Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-17 na labas

“Hindi. Pinahila kita kay Mang Makoy.”

“Nakakainis ka, hindi ako naniniwala!”

“At anong gusto mong paniwalaan, yung binuhat kita?”

Hindi agad nakakibo si Perly pero agad itong bumawi.

“Kaya ko gustong malaman dahil baka may ginawa ka pang iba! Baka sinamantala mo ang kalasingan ko!”

“Wag ka ngang assuming, hindi ka maganda sa mga mata ko at lalong hindi ka rin sexy!”
Inis na inirapan at tinalikuran ni Perlita ang binata habang bubulong-bulong.

“Kakainin mo rin yang sinabi mo, hmp!”

Nanatili si Denver sa pintuan ng silid.

“Princess Perly, kaya ako nandito para sabihin sa’yo na hihintayin kita sa study room.”

Muling napaharap sa kanya ang dalaga.

“Ano? Jusko Lord naman! Pag-aaralan ko na naman ba ang mga rules and regulations na ‘yan? O kailangan ko pang mag-exam? Napapanaginipan ko na nga eh!”

“No. May bago kang mga dapat pag-aralan.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Denver.

Napabuntong-hininga na lang ang dalaga.

Study room.

Nakapangalumbaba si Perlita sa table habang nasa harapan niya si Denver at nagsasalita.

“Ito ang list ng mga foundations, ang mga taong may kinalaman dito lalo na ang mga pas­yente. Malapit na ang 70th birthday ni Aunty at ice-celebrate niya iyon dito mismo kasama ang mga taong ito.”

“Okay.” Walang ganang tugon ng dalaga.

“And the responsibility is yours.”

“Ha? anong ibig sabihin no’n?”

“Ikaw ang mag-iimbita at mag-aasikaso sa mga taong ito. Because they look up to you as they look up to my aunt.”

“Ganern?”

Nilapitan ni Denver ang dalaga naupo sa arm chair ng upuan nito.
“Aunty says you can handle people, so prove it.”

“Okay fine, so pati ba paggawa ng invitation kailangan ako?”
“If you’re willing then why not?”
“Ano?”
“Princess Perly, those people needs you. Isang tao na mapagkukunan nila ng lakas ng loob, show them how much you care, so that they can treat you as their very own Princess.” Pagkasabi niyon ay tinapik ni Denver sa balikat si Perlita.

Hindi makakibo ang dalaga. Hindi pa rin niya lubusang maunawaan kung ano ba talagang papel ang ginagampanan niya. Ang maging prinsesa ba ng mga batang ulila at mga pasyenteng nawawalan ng pag-asa sa buhay?

Related Posts

Nang tumunog ang cellphone ni Denver ay nag-excuse siya sa dalaga at sinagot iyon sa labas ng study room.

“Yes Jim?”

“Denver you have to come here. May problema tayo.”

“What’s wrong?”

“May mga major stock holders tayong lilipat sa isang baguhang company. Three of them.”
“What? Pero bakit?”

“Let’s talk about it here.”

“Okay, I’ll be there.”

Ikinatuwa ni Perlita ang sinabi ni Denver na mawawala ito ng ilang araw para asikasuhin ang problema sa kumpanya. Subalit mahigpit siya nitong binilinan tungkol sa nalalapit na birthday ng donya. Puro tango lang ang naging tugon ng dalaga.

Pasok sa kanang teynga at labas sa kaliwa.

Nang makaalis na si Denver ay nagdiwang si Perlita. Nagpaluto siya ng iba’t ibang putahe sa mga kasambahay. Nagbabad siya sa swimming pool. Nanood ng mga movies sa dvd. Nagcomputer. Ginawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin.

At higit sa lahat, pinalitan niya ng picture niya na ipina-frame niya ng malaki ang mala­king painting ni Melody na naka-display sa salas. Napaantanda ang mga kasambahay lalo na si Manay Sita nang makita ito.
“Princess Perlya, hindi ito mapapayagan ni Donya Margarita!”

“Alin, ‘yang picture ko? ‘di ba ako na ang prinsesa dito, so dapat lang na ako na yung naka-display diyan diba?” sagot ni Perlita na nakapameywang pa.

Napalingon silang lahat nang mamalayan nila ang presensya ng donya mula sa bukana ng main door. Kunot noo itong nakatingin sa malaking frame ni Perlita.

“Who gave you the right to take away my daughter’s painting?” galit nitong tanong.

“M-Miss Margaret, nandiyan na po pala kayo…” kinabahang bati ni Perlita.

Agad na kumilos ang mga kasambahay. Inalis ang frame ni Perlita at ibinalik ang kay Melody.
“Princess Perly, to my office, NOW!”

Kakamot-kamot na sumunod ang dalaga sa donya.

“Sit down and let’s talk.”

Tahimik na naupo si Perlita.

“Kasama sa rules and regulations na wala kang pakikialaman sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa anak ko. Respect be gets respect. Naiintindihan mo ba?”
“O-opo.”

Nang makabalik si Denver sa mansion ay nabalitaan nito ang mga pinaggagawa ng dalaga subalit sa kabila nito ay hindi niya magawang mainis o magalit dito. Muli silang nag-usap na magtiyahin.

“Denver, bumalik lang ako dahil nabalitaan ko ang nangyari sa company, I’ll be in Manila tomorrow para personal kong asikasuhin ang lahat. Dumaan ako rito, also, to check perso­nally what’s going on here at hindi ko nagustuhan ang mga nangyayari dito. Yeah, she can manage every­thing here, but not in a good way.”

“I’m sorry aunty, I never thought na sa sandaling oras ng pagkawala ko ay magagawa niya lahat ‘yon.”

“Don’t be sorry, may oras ka pa para baliin ang humahabang sungay at buntot ni Princess Perly. I already saw her good side when they we’re in the small house, I know deep inside her, she has a good heart.”

Napatangu-tango ang binata.

“By the way, nakausap ko na ang lawyer natin and pinag-aaralan na niya kung anong dapat natin­g gawin. But of course, kailangan ka sa board meetin­g para mapag-usapan din ito.” (Itutuloy)