Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-33 na labas

“Dahil marami akong bagay na inayos. Gusto kong maging plantsado ang lahat sa pagbabalik ko.”

“Hindi ka man lang ba nangamba na baka wala ka ng balikan?”

Umiling ang binata.

“Tulad ng sinabi ko kanina, I know everything about you.”
“Paano?”

“Hindi na mahalaga, basta may tao akong inupahan para bantayan ka.”

Napasimangot ang dalaga at napahinto sa paglalakad.

“Gano’n? Habang halos mamatay ako kakaisip sa’yo, ikaw naman cool na cool na naghihintay sa pagkakataong ito?”

“Parang gano’n na nga.” Natatawa pang sagot ng binata.

Isang malakas na sampal ang iginawad ni Perlita dito.

“Perly!”

“Kulang pa ‘yan, sa lahat ng sakit na naramdaman ko nu’ng wala ka.”

Hinaplos ni Denver ang sariling pisngi.

“Okay, tinatanggap ko.”

Related Posts

“Ngayon sabihin mo sa’kin, ikaw ba o ang taong inupahan mo ang Revned sa Facebook na kumukuha ng mga stolen shots ko?”

Napangiti ang binata.

“It’s me. Kadarating ko lang dito sa Pinas, and naisip ko lang na gawin ‘yon sa sobrang miss ko sa’yo. I’m sorry, hindi ko kasi magawang mag­pakita sa’yo hangga’t hindi natatapos ang bagay na inaayos ko. Kaya eto pa ang kabilang pisngi ko, gawin mo na.”
Sa halip na muling sampalin ay tinalikuran ni Perlita ang binata.

“Bakit hindi mo pa sabihin lahat, ang tungkol sa bagay na ang tagal mo ng inaayos?”
“Just give me one week, pero sa ngayon, let’s spend time together and have fun. “
“Nakakainis ka talaga!” asar talong pinagkukurot ni Perlita sa tagiliran ang lalaki.

Hinapit naman siya nito sa beywang at hindi pinakawalan. Hanggang sa mahagilap ni Denver ang mga labi niya at muli ay nalasap nila ang tamis ng pag-ibig na kaytagal nilang hinintay.

Sa loob ng isang linggong pamamalagi nina Denver at Perlita sa isla ay napawi ang lahat ng alalahanin ng dalaga. Napalitan iyon ng excitement sa mga bukas pang magkahawak-kamay na nilang haharapin ng binata.

Pagbalik sa kanilang lugar ay hindi sa bahay nina Perlita sila tumuloy at hindi rin sa mansion ni Donya Margarita.

“Teka, Denver bakit dito pumapasok sa bagong tayong mansion ang ­kotse mo? Kilala mo ba ang may-ari nito?”

“Oo, kilalang kilala ko. Mula ulo hanggang paa.”

“Ha? kamag-anak n’yo ba?”

“Hindi pa sa ngayon, pero soon to be my wife.”

Natigilan si Perlita.

“Ano kamo, pakiulit?”

“Soon to be my wife, dahil malapit na kaming ikasal.”

“Ibaba mo ako. Ngayon na.” Galit at selos ang agad naramdaman ng ­dalaga.

“Sabi mo eh.” Cool na tugon ng binata. (Itutuloy)