Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-5 na labas

Lumapit kay Donya Margarita ang personal niyang alalay at mayordoma na si Manay Sita. At bumulong.

Abante Hiring – IT dep

“Senyora, sigurado po ba kayong may napili kayo sa kanila?”

“Oo naman. May napili na’ko at sigurado ako sa napili ko.”

Hindi na umimik ang mayordoma. Sa halip ay kunot-noo nitong pinagmasdan ang mga dalagang sabik na sabik sa pagkain at ni wala man lang siyang nakita sa kanila na may kahit konting pines sa pagkilos.

Sa wakas ay natapos din ang kainan. Muling humarap sa donya ang mga dalaga at hinintay ang announcement nito.

“Okay, and now, ang pangalan na babanggitin ko ay ang taong napili ko.”

Pakiramdam ng mga dalaga ay saglit na tumigil ang kanilang mundo. Pigil ang mga hiningang naghihintay sa pangalang babanggitin ni Donya Margarita.

Nakapikit naman si Perlita. Hindi siya paladasal pero sa pagkakataong ito ay seryoso niyang idinadalangin na sana ay siya ang nagwagi.

“And now ladies…ang pinakabagong prin­sesa sa aking mansion ay walang iba kundi si…”

“Oh God, Perlita…Perlita…Perlita…please…” bulong ni Perlita sa sarili.

“Princess… Perlita De Dios!”

Hindi makapaniwala ang mga dalaga. Hindi naman makamulat si Perlita sa narinig. Siniko siya ni Jenny.

“Hoy, ‘wag ka na ngang mag-inarte diyan, kahit hindi ka deserving wala naman kaming magagawa.” Kunot-noong pabulong na sabi ni Jenny.

Hindi na ito pinansin ni Perlita nang lapitan siya ng dalawang bodyguards at akayin palapit sa donya.

Tila may kulog at kidlat naman ang kasalukuyang umaatake sa dibdib ng dalaga sa sobrang nerbyos pero kahit the big one pa ang umatake sa kanya ay hindi na niya pakakawalan ang pagkakataong ito sa kanyang buhay.

“Congratulations Perlita. Simula sa araw na’to ay ikaw na ang prinsesa ng mansion. But of course, we have rules and regulations, pero pag-uusapan natin ito ng sarilinan sa loob ng aking opisina.”

Bumaling ang donya sa mga dalaga.

“Katulad ng sinabi ko, bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng ten thousand pesos. Siguro naman ay sapat na ‘yon para makatulong sa inyo. At salamat sa inyong pakikiisa.”

Iyon lang at tinalikuran na sila ng donya. Nang-aasar pang kinawayan sila ni Perlita habang naglalakad ito kasunod ng matanda.

Pinayagan muna ng donya na makauwi si Perlita sa kanila bago ang pagtira niya sa mansion. Kasama kasi sa rules na hindi siya pwedeng makalabas ng mansion maliban sa mga mahahalagang okasyon na dinadaluhan ng donya.

“Anak, sigurado ka ba diyan sa pinasok mo?”

“Oo naman nay, alam nyo naman na matagal ko ng gusto ‘to.”

Related Posts

Nakatayo sa tabi niya ang ina habang nag-iimpake siya ng mga damit.

“E bakit para namang hindi ka na babalik kung makapag-impake ka, saka diba iba na ang mga susuotin mong damit doon?”

“‘Yung mga paborito ko lang pong damit ang iiimpake ko nay.”

Napansin ni Perlita ang tahimik na pagluha ng ina. Natawa siya.

“Hala, ang arte eh, hindi po ako mag-aabroad nay, at lalong hindi pa’ko mamamatay, saka one year lang po akong mawawala, dapat matuwa kayo.”

“Syempre naman natutuwa ako anak, tears of joy nga ito, kaya lang hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot kasi sanay akong nandito ka lang sa paligid, kahit na palagi mo akong tinatakasan, at least alam ko sa gabi uuwi ka at dito ka matutulog sa atin kasama ko.”

Itinigil ni Perlita ang pag-aayos ng mga gamit at tumayo. Nilapitan ang ina at pinisil ang magkabilang pisngi nito.

“Alam mo, hindi bagay sa’yo ang mag-drama, hindi kasi mahusay ang pag-arte mo kaya pwede ba tulungan mo na lang ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nay para matuwa naman ako sa’yo!” nakangiting anang dalaga sa ina.

“Oo na, oo na, pero Perli anak, pinapaalalahanan lang kita, ‘yung pagkamaldita mo, katamaran mo at kasungitan mo, iwanan mo na dito, kasi hindi iyon katangian ng isang prinsesa.”

“E di wow!” natatawa lang na sabi ng dalaga.

“Anak, seryoso ako, para din sa’yo ang sinasabi ko.”

“Nay naman, basta ako magpapakatotoo lang ako.”

Naputol ang pag-uusap nila nang kumatok si Melay. Tumuloy na ito sa kuwarto na siya namang kinasanayan nito dahil hindi na ito iba sa pamilya.

“Beshie, talaga bang iiwan mo na kami?”

“Isa ka pa! tsinelasin kaya kita!”

“Ito naman, minsan lang ako mag-moment pagbigyan mo na’ko.” hirit nito na anyong yayakapin siya. Umiwas si Perlita sa yakap ng kaibigan.

“Utang na loob umayos ka nga! Nakaka-eeww ka!”

“O sige na nga, hindi na, pero congrats talaga Perli, kala ko hindi na darating sa’yo ang pagkakataon na’to eh.”

“Ito ang destiny ko at yayakapin ko ito ng buong higpit!”

Unang araw ni Perlita bilang prinsesa ng mansion. At ito ang pinakagusto niyang parte dahil isang parade ang sadyang inilalaan sa napiling prinsesa. Inayusan siya ng maganda. Binihisan ng bonggang gown. Tinuruang ku­maway at ngumiti sa mga tao.

“Princess Perly. Mula sa araw na ito, ikaw na si Princess Perly.” ani Donya Margarita bago sila lumabas ng mansion.

“Sa parade, wala kang ibang gagawin kundi ang ngumiti at kumaway sa mga tao. After that, pag-uusapan na natin sa opisina ko ang mga dapat at di dapat mong gawin.”

“Yes madam.”

“And don’t call me madam. Call me Miss Margaret.”

Tumango pero bubulung-bulong sa sarili si perlita. “Wow ha, pa-sosy pa siya at pabata.” (Itutuloy)