Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-2 na labas

Dito ay tanging ang mga panguna­hing pangangailangan lang ang ibibigay sa kanila na para lamang sa loob ng dalawang araw.

At ang mga susunod na araw ay challenge na sa kanila kung paano sila mabubuhay o kung paano nila bubuhayin ang sarili sa natitira pang limang araw.

Napalunok si Perlita nang mabu­ngaran ang loob ng kabahayan na ­patitirhan sa kanila. Halos walang gamit at masikip.

“Teka, ano ba ang plano nila sa’tin, gawing prinsesang pulubi o sundalo na ihahanda sa giyera?” reklamo agad ng dalaga.

“Hoy, Perlita, mag-ingat ka sa mga sasabihin mo at baka mamaya niyan naka-monitor pala tayo, o kaya ‘yung ano, ano ba tawag don, cctv, ‘yung kamera na nakatago?” pabulong na sabi ni Auring. Isa sa mga napili.

Irap lang ang itinugon ni Perlita.

“Omg, no cellphone, no t.v. no radio, feeling ko I’m gonna die!” reklamo rin ni Sushi.

“Hoy Sushi, ang arte-arte mo alam mo ba ‘yon? Pero in fairness ha, mukhang natututo ka nang mag-Ingles dahil do’n sa Amerikanong hilaw na ka-chat mo!”

“I think so! And one thing more, practice na rin ‘to para just in case na mapili ako para maging prinsesa e alam ko na kung paano ko kakausapin ang mga prinsipe!”

Binatukan ni Perlita ang kapitbahay na dalaga.

“Ouch, why ba? Naiinggit ka ‘no?”

“Hindi ‘no! una sa lahat mas maganda ‘ko sa’yo, pangalawa hindi ko type ang Amerikano mo, pangatlo, AKO ang mapipili at hindi ikaw!”

“Hmp!” pagkairap ay tinalikuran na ni Sushi si Perlita.

Ang unang araw nila sa bahay na iyon ay naging masaya na may kaakibat na gulo. Ang ilan kasi sa kanila ay hindi nila kilala dahil taga-kabilang bayan. Kaya naman nagkaroon sila ng grupo na nahati sa dalawa.

Ang unang grupo ay grupo ni Perlita na kinabibilangan ng mga kapitbahay niyang sina Auring, Sushi, Lyka, Minyang at Sheila. 6 sila sa grupo. Ang apat naman ay ang taga-kabilang bayan na sila Jenny, Brenda, Apple at Trisha.

Magkakasabay silang kumakain ng hapunan.

Related Posts

“Teka, dapat magkaroon tayo ng rules and regulations sa bahay na’to, since one week tayong magkakasama-sama, right?” si Sushi sa pagitan ng pagsubo.

Nagkatinginan ang mga babae.

“Anong rules and regulation ­naman? Saka dapat kanya-kanya tayo dito para makita ‘yung kanya-kanyang abilidad natin,” reklamo ni Brenda.

“Alam mo Brenda, Brendamage ka talaga eh, hindi ba natin maipapakita ‘yung pagkamaabilidad natin kung nagtutulungan tayo?”

“Basta ako agree ako kay Brenda, hindi tayo dapat magtulungan dito dahil magkakalaban tayo!” si Apple.

Dahil sa iringan na ‘yon ay ­nagkampi-kampihan na sila at kanya-kanya nang pagtatanggol sa mga gusto nila.

Sumingit si Perlita.

“Shut up! Bakit hindi na lang natin daanin sa botohan?”

Saglit silang natahimik at sa huli ay napapayag din sa suggestion ni Perlita.

“Okay, taas ang mga kutsara ng pabor sa tulungan.”

Lima ang tumaas sa tulungan kabilang si Perlita at lima rin ang sa hindi. Pumanig kasi si Lyka sa hindi kaya nagtabla. Siniko tuloy siya ni Sushi.

“Kanino ka ba talaga kakampi ha?”

“E, sorry naman, nagkamali lang ako ng taas…”

“Hmp! Bobo!”

“Okay dahil tabla, daanin naman natin ngayon sa jack en poy!” muling hirit ni Perlita.

Muling pumayag ang mga babae. Si Perlita ang kumatawan sa grupong tulungan at si Jenny naman sa hindi.

“Oops, panu ba ‘yan, papel ako, bato ka!” nang-aasar ang ngiting sabi ni Perlita sa katunggali.

“Okay fine.”

“Since panalo kami, ako ang magtatakda ngayon ng mga gagawin natin, I mean, n’yo sa loob ng pitong araw na pagsasamahan natin dito!” (Itutuloy)