Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-15 na labas

“Okay fine…pwede ba, ‘wag na tayong buma­lik do’n?”

“Sa Loving Foundation?”

Tumango ang dalaga.

“Bakit naman?”

“Sobra kasing nakaka-desperado ng lugar, ng mga tao…sobrang nakakalungkot.”
Napangiti si Denver.

“So, naapektuhan ka pala. Oo, malungkot dahil may mga sakit sila, but when you look closely to their eyes makikita mo ang happiness.”

“Parang wala naman akong nakita.”

“Kasi nga hindi mo sila nilapitan o kinausap man lang. Baka nga iniisip nila ngayon na suplada ka o masamang ugali, kunsabagay iyon din naman ang iniisip ko sa’yo eh.”

Inis na napatingin si Perlita kay Denver.

“Gano’n? masama ang ugali ko ha?” sabay hampas ni Pelry sa balikat ng binata.

“Wag mo nga akong hinahampas, we’re not close.” Iwas naman ni Denver.

“Pwes, wag mo rin akong husgahan.”

Hindi na umimik si Denver. Maya-maya ay muling nagsalita si Perlita.

“Pwede bang kuwentuhan mo pa’ko ng tungkol kay Melody? Kung ano yung mga paborito niyang gawin nung nabubuhay pa siya, kung marami ba siyang kaibigan o nagka-boyfriend na ba siya, may facebook account ba siya? Teka, anong year ba siya namatay?”

“No. I can’t tell you every details about her.”

“Ok.”

Nanahimik na rin si Perlita. Maya-maya ay muli na naman itong nagsalita.

“Kung ayaw mong magkuwento ng tungkol kay Melody, e di tungkol na lang sa’yo.”

Napatingin si Denver sa dalaga.

“Interesado ka sa’kin?”

“Hindi naman. Nakakaboring lang ‘tong byahe natin.”

“Kung nabobored ka e di ikaw ang magkuwento about you.”

Saglit na nag-isip si Perlita. Naalala ang mga kalokohan nila ni Melay. Hindi niya napigilan ang sarili na matawa.

“O, bakit, may naalala ka bang nakakatawa?”

“Oo, kasi naalala ko yung kaibigan ko, alam mo ba nung JS prom namin, yung kaklase naming laging nambubuly sa’min, nilagyan namin ng ipis sa likod ang suot niyang gown, ang daring daring pa ng suot niya, para na nga siyang nakahubad eh, ayun lalo siyang nahubaran nang magtatarang siya!”

Hindi natawa si Denver.

“Tapos?”

“Tapos, ayun, after JS nasuspended kaming da­lawa ni Melay.”

Marami pang kuwento si Perlita na siya lang mag-isa ang tumatawa. Nakikinig lang si Denver. Paminsan-minsan ay tipid na napapangiti at napapailing.

Related Posts

Gabi. Nakaramdam na naman ng gutom si Perlita at dating gawi, pupunta siya sa kusina para maghakot ng pagkain at saka hayahay siyang magmimidnight snack sa loob ng kuwarto niya habang nanonood ng dvd. Pero sa pagkakataong ito ay mukhang magkakaroon siya ng hastle.

“Bakit gising pa’to?”

Nakita kasi niya si Denver sa salas na may kausap sa phone. Na-curious siyang pakinggan ito habang nakakubli sa likod ng kurtina.

“You know what aunty, sa lahat ng prinsesang ipinakilala mo sa’kin dito sa mansion, siya yung pinakamakulit, pinakamaldita, pinakamadaldal lahat na yata, ni wala akong makitang katangian sa kanya ng isang prinsesa…but don’t worry, I know how to handle her and I’ll make sure na mapapatino ko siya.”

Napataas ang kilay ni Perlita. Sigurado siyang siya ang tinutukoy nito at ang kausap nito ay si Donya Margarita.

“Lokong ‘to ah, may araw ka rin sa’kin, pero sa ngayon, gabi pa naman kaya uunahin ko muna ang sikmura ko.” sa isip ng dalaga.

Angat ang mga paang nilampasan ni Perlita ang nakatalikod na si Denver. Pero matalas ang paki­ramdam ng binata, naramdaman nito ang dalaga kaya palihim niya itong sinundan.

Sa gulat ni Perlita nang makita si Denver sa likuran niya ay nabitawan niya at nagkalaglagan ang mga pagkain sa floor.

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong ni Denver.

“S-samahan saan?”

Isa-isang pinulot ni Denver ang mga pagkain at ibinalik sa ref. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang wine.

“Teka, iinom tayo ng wine?” kunot noong tanong ng dalaga.

“Why not?”

“Ahm. Hindi kasi ako umiinom ng wine.”

“Hindi ka umiinom o hindi ka pa nakakainom?”

“Wow ha, grabe ka, tanong lang ba ‘yan o insulto?”

“Buti pa tikman mo na lang ‘to, para malaman mo kung gaano ito kasarap.”

Tumalikod na ang binata dala ang wine at dala­wang baso nang muli itong mapabalik at mapai­ling. Kumukuha na naman kasi ng pagkain sa ref si Perlita habang nakatuwad ito.
“Princess Perly!”

“Wait lang, kumukuha lang ako ng pulutan!”

Sa garden sila pumwesto. Pero sa halip na maupo sa mga upuang naroon ay pinili ni Perlita na sumalampak na lang sa damuhan. Napilitan naman ang binata na maupo na lang din sa tabi niya.

“Siguro palagi mo ‘tong ginagawa ano?” tanong ni Denver.

“Ang maupo sa damuhan?”

“Ang mangupit ng pagkain sa ref. Alam mo bang hindi ‘yan gawain ng isang prinsesa?”

Sarkastikong natawa si Perlita.

“Hindi naman ako prinsesa eh, tawag lang yung sa’kin dahil ako ang napili, ang pagkakaalam ko kasi sa prinsesa, may hayahay na buhay at sinusunod ng mga nasasakupan niya, pero ako, bukod sa ang daming bawal dito e wala pang gustong sumunod sa’kin. Kung alam ko nga lang na ganito ang buhay dito sa mansion, hindi na sana ako sumali!”

Ininom muna ni Denver ang wine sa baso niya bago sumagot.

“Hindi mo pa kasi alam kung anong papel ang ginagampanan mo. Pero sino bang prinsesa ang hindi nakaranas ng hirap? Lahat sila nagdaan­ sa mga pagsubok bago nagkaroon ng kahulugan ang pagiging prinsesa nila, si Cinderella, si Snow White, si Aurora, or even Princess Diana.”

“Kunsabagay, may point ka…pero kahit na…mas gusto ko pa rin na maging malaya at gawin ang lahat ng gusto ko.” sabay lagok sa laman ng baso niya.

“Bakit, pinigilan ka ba ni aunty na umalis ng mansion?”

Hindi agad nakasagot ang dalaga.

“Hindi…pero ayoko namang bumalik sa’min para lang malaman ng lahat kung gaano ako naging miserable dito…syempre ayoko rin namang mapahiya.” (Itutuloy)