Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-32 na labas

Nawawalan na siya ng pag-asa na magtatagpo pa ulit ang landas nila ni Denver.

“Denver… I’m sorry kung hanggang dito na lang ako… hindi ko na kaya eh… ang sakit sakit na… mula ngayon pipilitin ko ang sarili ko na huwag ka ng isipin… na ‘wag nang umasa sa pagbabalik mo…”

Hanggang sa makatulugan na niya ang ganoong pag-iisip.

Muli ay dumating ang araw ng pagpili ni Donya Margarita sa bagong prinsesa ng mansion. At sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na pagkakataon ni Melay.

“Beshi, ako ang napili! Ako ang napili!” tuwang-tuwang pagbabalita nito sa kaibigan na nakasalubong niya sa daan habang pauwi.

“Talaga? I’m so happy for you!”

“Hindi ako makapaniwala, ibig sabihin nito lalo akong gaganda tulad mo at magkakaroon na rin ako ng lovelife!”

“Asa ka! Ang ibig sabihin, babait ka na at magiging maganda na ang pagtingin mo sa mundo!” natatawang biro ni Perlita.

“Hmp! Sige na nga, type ko rin ‘yon!”

“Seryoso beshie, this is your chance to have a better life, kaya ‘wag mong sasayangin ha, marami kang matututunan sa kanila.”

“Copy.”

“O sige na, umuwi ka na sa inyo para maayos mo na ang lahat ng kailangan mong ayusin. Nandito lang ako palagi, nakasuporta sa’yo.”

Matapos magbeso ay iniwan na ni Melay ang kaibigan. Nagpatuloy sa paglakad si Perlita pauwi sa kanila. Nang biglang sa pagdaan ng isang kotse ay tumalsik ang putik sa suot niyang uniporme na puti pa naman.

“OMG!” inis na inis niyang bulalas.

Mula sa bintana ng kotse ay dumungaw ang isang pamilyar na mukha.

“D-Denver?”

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Perlita. Bumaba sa kotse si Denver at lumapit sa kanya.

“Hello Princess Perly.”

Hindi makatugon ang dalaga. Sinamantala ni Denver ang pagkabigla nito kaya mabilis niya itong binuhat at isinakay sa kotse.

“Wait, anong ginagawa mo?” nabigla at natatarantang tanong ni Perlita.

“Ginagawa ko ang bagay na matagal ko na dapat ginawa.”

Agad nilagyan ni Denver ng seatbelt si Perlita saka pinaharurot ang kotse palayo sa lugar.
“Sandali, saan ba tayo pupunta?”

“Sa lugar kung saan tayo lang dalawa.”

“Pwede ba, matapos mong hindi magpakita o magparamdam man lang ng ilang taon, bigla kang susulpot sa harapan ko, puputikan ulit ang damit ko gaya ng ginawa mo dati at dadalhin ako sa lugar kung saan mo gusto?”

“Parang gano’n na nga.”

“Pwes, ibaba mo ako, narinig mo?”

“Wala akong narinig.”

Umakto si Perlita na tatanggalin ang seatbelt pero pinigilan siya ng kamay ni Denver.

“Princess Perly, pwede bang ‘wag kang malikot, gusto mo bang mabangga tayo?”

“Mabangga na kung mababangga, basta ibaba mo ako dito!”

Related Posts

“Iyan ba talaga ang gusto mo? Ayaw mo bang malaman kung bakit ako umalis, saan ako nagpunta at ano ang mga nangyari sa akin sa loob ng da­lawang taon?”

“No.” matigas na sabi ng dalaga.

“Okay fine.”

Inihinto ng binata ang sasakyan. Hinayaan niya na matanggal ni Perlita ang seatbelt at hinayaan din niya itong makababa sa kotse.

Hinintay naman ng dalaga na muli siyang pi­gilan ng lalaki. Pero hindi ito ginawa ni Denver.

Sa halip ay umakto itong paaandarin na muli ang kotse.

Tila biglang gustong magsisi ni Perlita. Napaka­tagal niyang hinintay ang sandaling ito, palalampasin ba niya?

Napapikit siya. Pero muling napadilat nang marinig niyang tinawag siya ni Denver.

“My Princess, sakay na.”

“O sige, para sa closure natin, sasakay ako.”

Ngiti lang ang itinugon ni Denver sa sinabi ng dalaga. Wala silang kibuan hanggang sa makara­ting sila sa sakayan patungong isla.

“Denver, hindi ako nagpaalam sa nanay ko at wala akong dalang damit. Saka isa pa, may boyfriend na’ko.”

“Pwede nating tawagan ang nanay mo, may cellphone na siya ‘di ba? saka ‘wag mong problemahin ang damit, may mabibilhan tayo. Tungkol sa boyfriend mo, ilusyon mo lang ‘yon.”

Napakunot noo si Perlita sa narinig.

“Paano mo nalamang may cellphone si nanay at paano mo nasabing ilusyon ko lang ang bf ko?”

“I know everything about you kahit wala ako sa tabi mo.”

“Ano?”

“Inupahan ko si Inspector Mills.”

“Pakiulit?”

“Joke lang. Tara na, baka wala na tayong masakyan, last trip na’to.”

“Sandali lang, kailangan ko munang tawagan si nanay.”

Pinagbigyan ni Denver ang dalaga.

Habang sakay ng bangka patungong isla ay binasag ni Perlita ang katahimikang namamagitan sa kanila.

“Denver, bakit kailangang sa isla pa tayo mag-usap, pwede namang sa bahay namin o kaya sa mansion… o kaya sa mall, sa isang resto o kahit sa daan lang.”

“Espesyal kasi sa atin ang isla, kaya gusto ko na dito tayo magkapaliwanagan.”

Hindi na umimik ang dalaga.

Nang makarating sila sa isla ay inilapag lang ni Denver ang dalang bag sa resthouse at inaya na nitong maglakad-lakad sa baybayin si Perlita.

“O sige na, umpisahan mo na, makikinig lang ako.” Si Perlita.

“Hayaan mong umpisahan ko sa paghingi ng tawad sa’yo Perly, my Princess…”

“Okay. Sabihin mo muna sa akin ang lahat bago kita patawarin.”

Nagsimulang humakbang si Denver, kasabay ng paghakbang ni Perlita.

“Alam ko, na nu’ng mga panahong ‘yon pareho tayong naguguluhan. Hindi natin alam kung tama ba o mali na magpatuloy tayo. Nu’ng mga panahaon na ‘yon, isa lang ang sigurado ako, ‘yun ay ang pagmamahal ko sa’yo. Kaya lang, naisip ko tama ka, kung hindi mo kayang masaktan si Auntie Margaret, ‘di ba dapat higit ako? Na-realize ko na siguro kailangan muna natin pareho ng space, kaya nagdesisyon akong lumayo. I called Auntie and told her my plans… humingi ako ng tawad sa kanya dahil hindi ko nakayang ibigay ang hinihingi niya para sa kompanya.”

“Okay, naiintindihan ko na kung bakit ka lumayo, pero bakit kailangang paabutin mo ng ganito katagal bago ka bumalik?” (Itutuloy)