sapatos na tila isinukat sa mga paa niya. Mga alahas na siguradong magpapatingkad sa kagandahan niya at kung anu-ano pang mga gamit na ngayon lang niya mahahawakan sa tanang buhay niya.

At ang pinaka-nagustuhan niya ay ang whole body mirror na may white laces sa paligid nito. Tila pag-aari talaga ng isang tunay na prinsesa. Kaya naman ang ganda-ganda ng tingin niya sa sarili sa salamin na iyon. (Itutuloy)