Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Ika-27 na labas

Hinawakan ni Denver ang mga kamay ng dalaga.

“I’ll make sure that she will be okay habang wala tayo, trust me.”

Ilang saglit ang pinalipas ni Perly bago sumagot.

“Okay, pero gusto ko siyang makita bago tayo umalis…”
“I promise.” Tugon ng binata.

Habang nasa sariling opisina ay hindi maipaliwanag ni Donya Margarita ang galit na nararamdaman niya kina Denver at Princess Perly.

“I trusted them so much, paano nila nagawa sa’kin ‘to?” tanong niya sa sarili.

Maya-maya ay nakarinig siya ng ilang katok.
“Come in.”

Si Elise.

“Hello Tita Margaret!” lumapit ito at humalik sa pisngi niya.

“Elise, what are you doing here?” pilit ang ngiti sa labi ng donya.

“Ang sabi mo kasi, back to work na si Denver after ng mission nila sa isla, I was waiting for him pero nainip ako kaya naisip ko na ako na mismo ang susundo sa kanya dito, where is he?”

“Umalis siya, but don’t worry he comes back soon. Ang mabuti pa, doon mo na lang siya hintayin sa Manila, kasi alam mo naman na ayaw na ayaw niya ng pinangungunahan siya, baka sa halip na napapayag ko na siya eh magbago pa ang isip niya.”

“Well, if that’s the case, sige aalis na’ko tita. But before I go, gusto ko muna sanang makausap si Perly.”

“She’s not here. Nagpunta siya sa ETC Foundation, hindi ko alam kung anong oras siya makakauwi, mamimiss daw kasi niya ang mga bata.”
“Oh, okay…”

Tumalikod na ang dalaga. Saka lang nakahinga ng maluwag ang donya. Sana lang ay napaniwala niya ito.

Malalim na ang gabi ay mulat na mulat pa rin si Perlita. Pinag-iisipang mabuti ang mga plano nila ni Denver. Naiisip niya ang mga kabutihang ipinakita sa kanya ni Donya Margarita. Nakokonsensya siya sa pagtakas nila.

Sa loob ng isang taon na pagtira niya sa mansion ay marami siyang natutunan, nabuksan ang puso niya sa mga bagay na balewala lang sa kanya dati at nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at bagong pangarap. At higit sa lahat dumating sa buhay niya ang pagmamahal na hindi niya inaasahan.

Tumagilid siya ng higa at tinitigan ang nahihimbing na binata sa tabi niya.

Oo nga at mahal niya si Denver, pero saan sila dadalhin ng pagmamahalan nila kung may tao silang nasaktan na parehong mahalaga sa kanila?

“I’m sorry Denver…kailangan kong magdesisyon mag-isa…pero hindi lang ito para sa sarili ko, kundi para sa’yo din…para sa ating dalawa…” sa isip niya.

Hindi alam ni Perlita kung gaano katagal niyang tinitigan ang binata. Basta nakatulugan na niya ito.

Sikat na sikat na ang araw nang magising si Denver. Kinapa agad niya sa higaan si Perlita.

Napamulagat siya nang maramdamang wala sa tabi ang dalaga. Inilinga niya ang paningin sa kabuuan ng silid.

“Perly? Perlita?”

Bumangon siya. Lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

“Perly?”

Wala rin doon ang dalaga at sa buong kabahayan. Hanggang sa mapansin niya ang isang sulat na nasa ibabaw ng center table. Kinabahan siya. Marahan niya iyong dinampot at binasa.

Related Posts

“Denver, sorry, pero siguro kailangan muna nating mag-isip pareho…’wag mong isipin na hindi kita totoong mahal kaya ako umalis, ginawa ko ‘to dahil mahal na mahal kita…kailangan na­ting maintindihan na hindi nating pwedeng takasan na lang ang problema.

Kapag naayos na ang lahat saka na lang natin balikan ang isa’t isa.”

Mabigat ang dibdib na nilamukos ni Denver ang sulat.

“No Perly, hindi mo pwedeng gawin sa’kin ‘to…”

Sa halip na umuwi sa mansion ay sa bahay nina Perly dumiretso si Denver. Naabutan niyang nagtatahip ng bigas ang nanay ng dalaga.

“Good morning po.”

Hindi agad nakaimik si Aling Perla. Inilapag ang tinatahip na bigas sa mesa at nilapitan ang binata.

“S-Sir Denver?”

Pinapasok niya ito at pinaupo sa upuang kahoy.

“May sadya po ba kayo?”

“‘Wag nyo na po akong popoin Aling Perla. Si Perly po?”

“Ha? e hindi pa siya umuuwi dito, sa pagkakaalamko next week pa ‘di ba?”

Natigilan si Denver.

“Teka, may nangyari ba, umalis ba ng mansion ang anak ko nang hindi nagpapaalam, baka naman may pinuntahan lang?”

Huminga ng malalim si Denver bago ipinagtapat sa matanda ang tunay na nangyari.

Napatunganga si Aling Perla habang nakikinig sa sinasabi ng binata.

“Aling Perla, I’m sorry kung nadamay pa si Perly.”

“Hindi. Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Kung mahal ka ng anak ko at mahal mo rin siya, wala akong magagawa do’n…kaya lang sana bago kayo magmahalan e maayos mo muna kung anuman ang problema mo sa pamilya mo o sa trabaho.”

Tumango ang binata.

“Sige po Aling Perla, hindi na po ako magtatagal, iniisip ko baka bumalik sa mansion si Perly. Pero kung uuwi po siya dito, pakisabi na lang na pinuntahan ko siya.”

“Sige, makakarating.”

Samantala. Sa mansion.

Kausap ni Donya Margarita sa opisina niya si Perlita.

“Mabuti naman at bumalik ka Princess Perly.”

“Bumalik lang po ako para magpaalam sa inyo ng maayos.”

“Magpaalam? You only have one week to stay, hindi mo na kailangang magpaalam.”

“Opo, pero hindi ko na po mahihintay ang one week kung magkakasama pa kami ni Denver dito…”

Napailing ang donya.

“Don’t worry Princess Perly, I don’t think na babalik siya agad dito or even in Manila…kilala ko ang pamangkin ko, kapag nag-decide siya, iyon na talaga ang desisyon niya, pero…” (Itutuloy)