Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Huling Labas

Ipinagbukas pa ni Denver ng pintuan si Perlita. Ang nakasimangot na mukha ng dalaga ay unti-unting napalitan ng ngiti at nagbabadyang luha nang makita ang malaking tarpaulin na nakasabit sa isang mababang puno na nasa main door ng mansion.

“My Princess Perly, will you marry me?” basa ni Denver sabay abot ng singsing sa dalaga.
“Teka, bago ko isuot ‘yan, pwede bang linawin mo muna, ang mansion na ito, sa’yo ba?”

“Oo, sa akin at sa’yo… ito ang bagay na inaayos ko habang nasa America ako at nagtatrabaho doon. Gusto kong ito ang maging kaharian nating dalawa, at dito natin bubuuin at palalakihin ang ating magiging mga munting prinsesa at munting prinsipe. Sana magustuhan mo.”

Related Posts

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga pisngi ng dalaga. Tinanggap niya ang sing­sing at hinayaan si Denver na maisuot iyon sa daliri niya.

“I love you my princess…”

“I love you too my prince…”

“Mula ngayon hindi ka na magpe-pretend na isang prinsesa, dahil sa mansion na ito, ikaw na ang reyna.”

Isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Perlita sa sinabi pa ng binata. Yakap na punumpuno ng pagmamahal. (Wakas)