Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 396

Ika-14 na labas

“Nakakaloka, talaga ba?”

“Okay you can start reading now.”

Mula sa binata ay inilipat ni Perlita ang mga mata sa nilalaman ng libro. Napakunot-noo siya at napabuntong-hininga.

“Nakakatamad naman, pwede bang sabihin mo na lang sa akin ang mga rules and regulations.”

“No. Hindi tayo lalabas ng room na’to hangga’t hindi mo natatapos basahin ang mga ‘yan.”
Walang nagawa si Perlita kundi magbasa. Maya’t-maya siyang naghihikab.

Dahil do’n ay pinatayo siya ni Denver para mag-exercise.

“Kailangan talaga ‘to?” tanong ng dalaga habang pinapaikot-ikot ang beywang at inuunat-unat ang mga kamay.

“Yeah. Para mawala ang antok mo at hindi ka hikab ng hikab diyan, baka mahawa pa’ko sa’yo.”

Matapos iyon ay balik ulit ang dalaga sa pagbabasa. Ilang oras na matiyagang binantayan ni Denver si Princess Perly sa pagbabasa nito hanggang sa wakas ay matapos iyon. Pero hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ng dalaga, dahil nag-question and answer pa sila ng binata tungkol sa rules and regulations na binasa niya.

“Pwede ba, kumain muna tayo, gutom na gutom na’ko eh.”

Ilang saglit bago sumagot si Denver.

“Okay fine, since nagugutom na rin ako, sige we take a break.”

“Sandali, break lang? tapos babalik pa tayo dito?”

“Actually we’re not going out here, tatawagan ko na lang si Luna to bring us some merienda.”
Laglag ang balikat na isinubsob ni Perlita ang mukha niya sa table.

Gabi. Pakiramdam ni Perlita ay pagod na pagod ang utak niya kaya naman hindi siya kumikilos sa pagkakahiga kahit mulat na mulat pa siya. Nakasubsob lang ang mukha niya sa malambot na unan.

“Nakakainis talaga ang Denver na ‘yon, akala mo kung sino…” kausap niya sa sarili.

“Pero in fairness, ang cute niya… hindi pala cute, gwapo… pero malamang wala siyang girlfriend, kasi ang sungit, strikto…” nakatulugan na ng dalaga ang ganoong pag-iisip.

Kinabukasan, pagkakain ng umagahan ay nagtungo sa garden sina Denver at Princess Perly.

Dito tinuruan siya ng binata kung paano maglakad ng tama, makipag-usap at makiharap sa mga ­prominenteng tao.

“Sooner or later ay aatttend ka ng mga mahahalagang okasyon, makakakilala ng mga importanteng tao sa lipunan. Kaya kailangan mong maging prim and proper.”

“Bakit ano bang tingin mo sa’kin, balahura, magaslaw gano’n ba?”

“I’m not saying that. What I’m telling you is, you have to learn how to be a real princess, not just in title but deep in your heart.” Sabay turo ni Denver sa puso ng dalaga.

Related Posts

“Alam mo para kang ‘yung tita mo kung magsalita, after one year ba magiging isa akong tunay na prinsesa? ‘Diba hindi naman, babalik ako sa squatter at mabubuhay tulad ng dati.”

“You’re wrong. Babalik ka sa inyo na ibang tao ka na. Babalik ka sa inyo bilang isang prinsesang maipagmamalaki ng magulang at mga kaibigan mo. Iyan ang purpose kung bakit ka nandito.”

Natigilan si Perlita. Pinag-isipan ang sinabi ni Denver.

Isang libro ang ipinatong ng binata sa ulo ng dalaga para masanay ito sa tuwid na paglalakad.

“Wow ha, pang-byuti queen lang ang peg.” hindi matapos-tapos ni Perlita ang paglalakad ng may libro sa ulo dahil natatawa siya at bumabagsak ito.

Maging sa pakikipag-usap ay hindi siya makapagseryoso. Naiilang kasi siya.

“Come on Princess, you have to look me in the eye kapag kinakausap mo ako.”
“Sorry naman, parang naduduling kasi ako eh.”

Kahit hindi makapag-focus si Perlita ay sinisikap pa rin ni Denver na kunin ang full attention niya.

“Remember this Princess Perly, you don’t need to be perfect, all you have to do is to be careful with your words and actions. Always use your heart.”

“O-okay…”

“Naintindihan mo ba?”

Marahang umiling ang dalaga.

“Pwede bang pakitagalog mo na lang para mas maintindihan ko?”

Ang mga sumunod na araw ay mas lalo pang naging kumplikado para kay Princess Perly. Lalo na sa pagbisita nila sa mga foundation.

“This is the Loving Foundation. Actually ang pinakapaborito talaga ni Melody is the ETC Foundation, mahilig kasi siya sa mga bata, pero, itong foundation na’to, nagkaroon ito ng special spot sa puso niya, dahil ang pinagdadaanan ng mga tao rito, ay pinagdaanan din niya…” kuwento ni Denver habang naglalakad sila ni Perlita sa lobby ng foundation.

“Si Melody, siya ba yung anak ni Miss ­Margaret?”
“Yeah. Her one and only daughter. She’s 22 when she died in cancer. Cancer of the brain.”
“Aah.”

“Noong nabubuhay pa siya, when she was younger, napaka-spoiled brat niya. Katulad mo, palagi rin siyang galit sa’kin, kasi, ako lang ‘yung tao na kumokontra sa kasutilan niya. But nu’ng magdalaga na siya, nagbago siya. From being a spoiled brat teenager, she turns into a responsible kind-hearted woman, specially during her battle against cancer.”

“Gano’n ba, siya ba ang dahilan kaya ginagawa ni Miss Margaret ang lahat ng ito?”

Hindi na nasagot ni Denver ang tanong ni Perlita dahil nilapitan na sila ng isang staff sa foundation. Ipinakilala ito ni Denver sa dalaga at saglit na kinausap bago sila tumuloy sa mga kuwarto kung saan nandoon ang mga cancer patients.

Matamang pinagmasdan ni Perlita ang mga pasyente. Bakas sa mukha ng mga ito ang kasiyahan nang makita sila at makilala siya. Wala siyang masabi sa kanila. Wala siyang maisip sabihin. Hindi niya lubos maisip kung paano pa nila nagagawang ngumiti sa kabila ng kanilang karamdaman. Kung sa kanya mangyayari ang ganito baka gabi-gabi niyang ipanalangin na ‘wag na siyang magising.

Sakay ng kotse pauwi sa mansion. Walang imik si Perlita.

“Hey Princess Perly, ano bang iniisip mo?”

“Iniisip ko kung bakit ikaw ang nagda-drive instead na si Mang Jopet.” Pagsisinungaling ng dalaga.

“I’m sure nasabi ko na sa’yo kanina na may sakit ang anak niya kaya kailangan niyang umuwi ng probinsya, now tell me what’s on your mind.” (Itutuloy)