Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 414

Ika-26 na labas

Nagulat pa siya nang makita roon si Denver. Nakaupo ito at nakatalikod.

“D-Denver?”

Nilingon siya ng binata.

“Princess Perly, bakit gising ka pa?”

Humakbang palapit ang dalaga.

“Hindi ako makatulog eh…naiisip kita at si Miss Margaret, sigurado ako may problema kayo, makakatulong ba’ko?”

Humugot ng malalim na paghinga ang binata bago nagsalita.

“Yeah…It’s all about Elise and her silly mind…”

“Ha? anong tungkol kay Elise?”

Humarap si Denver sa dalaga.

“She was broke up with his man, kaya binabalikan niya ko. And because she get what she wants, hindi siya makapayag na hindi na ako ang Denver na niloko niya dati…that’s why she ask her dad na i-pull out ang share of stock nila sa company namin, and it’s one of our major stock.”

“Ganun ba…alam ko na ‘yan eh…napanood ko sa t.v….so, kung makikipagbalikan ka sa kanya, hindi na nila gagawin ‘yon diba?”

Tumango ang binata.

“Pero hindi katulad sa mga napapanood mo, hindi ako magpapadala sa kabaliwan niya.”

“Talaga? ano naman ang naiisip mong solusyon?”

Hinawakan ni Denver ang mga kamay ng dalaga.

“We’re going to leave, we run away together.”

“Teka nga muna, ibig sabihin, tatakas tayo ganon?”

“Ganon na nga.”

“At tingin mo hindi nila malalaman na doon tayo pupunta sa isla?”

“At sino naman ang nagsabi sa’yo na doon tayo pupunta?”

“Kung hindi doon, saan naman?”

Isang ngiti lang ang itinugon ni Denver sa dalaga at saka hinagkan ito sa labi.

Umaga. Paggising pa lang ni Donya Margaret ay hinanap na agad niya si Denver habang patungo siya sa dining room para mag-almusal.

“Senyora, wala po si Sir Denver sa room niya, wala din po sa study room.” Si Manay Sita.

“Gano’n ba, sige I’ll call him na lang sa cellphone niya. Pakitawag mo na lang din si Princess Perly.”

“Opo senyora.”

Related Posts

Agad na sumunod ang mayordoma.

Pero maya-maya lang din pagbalik nito ay…

“Senyora hindi ko rin po makita si Princess Perly, maski sa garden na madalas niyang tambayan, wala rin po sa pool.”

Napakunot noo ang donya.

“They suppose to have rest today, pero nasaan ba sila? hindi ko rin makontak ang phone ni Denver!”

Matapos paulit-ulit kontakin ang pamangkin ay nagsimulang mag-alala ang donya. Muli itong bumaling kay Manay Sita.

“Manay Sita, pakitawag mo nga si Luna.”

“Okay po.”

Saglit lang at nasa harap na niya si Luna.

“E senyora, ang totoo po wala namang sinabi sa akin si Princess Perly, pero kaninang madaling araw po, nakita ko po sila ni Sir Denver na sumakay ng kotse.”

“Ha? pero saan kaya sila pupunta? Okay, I need to see with my own eyes. “

Nagpunta sa monitor roon si Donya Margaret at mula sa mga camera doon ay nakita nga niya ang pag-alis ng dalawa na may dala pang mga bag.

Laglag ang balikat na napasandal ang donya sa swivel chair nang maisip kung ano ang posibleng nangyayari.

“They betrayed me…”

Habang sakay ng kotse ay hindi mapakali si Perlita. Napansin ni Denver ang pagkabalisa niya.

“Princess Perly, are you okay?”

“Una sa lahat, pwede ba Perlita na lang o kaya Perly, pangalawa paano ako magiging okay, kung kelan tapos na ang mission ko sa Mansion saka pa ako tatakas at pangatlo, kasama pa kita? At pang-apat, siguradong magagalit sa’kin si Miss Margaret, ayoko namang mangyari ‘yon!”

“Ssshhh, tama na nga ‘yan, calm down.”

“Paano ko nga gagawin ‘yon kung problema ang kakaharapin natin sa pagtakas natin? Denver, handa ka ba talagang talikuran ang buhay na meron ka para lang sa’kin?”

“Ayan ka na naman Princess Perly eh, I mean Perly, nila lang mo na naman ang sarili mo. Nakalimutan mo na ba, I love you?”

Saglit na natigilan ang dalaga. Tumingin sa binata na nasa daan ang mga mata habang nagmamaneho. Sumulyap din ito sa kanya at ngumiti.

“Grabe, ang hirap paniwalaan talaga, na ang isang katulad mo ay tatalon sa bangin kasama ang isang katulad ko…tsk,tsk…”

“Oh wow, malalim ka na rin ha.” nangingiting sabi pa ni Denver.

Sa apartment ng high school best friend ni Denver sila tumuloy.

“This is Leo’s apartment. He’s in Brazil now, kinontak ko siya kagabi and pumayag naman siya na dito tayo tumuloy habang inaayos natin ang mga dokumento para makalipad tayo sa America.”

“Wait, America? Wala tayong pinag-usapan na lalabas tayo ng bansa!”

Naupo si Denver sa sofa.

“Perly, we have to, but don’t worry, pansamantala lang naman.”

Naupo si Perly sa tabi ng nobyo.

“Gaano katagal yung pansamantala, one year or two or three? Denver alam ko palagi akong nagpapasaway noon sa nanay ko, pero namimiss ko na siya at hindi ko siya kayang iwan ng gano’n katagal, matanda na siya at kailangan niya ko.” (Itutuloy)