Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-28 na labas

“H-ho?”

Abante Hiring – IT dep

“Thank you dahil hindi mo siya kinunsinti at umaasa akong habang wala siya rito ay ma-realize niya na tama ang desisyong ginawa mo at sana mabago nito ang isip niya.

Hindi lang kasi ito tungkol sa kanya, this is also about our company and our people, ilan sa mga major stockholders na namin ang naagaw ng ibang kompanya, hindi na namin afford na mabawasan pa ng isa, kapag nangyari ito mapipilay na kami.”
“Naiintindihan ko po Miss Margaret.”

“Princess Perly, isang farewell party ang ihahanda ko para sa’yo.”

“Kailangan po ba talaga ‘yon?”

“Yes.”

Sa huling araw ni Perlita naganap ang farewell party niya sa loob mismo ng malawak na bakuran ng mansion. Naghanda siya ng speech.

“First of all, I would like to thank Miss Margaret for choosing me… sa isang taon ko pong pa­nanatili sa mansion bilang Princess Perly, marami akong natutunan, maraming nabago sa pananaw ko sa buhay… at sa pagkatao ko.

Sa pag-alis ko po dito, babaunin ko lahat ang magagandang bagay na nangyari sa akin… maraming salamat din po sa mga nakasama ko rito at sa lahat ng tao sa mga foundations na sinusuportahan ni Miss Margaret…”

Sa haba ng speech ni Princess Perly ay hindi na niya binanggit pa si Denver. Tutal ay wala naman ito doon. At ayaw niyang mag-isip pa ang iba sa kung anuman ang namagitan sa kanila.

Sa wakas ay nakabalik na rin siya sa bahay nila. Ang perang ipinabaon sa kanya ni Donya Margaret ay ibinigay niya sa ina at ang kalahati ay inilagay niya sa bangko.

Isang salu-salo ang inihanda ni Aling Perla para sa anak. Habang abala sa pagluluto ay napansin niya itong nakatulala sa bintana kaya nilapitan niya.

“O Perly, mag-ready ka na ha, mamaya darating na ang mga kapitbahay, saka ‘yung mga nakasama mo sa competition bago ka mapili, inimbitahan ko sila, at syempre ‘yung bestfriend mong makulit, si Melay, ‘yon pa ba ang mawala!”

Wala sa sinasabi ng ina ang isip ni Perlita. Iniisip niya si Denver.

“Anak, mukhang malalim ang iniisip mo ah, ‘yun bang mestisong binata?”

Napangiti ang dalaga nang marinig ang sinabi ng ina.

“’Nay naman eh.”

“Anong ‘nay naman eh? Tama ako ‘di ba?”

“E… opo.”

“Sinasabi ko na nga ba, siyanga pala nakalimutan kong sabihin sa’yo, nu’ng nakaraang linggo, pinuntahan ka niya rito, akala niya kasi umuwi ka na.”

“HO?” Gulat si Perlita.

“O, anong nakakagulat do’n? Iniwan mo siya do’n sa apartment kaya natural lang na hanapin ka niya at dito niya naisip pumunta, bakit hindi na ba kayo nagkita sa mansion?”
“Hindi na po, pero ‘nay bakit parang ang dami n’yo namang alam tungkol sa’min?”

“E kasi nga nagtanong ako, wala naman sigurong masama kung malaman ko, hindi naman kita itsitsismis sa mga kapitbahay dahil syempre anak kita.”

Nang biglang makaamoy ng tila nasusunog si Perlita.

Related Posts

“’Nay ang niluluto mo!”

“Nakupo!”

Nagmamadaling bumalik sa kusina si Aling Perla at inagapan ang nasusunog na pritong manok.

Maya-maya pa ay isa-isa nang nagdatingan ang mga bisita ng mag-ina.

“O, Auring para sa’yo kaya nagpalitson ako ha, meron ding spicy adobong manok, ham, at mga panghimagas na cake, chocolates at syempre ang paborito ni Jenny na fruit salad!”
“Na-touch naman ako do’n Perlita!”

“Asus, wala ‘yon, saka Perly na lang, mas type ko.” nakangiting tugon ng dalaga.

Sumingit naman si Melay.

“Teka lang beshi, pansin ko puro favorite nila ang inihanda mo ah! Pa’no naman ‘yung sa’kin?”

“Naku, yung paborito mo pa ba ang mawawala? Ang walang kamatayang pansit, nandoon sa kusina, buti pa help mo si mudra na ihain dito!” natatawang sabi ni Perlita.

“Perly, balita ko babalik ka raw sa pag-aaral?” tanong ni Sheila.

“Ha? E, oo, mas cool ‘yon ‘di ba?”

“Oo naman!”

“At hindi lang ‘yon, maipapaayos ko na rin itong bahay namin!” dagdag pa ni Perlita.

“Teka, wala ba kayong balak lumipat sa subdivision?” tanong naman ni Sushi.
Mabilis na umiling ang dalaga.

“Hindi naman kami tumama sa lotto ‘no! Saka mahal ni Mama ‘yang bahay na’to, konting ayos lang nito siguradong magiging super happy na siya!”

“Nga naman!”

Sa kabila ng pakikipagsaya sa mga kaibigan ay ramdam na ramdam pa rin ni Perlita ang kakula­ngan. Hinahanap-hanap niya si Denver.

“Ano kayang ginagawa niya ngayon?… naiisip din kaya niya ako?…”

Makalipas ang ilang araw pang pangungulila ay nagpasya si Perlita na balikan sa apartment si Denver. Pero nabigo siyang makita ito.

“N-naka-lock na ang gate… ibig sabihin wala nang tao dito…”

Nanlulumo siyang umalis. Sinubukan niyang kontakin ang cellphone ng binata pero cannot be reached na ito.

“Kung hindi ko siya makontak sa cp niya, siguro ayaw niyang magpakontak sa ’kin… o baka ayaw na rin niya akong makita… baka sumama ang loob niya sa ginawa kong pag-iwan sa kanya…” kausap ni Perlita sa sarili habang naglalakad pauwi.

Inalam din niya kay Luna kung bumalik sa mansion ang binata.

“Naku Princess Perly, simula nang magkasama kayong tumakas sa mansion, hindi na ulit nagpakita dito si Sir Denver, hindi naman nababanggit ni senyora kung nakabalik na ito sa company nila sa Manila.” Si Luna sa phone.

“Gano’n ba, okay sige, balitaan mo na lang ako kapag nakita mo na siya o kung may nabalitaan ka tungkol sa kanya ha.”

“Okay, no problem Princess Perly!”

Nagdadalawang isip si Perlita na kumustahin si Denver kay Donya Margarita dahil ayaw niyang isipin nito na naghahabol siya sa binata. (Itutuloy)