Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-23 na labas

Mahaba ang tatakbuhin ng bangka bago sila makarating sa isla subalit sa haba nito ay wala isa man sa kanila ang nagsalita. Nanatiling nakatalikod si Denver sa dalaga. Ibinaling naman ng dalaga ang paningin niya sa ganda ng tanawin na nadadaanan nila.

“Sana lang pansinin na niya ko pagdating namin sa isla…kung bakit naman kasi kalalaki niyang tao hindi siya marunong lumangoy…tsk,tsk…” kausap niya sa sarili.

Sa wakas ay narating din nila ang liblib na isla. Hindi mapigilan ni Perlita ang humanga sa ganda nito. Bukod sa napakasariwang hangin ay napakapayapa pa ng paligid na napapalamutian ng nagtataasang mga puno at nasasahigan ng maputing buhanginan.

“Denver, nakarating ka na ba rito?” naisip niyang tanong bilang pagbubukas ng usapan.

“Oo.” Mahinang tugon ng binata.

“Talaga? kelan naman?”

“Ngayon.”

Nainis si Perlita sa isinagot nito.

“Alam mo hindi ka nakakatawa.” Sabay irap niya dito habang naglalakad sila.

“Hindi ko sinabing tumawa ka.” Pagkasabi niyon ay nagpauna ng lakad ang binata at iniwan ang dalaga.

“Grabe siya oh…” inis na bulong ni Perlita sa sarili.

Magiliw silang sinalubong ng mga katutubo sa lugar. Nagulat pa si Perlita na medyo marami-rami rin pala ang naninirahan dito na inaakala niyang isang isla na hindi pa halos nararating ng karamihan.

Matapos ang saglit na pakikipag-usap sa leader ng mga katutubo ay pinagpahinga muna ni Denver si Perlita sa kuwarto ng isang resthouse doon habang siya ay tahimik na naglakad-lakad sa baybayin ng dagat.

Hindi naman mapakali si Perlita na isiping galit pa rin sa kanya ang binata kaya lumabas siya ng kuwarto at hinanap ito. Suot ang off shoulder na blouse at paldang hanggang tuhod ay naglakad-lakad rin siya sa paligid.

“Asan na ba ang supladong ‘yon?” tanong niya sa sarili.

Maya-maya pa ay natanaw niya itong nakaupo sa buhanginan na tila nakatanaw sa papalubog na araw. Dahan-dahan siyang lumapit. Naisip niyang gulatin ito pero hindi na lang niya ginawa kasi baka madagdagan pa ang galit nito sa kanya. Sa halip ay tahimik siyang naupo sa tabi nito.

“`Di ba sabi ko magpahinga ka na?” si Denver na hindi tumitingin sa dalaga.

“Ano pa ba ‘tong ginagawa ko, ‘di ba nagpapahinga?”

“Princess Perly, gusto kong mapag-isa.”

Nagbuntong hininga ang dalaga bago tumayo. Pero hindi ito lumayo, sa halip ay lumipat lang ng mauupuan sa ‘di rin naman kalayuan sa binata.

“I said I want to be alone.” Sigaw ni Denver.

“Okay fine!” sigaw rin ni Perlita.

Muling tumayo ang dalaga at naupo sa mas malayo kaysa sa unang nilipatan.

Napailing na lang si Denver sa ginawa ng dalaga. Gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili.

“O ang layo ko na ha! naririnig mo pa ba’ko?” sigaw ni Perlita.

Walang tugon mula kay Denver.

Related Posts

“Hindi na niya ko naririnig, masyado yata akong napalayo…” anang dalaga sa sarili.

Ang totoo ay narinig naman siya nito. Hindi na nga lang siya tinugunan. Malalim ang iniisip ni Denver at hindi niya gustong magpa-distract sa dalaga.

Nilaro-laro ni Perlita ang buhangin sa kamay. Maya-maya ay titingin sa araw at saka susulyap sa binata.

“Ano bang iniisip niya?”

Nag-isip ang dalaga ng paraan kung paano siya muling makakalapit sa binata.

“Alam ko na!”

Nagulat pa si Denver nang pagsulyap niya sa kinaroroonan ng dalaga ay wala na ito.

“Mabuti naman at umalis na siya…”

Pero saglit lang at muli siyang nagulat sa pagbalik nito dala ang isang bote ng wine at isang baso. Walang anuman itong naupo sa tabi niya.

“Teka, saan mo nakuha ‘yan?” nagtatakang tanong ni Denver.

“Doon sa rest house. Hiningi ko sa katiwala, para sa ‘tin daw talaga ‘to.”

“Bakit mo naman naisipang dalhin ‘yan dito?”

“Alam ko kasi na makakatulong ito sa’yo para gumaan ang pakiramdam mo, saka peace offering na rin.” Nakangiting sabi ng dalaga.

Napilitan si Denver na buksan ang wine. Sina­linan nito ang baso at ibinigay ang unang tagay kay Perlita.

“Teka, kailangan ba talaga ako ang una?”

“Ikaw ang nagdala rito nito kaya ‘wag kang magreklamo.”

“Oo na, Mr. Sungit!”

Tuluyan ng lumubog ang araw. Ilang saglit pa ang lumipas at pareho na silang may tama. Bumalik pa kasi si Denver sa rest house para kumuha ng isa pa hanggang sa maitaob na nila ang tatlong bote ng wine.

“Sige na Denver, siguro naman ngayon pwede mo ng i-confess sa akin ang tungkol kay Elise! Hindi naman kita itsitsismis kina Luna saka sa mga kapitbahay namin pag-uwi ko sa bahay eh!”

“Bakit ba interesado kang malaman ang tungkol sa babaeng ‘yon!”

“Makababaeng ‘yon ka naman parang hindi mo minahal yung tao!”

“Minahal? Hindi ko nga alam kung bakit ko siya minahal eh…”

“Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo, bakit gano’n ka na lang kagalit sa kanya?”

“Mahabang istorya, at kahit sa isip, ayoko ng balikan…”

“Alam mo, hangga’t sinasarili mo lang ‘yang problema mo, hindi ‘yan makakawala sa isip mo, nandiyan lang ‘yan, guguluhin ka palagi, pero kapag na-share mo na ‘to sa iba, sa katulad ko, mararamdaman mo ang gaan, at sasabihin mo sa sarili mo na dapat noon ko pa ginawa.“

“Oo na, sige na, minahal ko siya, I had a strong feelings for her before, pero niloko niya ko, habang kaming dalawa, meron pa pala siyang ibang boyfriend.”
“G-gano’n ba?…”

“Siguro hindi mo maiintindihan dahil hindi ka pa nagmamahal…but I think I’m okay now, sana lang hindi na siya bumalik ulit at magpakita pa…”

“Bakit, natatakot ka ba na isang araw magising ka na lang na mahal mo na pala ulit siya, o hindi naman talaga nawala yung pagmamahal na ‘yon kundi natabunan lang ng galit?” (Itutuloy)