Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 414

Ika-13 na labas

Tumango si Luna.

Napa-second look si Perlita nang makita niya ang lalaking tahimik na nanonood sa kanyang paglangoy.

At hindi siya maaaring magkamali, ang lalaking ito, ang lalaking nakasakay sa kotse na nagtalsik ng putik sa damit niya at ang lalaking nasa photo frame sa ibabaw ng table ni Donya Margarita ay iisa.

“Hey Princess, wazz up?”

Walang kiming umahon ang dalaga at humarap sa binata. Pilit namang ikinubli ni Denver ang paghanga sa hubog ng katawan nito na mababakas mula sa suot na bathing suit.

“Hoy, ikaw, alam mo bang may atraso ka sa ’kin?”

“Atraso? As far as I remember ngayon lang tayo nagkita.”

“Siguro nga hindi mo natatandaan, pero ako malinaw pa ang memorya ko kaya malinaw kong natatandaan na ikaw lang naman ang lalaking de kotseng nagtalsik ng putik sa damit ko.”

Saglit iyong inalala ng binata habang nakahawak sa sariling chin.

“Ahm, okay, so ikaw pala ‘yon, I’m sorry but I don’t even remember your face.” natatawang abi ni Denver.

“Teka, anong ginagawa mo dito, ano ka ba ni Miss Margaret?”

“I’m her one and only nephew. At habang wala siya, ako muna ang magte-take over ng lahat ng duties niya, including YOU.”

“Ano? Ikaw ang…”

“Yes my princess, well anyway, today is my starting day as your mentor, so sa pagkakaalam ko may schedule ka ngayon sa parlor, now go to your room and wear some proper clothes, while I’m going to wait , just over there.” Sabay turo ni Denver sa kotse niya na nasa garahe.

Hindi makapaniwala si Perlita. Mukhang magiging balakid sa pagiging prinsesa niya ang lalaking ito. Hindi siya papayag.

Inis niyang tinalikuran ang lalaki.

Lihim namang nangingiti si Denver. Mukhang mag-eenjoy siya sa pakikipagdeal sa ugali ng dalaga.

Sinadya ni Perlita na tagalan ang pagbibihis. Kinatok siya ni Luna.

“Princess Perly, kailangan na raw po nating umalis sabi ni Sir Denver.”

“Oo na, susunod na ‘ko.”

Pero nagpalipas pa siya ng ilang minuto. Muli na naman siyang nakarinig ng mga katok.

“Pwede ba Luna, sabihin mo sa amo mong epal, mauna na siya sa parlor kung gusto niya!”
Hindi tumigil ang mga katok kaya napilitan si Perlita na buksan iyon.

“Ano ka ba Luna?” pagkasabi niyon ay natigilan ang dalaga. Hindi kasi si Luna ang nasa likod ng pintuan kung hindi ay si Denver.

“Una sa lahat, hindi ako epal, pangalawa, hindi ako pupunta sa parlor na ‘yon nang hindi kita kasama, kaya tara na.” sabay hawak ni Denver sa braso ni Perlita at walang ingat na inakay ito palabas ng silid.

Related Posts

“Teka nga muna, nasasaktan ako, ganyan ba ang pagtrato sa isang prinsesa?”

“Kung gusto mong magkasundo tayo, susundin mo ako. Dahil para sa’kin, kalokohan lang ang lahat ng ito, hindi ko nga alam kung bakit nagpapakapagod pa si aunty na gawin ang mga ganitong bagay sa mga taong hindi naman niya kilala at kaanu-ano, this is stupid.”

“Eh pa’no kung ayaw kitang sundin?”

Tumigil sa paghakbang si Denver nang marinig iyon, Humarap siya sa dalaga at tumitig sa mga mata nito.

“Sa ayaw mo at sa gusto, susunod ka sa akin dahil sa akin ka ipinagkatiwala ni aunty. Kung hindi, I’ll do whatever I want to do with you, with your mind, your heart, your soul and your very own body.”

Biglang nayakap ni Perlita ang sarili.

“A-Ano? Ibig sabihin…rereypin mo ako?”

Natawa si Denver.

“Nagpapatawa ka ba? mas gugustuhin kong chopchopin ang katawan mo kaysa reypin ka!”
“Hoy grabe ka ha, mahirap nga ako at di maputi, pero wag kang bulag, maganda ako at seksi aminin mo ‘yan sa sarili mo!”

“Let’s go! Wala na tayong oras.”

Naiiling si Luna sa naging conversation ng dalawa. Parang bigla siyang nakaamoy ng romance. Kaya nagingiti siyang sumunod sa mga ito.

Habang inaayusan ang dalaga ay nakamasid si Denver. Hindi niya maiwasang humanga sa simpleng ganda na hindi nakakasawang tingnan. Nung una ay nagdadalawang isip talaga siyang sundin ang tiyahin sa gusto nitong mangyari.

Pero sa laki ng utang na loob niya dito ay hindi niya ito magawang tanggihan. At sa pagkakataong ito ay mukhang hindi naman siya mabobored na bantayan at turuan ang prinsesang ito.

Kinausap ni Denver ang may-ari ng parlor na kaibigan ng tiyahin niya.

“Madam, next time, hindi na kami pupunta rito, gusto kong magpadala ka na lang sa mansion ng regular na mag-aalaga sa hair, nails, at kung ano pamang kailangang gawin para kay Princess Perly.”

“No problem Denver. Actually I already suggested that to Margarita, but she insist na dito na lang gawin para ma-experience ng prinsesa ang ganito. But since ikaw na ang nagsabi, pagbibigyan kita.”

“Thank you madam.”

Nang makabalik sila sa mansion ay sa study room sila dumiretso.

“Teka, teka, teka,anong gagawin natin dito?” kunot-noong tanong ni Perlita.

“This is a study room, so I guess you know kung anong ginagawa rito.”

“Sandali naman muna, kararating lang natin, baka naman pwedeng mag-relax muna ako?”
“Nagpapatawa ka ba? relax na relax ka na nga sa parlor eh.” Nangingiting sagot ng binata.
“Ok. So nagpaparlor ako para magkulong sa study room na ‘to?”

“Para pag-aralan ang mga bagay na dapat alam mo na ngayon.”

Kinuha ni Denver ang book of rules and regulations at inilatag ‘yon sa table.

“Okay fine, babasahin ko na” nakasimangot na sabi ng dalaga.

Naupo si Denver sa tabi niya.

“Anong balak mo Sir Denver, bantayan ako maghapon?”

“Exactly. From being executive sa isang kilalang kompanya, I shift my work now as your mentor. That is so disappointing pero wala akong magagawa, I have to stick my eyes on you from morning till night!” (Itutuloy)