Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Ika-6 na labas

Akala ni Perlita ay mag-eenjoy siya sa pagparada. Pero bukod sa hindi niya namataan sa mga nanonood ang long time crush niyang si Mandy ay halos apat na oras pa nilang nilibot ang buong lugar pati ang mga kasuluk-sulukang bahagi. Ngawit na ang labi niya sa pag-ngiti at ngalay na rin sa pagkaway ang mga kamay niya. Pakiramdam nga niya ay namamanhid na rin ang mga paa niya sa pagtayo sa karosang hinihila ng kabayo at tila nangungupas na rin ang red long gown niya sa tagal ng oras na nagugol niya sa paradang iyon.

Nang sa wakas ay makabalik sila sa mansion ay muling nabuhay ang excitement niya na malibot ang kabuuan nito. Subalit…

“Princess Perly, pinatatawag ka na ni Senyora sa opisina niya.”

“Ha? pwede bang magpahinga muna?”

“Hindi pwede.” Diretsong sagot ng kasambahay na si Luna.

Inis na sumunod si Perly kay Luna papunta sa opisina ng donya.

“Maupo ka.”

Habang paupo ay namamanghang inilibot ni Perlita ang mga mata niya sa kalakihan at karangyaan ng opisinang iyon.

“Grabe, parang isang buong bahay na.”

“Princess Perly, unang-una sa rules na dapat mong sundin is, you must pay attention when I was talking to you.”

“Yes madam, este Miss Margaret.”

Related Posts

“Before ko i-discuss sa’yo ang mga rules and regulations na nakasulat sa papel na ito, gusto ko munang malaman mo ang dahilan kung bakit ikaw ang napili ko.”

“Sige po.”

Ipinakita ni Donya Margaret sa dalaga ang kuha ng cctv na nakakabit sa bahay na tinigilan nila. Napalunok si Perlita.

“Look at that. Hindi ka naging fair sa mga kasama mo pagdating sa mga gawaing bahay. But I see something in you na wala sa mga kasama mo.”

“A-ano po ‘yon?”

“Guts. Leadership. Mga katangian na kailangan taglayin ng isang prinsesa, ng isang dalaga.”

“Ah, iyon lang po ba?”

“Wag mong langin lang iyon, you have to prove yourself, what you can do and what you can be.”

Napakamot sa ulo si Perlita.

“Ahm, madam, este Miss Margaret, hindi ko po masyadong ma-gets ang ibig nyong sabihin.

Basta gagawin ko na lang po ang best ko para magampanan ko ang pagiging prinsesa niyo.”

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap. Habang nagsasalita ang donya ay napukaw ang pansin ni Perlita sa photo frame na nasa ibabaw ng table nito. Dalawang photo frame iyon. Isa ay isang magandang dalaga na tila isang tunay na prinsesa sa kanyang paningin. Ang ikalawang frame naman ay nakapagpakunot sa noo niya. Hindi siya maaa­ring magkamali. Ito ang lalaking nakasakay sa kotse na dahilan para maputikan ang suot niyang damit. Anong koneksyon nito sa donya? Anak din ba ito? Pero sa pagkakaalam niya ay isa lang ang anak ni Miss Margaret. Ito ay ang babaeng nasa unang frame.

“Ehem, Princess Perly, let me remind you na ang unang-unang rule ay…”

“Pay attention! “ patuloy ng dalaga sa sasabihin ng donya. (Itutuloy)