Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-24 na labas

Hindi sumagot si Denver. Tumayo si Perlita at malungkot na naglakad palayo.

“Princess Perly, saan ka pupunta?”

“Gusto ko ng magpahinga.”

Tumayo na rin ang binata at sinundan ang dalaga.

“Bakit parang sumama ang timpla mo, okay ka lang ba o kulang pa ang ininom natin?”

tanong ni Denver nang mapansin ang kawalan ng kibo ng dalaga habang naglalakad sila patungo sa resthouse.

“Hindi, okay lang ako…” hindi na maganda ang boses ng dalaga at pakiramdam niya ay umiikot na ang paligid niya.

Inalalayan siya ni Denver.

“Ano ba, kaya ko pa…”

“Hindi mo na kaya, ‘wag kang mag-pretend.”

“Wag magpretend? E iyon lang naman ang kaya kong gawin eh, ang magpretend na isa akong tunay na prinsesa at magpretend na meron kang pagtingin sa akin!”

Natigilan si Denver sa sinabi ng dalaga. Natigilan rin si Perlita.

“Joke lang ‘yon, ano ka ba, ‘wag mong seryosohin!” bawi ni Perlita sa nasabi.

“Hindi ako naniniwala.”

“Good, akala ko naniwala ka eh!” tatalikod na sana ang dalaga nang muling magsalita ang binata.

“Hindi ako naniniwalang joke lang ‘yon.”

Muling humarap si Perlita.

“So ano, may gusto ako sa’yo?”

“Nasabi mo na ‘di ba, kaya wala ng bawian.” Pagkasabi niyon ay biglang hinalikan ni Denver si Perlita sa labi.

Labis ang pagkabigla ng dalaga. Kung kanina pakiramdam niya ay umiikot ang paligid niya, ngayon naman pakiramdam niya ay tinatangay siya ng hangin patungo sa kawalan.

Sinubukan niyang itulak si Denver palayo sa kanya subalit nagbago ang isip niya at sa halip ay kinabig pa niya ito.

Kaya naman lalong naging agresibo ang binata at tinagalan pa nito ang halik na iyon. Nag-uumapaw sa pananabik sa bagong pag-ibig. Hinawakan pa niya sa magkabilang pisngi ang dalaga upang madama at ipadama rito ang natatago niyang pagmamahal.

Damang-dama iyon ni Perlita. Dahil iyon ang kanyang unang halik mula sa taong itinatangi niya sa kanyang puso. At higit pa ang halik na iyon sa pagiging isang prinsesa.

Malalim na ang gabi. Kapwa hindi pa rin makatulog sina Denver at Perlita. Iisa lang ang kuwarto sa rest house kaya sa sofa na lang natulog ang binata.

Dahil nasa ilalim pa rin ng espiritu ng alak ay tumayo si Denver at kumatok sa kuwarto ng dalaga.

Kinabahan si Perlita. Nagdadalawang isip kung pagbubuksan ba ng pinto ang binata o hindi.

“Princess Perly, can we talk?”

Hindi sumagot ang dalaga.

“I know gising ka pa…please…open the door…”

Wala pa ring tugon.

Related Posts

“Okay, goodnight…sleep well my princess…”

Tumalikod na ang binata at humakbang pabalik sa sofa nang marinig niyang nagbukas ang pinto. Lumingon siya. Nakatayo sa pintuan si Perlita suot ang manipis na pantulog.

Nakatingin lang ito sa kanya. Muling humakbang palapit sa dalaga ang binata.

“You look so beautiful.”

“Beautiful lang ba? akala ko sexy eh…”

“Yeah. And sexy…”

“Ibig bang sabihin niyan, maganda na ako sa mga mata mo?”

Bago sumagot ay hinaplos muna ni Denver ang pisngi ni Perlita.

“You’re more than a beautiful and sexy wo­man. You are too beautiful for the human eye…for me you are perfect…”

Tinanggal ni Perlita ang kamay ng binata sa pisngi niya.

“Teka nga muna, alam mo ba kung anong sinasabi mo? Pinapaasa mo ‘ko, akala mo kasi lasing pa ‘ko…”

“No. Nagkataon lang na ikaw yung mas may lakas ng loob na sabihin kung anong nandiyan…” sabay turo ni Denver sa puso ng dalaga.” Pero ang totoo…tama ang hinala mo…matagal na kitang gusto…”

Hindi nakaimik si Perlita. Dala lang ba ng kalasingan kaya nakakapagsalita si Denver ng ganito? Dapat ba siyang maniwala agad-agad?

“Princess Perly, hayaan mong patunayan ko sa’yo ang katotohanan sa mga sinabi ko.”
“Paano?”

Hindi sinagot ni Denver ang tanong ng dalaga, sa halip ay marahan itong itinulak papasok sa loob ng kuwarto at ikinulong sa mga bisig niya. Dahil nalulula pa sa kalasingan ay madaling nagapi ni Denver si Perlita at halos sabay silang bumagsak sa kama.

“Denver…”

“My princess…I love you…”
“I-I Love…you too…”

Muling naglapat ang kanilang mga labi at sa pagkakataong ito ay mas ramdam na nila ang pinagsamang init at tamis dahil alam na nila ang tunay na damdamin para sa isa’t-isa. Sa mga sandaling iyon ay niyakap nila ang pag-asa na dala ng bagong pag-ibig. Buong puso at walang pag-aalinlangang ipinaubaya ni Perlita ang sarili at kanyang katawan sa lalaking labis niyang minamahal.

Wala na siyang pakialam kung hindi man ito nangyari sa ilalim ng isang sagradong kasal, mas mahalaga sa kanya na kapiling niya ngayon at kaniig ang laman ng kanyang puso.

Kahit pa napakasakit nito sa part niya dahil ito ang una niyang karanasan.

“I’m sorry…” mahinang bulong ni Denver.

“Nagsisisi ka?”

“No, I know nasaktan kita, I see your tears…”

“It’s okay…”

Nakatulog si Perlita na nakaunan sa braso ni Denver. Payapa at walang ibang iniisip kundi ang katabi.

Nagmulat siya ng mga mata nang nakatitig sa kanya si Denver.

“Teka, magdamag mo ba akong tinitigan?” biro niya dito.

“E kung sabihin ko sa’yong oo.”

“Hindi ako naniniwala, mukhang kakagising mo lang din eh..may morning glory ka pa oh!” muling biro ng dalaga.

Napangiti si Denver at pinunasan ang mata.

“Joke lang, wala naman eh.”

“Okay fine, tatawanan ko na ang joke mo kahit hindi nakakatawa.” Inis na sabi ng binata. (Itutuloy)