Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Ika-22 na labas

“E-Elise?”

Agad humanga si Perlita sa mala-Miss Universe na ganda at tindig ng dumating na babae. Pero ­hindi sa kagaspangan nito.

“So, is this what makes you busy?” kunot-noong tanong ng babae.

“What are you doing here?”

“Let’s talk, but not in front of that girl.”

Bumaling si Denver kay Perlita.

“Princess Perly, please excuse us.”

Iniwan ng nagtatakang dalaga ang dalawa. Pero hindi siya tuluyang lumayo. Nagkubli lang siya sa gilid ng pintuan papasok sa bahay at matamang ­nakinig sa pag-uusap ng dalawa.

“Hindi ka na dapat nagpunta pa dito.” Si ­Denver.

“Why? Dahil sa babaeng ‘yon?”

“‘Wag mong idamay dito si Princess Perly. Wala siyang kinalaman sa ating dalawa.”

Lumapit si Elise sa binata at kinuha ang mga ­kamay nito.
“If it’s true, then let’s start all over again.”

Binawi ni Denver ang mga kamay.

“No. Just go please.”

“Denver, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad? Pinagsisihan ko na ‘yon at pinagdusahan ko na rin. Please take me back at gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa’yo na wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw na lang…please?” may pagsusumamo sa tinig ni Elise.

“Elise, we’re done. And I will never ever change my mind.”

Hindi na nakasagot pa si Elise. Tumalikod na ito. Nagmamadali namang humakbang palayo si Perlita pero nabangga niya ang flower vase kaya nabasag ito.

“Oh no!”

Dahil doon ay naabutan siya ni Elise habang pinupulot niya ang nabasag na vase.

“Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nababawi si Denver. Always remember that.” Isang makahulugang tingin ang iniwan ni Elise kay Perlita bago ito tuluyang humakbang palayo.

“E ano ngayon? Bakit kailangan kong tandaan, shunga pala ‘to eh!”

“Princess Perly, ang kamay mo!” si Denver na nakalapit na pala sa dalaga at nakita ang nagdurugong kamay nito.

Nasugatan ng basag na vase ang kamay ni ­Perlita kaya agad siyang dinala ni Denver sa clini­c ng mansyon. Pero dahil sa naka-leave pa rin ang private nurse nila kaya mismong ang binata na lang ang naglagay ng gamot at benda sa kamay nito.

“Sir, thank you ha.”

“Next time kasi ‘wag kang dadampot ng basag.”

“Yes sir.”

“At next time rin, ‘wag kang nakikinig sa usapan ng iba, pinairal mo na naman ang pagka-tsismosa mo kaya ka nadidigrasya eh.”

“Sir naman! Konti lang naman ang narinig ko eh!”

“At saka ‘wag mo na rin akong tawaging sir. Denver na lang.”

“Ha?”

Related Posts

Hindi na umimik pa si Perlita. Pinagmasdan na lang nito ang nakayukong binata habang gina­gamot nito ang kamay niya. Alam ni Denver na pinag­mamasdan siya nito kaya naman nakaramdam siya ng kakaibang kaba at gusto niya ang pakiramdam na iyon.

Dahil sa matiyagang pagtuturo ni Denver kay Princess Perly ay napagkakatiwalaan na ito ni Miss Margaret na umattend sa mga importante niyang meeting na may kinalaman sa mga programa niya para sa mga foundations at less fortunate. Tinupad naman ni Denver ang pangako niya na aalalayan niya ang dalaga.

Isang out of town project ang nakatakda nilang puntahan ni Denver. At ito na ang huling pro­yekto na pagsasamahan nila dahil malapit ng matapos ang kontrata niya sa mansion bilang prinsesa.

Habang sakay ng kotse ay muling pumasok sa isip ni Perlita si Elise.

“Alam mo bang nagpunta na naman siya sa mansion kahapon? “

“Hindi ko alam. Kinausap ka ba niya?”

“Hindi naman siya pinapasok ng guard eh, ­salbahe ka kasi, binilinan mo yata yung guard.”

“It’s her fault…or maybe mine, I don’t know…siguro nga lahat ng nangyayari may dahilan.”

“Bakit hindi mo ikuwento sa ‘kin, para makapag-comment naman ako. Tutal mahaba-haba ang ­biyahe natin, para hindi tayo antukin.”

“It’s better for you to sleep than listening to my non sense story.”

“Willing akong makinig promise, please?”

“What makes you interested to my lovelife ba?” nangingiting tanong ng binata.

“Eto naman, kailangan ko ba sagutin ‘yang tanong mo?”

“I don’t want to talk about it. Matulog ka na lang.”

“Hmp!” sabay irap ni Perlita sa binata.

Pagdating sa Batanes ay sumakay sila ng bangka patungo sa isang liblib na isla doon. Nahalata ni Perlita ang tila takot ni Denver sa mga alon.

“Denver, marunong ka bang lumangoy?”

Hindi sumagot ang binata.

“Alam mo, magaling akong lumangoy.” Pagmamalaki pa ng dalaga.

Hindi pa rin umimik si Denver.

May naisip na kalokohan si Perlita. Tutal wala pa naman sila sa malalim na bahagi ng dagat, naisipan niyang itulak si Denver mula sa bangka. Nabig­la ang binata at tila aso itong kakawag-kawag ang buntot nang bumagsak sa tubig. Nataranta si ­Perlita at agad niya itong sinaklolohan. Hindi naman nakahuma sa gulat ang bangkerong inupahan nila sa ­bilis ng mga pangyayari.

Nang madala ni Perlita ang lalaki sa buhanginan ay hindi niya alam kung paano uumpisahang mag-sorry dito.

Hinihingal pa si Denver at nakatingala lang ito.

“Denver,I’m sorry, hindi ko alam na…a-akala ko kasi nagsusuplado ka lang eh…”

“What the hell are you thinking?…” mahinang sabi nito.

Dahil hindi malaman ang gagawin ay niyakap na lang ng dalaga ang binata.

“Patawarin mo na ‘ko please! Hindi na mau­ulit!”

Tumayo ang binata.

“I’m so tired of hearing those lines!” ani Denver na mabilis nakalayo sa dalaga pabalik sa bangka.

“Denver wait!” alam ni Perlita na hindi lang sa kanya patungkol ang salitang iyon kundi kay Elise din na pilit humihingi ng tawad sa binata.

Pagdating sa bangka ay hinubad ni Denver ang nabasang damit maliban sa pants. Kumuha siya ng pamalit na t-shirt mula sa dalang bag.

Palihim namang hinangaan ni Perlita ang katawan ng binata kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Pero naiinis siya na hindi man lang ito nag-alala para sa kanya dahil basa rin ang damit niya. Kunsabagay, kasalanan naman niya. Kaya doon na lang siya magpapalit ng damit sa pupuntahan nila. Hindi naman niya ikakamatay ang basang damit. (Itutuloy)