Una sa Balita

The Pretending Princess

By
0 410

Ika-12 na labas

“Denver, can you give me a favor?”

“And what is it?”

“Please come over , I think I need your help.”

“Aunty, of course I’d love to help you but maraming trabaho sa opisina ngayon.”

“I know that. Jim can manage all your responsibilities in our company, let him handle your work. May ibibigay ako sa‘yong trabaho na alam kong ikaw lang ang makakagawa.”

“Okay, so it’s about your princess right?”

“Right.”

“Okay, I’ll be right there, give me three days, may kailangan lang akong tapusin dito.”

Hatinggabi. Nagising si Perlita dahil nakaramdam siya ng gutom.

“Siguro naman pwedeng kumain kapag nagugutom…sigurado namang tulog na ang mga bantay…”

Tumayo siya at nakiramdam muna sa paligid bago lumabas ng silid. Maingat ang mga hakbang na tinungo ang kusina. Saka dahan-dahang binuksan ang ref.

“Ayos…fresh milk, chocolates, cookies and cake, mabubusog ako nito…”

Dinala niya ang kayang dadalhin ng dalawang kamay niya. Palabas na siya ng kusina nang big­lang bumukas ang ilaw.

“M-manay Sita?”

“Princess Perly, saan mo dadalhin ang mga ‘yan?”

“Malamang ibebenta ko? saan pa, e di sa kuwarto ko, doon ko kakainin, ‘wag mong sabihing bawal?”

“E Princess Perly, hindi ho magandang asal ang…”

“Ssshhhh, shut up okay? Nagugutom ako kaya kapag pinigilan mo pa’ko, ikaw na ang kakainin ko, graawwl!”

Inis na tinalikuran ni Perl yang matanda dala ang mga pagkain.

Kahit alam ni Perlita na tadtad ng hidden cam ang buong mansion ay ginagawa pa rin niya ang lahat ng gusto niyang gawin kapag hindi kaharap ang donya. Walang sinuman sa mga kasambahay maging ang mayordoma ang nakakapigil sa kanya. Palagi niyang binabara ang mga ito.

Nagbababad siya sa television. Puro junk foods ang kinakain niya na palihim niyang pinapabili sa kasambahay na nakatoka sa pamamalengke. Matapos mag-enjoy ng husto sa t.v. ay computer naman ang pagbabalingan niya. Nagpapaturo siya kay Luna sa mga hindi pa niya alam tungkol sa social media. Nang matutong magkaroon ng cellphone at matutong mag-selfie ay wala na siyang ginawa kundi kunan ang sarili.

“Princess Perly, hindi po kayo dapat nagfe-facebook hangga’t kayo pa ang prinsesa dito sa mansion.”

Related Posts

“Asus, bakit na naman?”

Hindi pinansin ng dalaga ang paalala ng p.a. niya.

“Alam mo, may naisip ako eh, gusto kong gayahin ‘yung sa commercial, ‘yung naliligo sa gatas, dali tara!” hinila ng dalaga si Luna para tulungan siyang ihanda ang bath tub.

Galon-galong gatas ang ibinuhos nila sa bath tub para sa kapritso ng dalaga.

“Wow! Grabe, ako na ang Dyosa! Siguradong kikinis ang skin ko nito!”adset

Naglagay pa ng headset ang dalaga habang nakababad sa gatas. Pakanta-kanta. Napapalunok naman si Luna na nakabantay dito. Sigurado kasi siyang hindi magugustuhan ni Donya Margarita ang mga pinaggagagawa ng prinsesa.

Katatapos lang maligo ng dalaga nang ipatawag siya ni Donya Margarita sa opisina nito.

Mauupo na sana ang dalaga nang pigilan siya ng donya.

“Wag kang uupo hangga’t walang nagpapaupo sa’yo.”

“Ok po.”

Tiningnan ni Donya ang dalaga mula ulo hanggang paa. Bago niya ito pinaupo.

“Bukas magpasama ka kay Luna, pina-sche­dule kita sa parlor. Gusto kong maging maayos ang hitsura mo sa mga susunod nating paglabas. By the way, meron akong out of town seminar at medyo matatagalan ako. But don’t worry, somebody will take over to guide you here and siya rin ang makakasama mo sa mga schedules natin sa foundation.”

“Okay po, Ingat.”

“And one thing more Princess Perly, I just want you to know that I knew everything you did. Lahat ng pagsuway mo sa mga panuntunan ko, mga pagtakas, pagtataas ng boses sa mga kasambahay, pag-aaksaya sa mga bagay na dapat mong pinapahalagahan, everything about that…well, don’t worry my dear princess, somebody will teach you those things that you have to learn, you needed to learn.”

Napahugot na lang ng malalim na paghinga si Perlita at hindi na nakaimik. Kung sinuman ang somebody na tinutukoy nito sana naman ay hindi si Miss Minchin.

Hindi na inalam ni Perlita kung gaano katagal mawawala ang donya. Para sa kanya good news ito. Good luck na lang sa somebody na tinutukoy nito. Basta siya magpapakaprinsesa siya ng husto. Wala siyang aaksayahing oras hangga’t nandito pa siya sa mansion.

“Princess Perly, umahon na po kayo sa pool, kailangan na po nating magpunta sa parlor.”

“Wait lang pwede, ang sarap-sarap pang lumangoy eh, alam mo ba sa amin, tumatalon ako sa tulay, naku grabe pagbagsak ko sa ilog para akong sirena, ang galing ko kayang lumangoy, laking ilog ako kundi mo naitatanong!” pagkukuwento at pagmamalaki ng dalaga na hindi pinansin ang sinabi ni Luna.

“Tapos alam mo ba Luna, du’n sa sapa, minsan doon kami naglalaba ni nanay kapag sira ang poso, at pagkatapos naming maglaba, hinihila ko si nanay sa tubig, doon sa pinakamalalim, tapos nagagalit siya sa’kin kasi hindi siya marunong lumangoy, ang dami kong tawa kapag galit na galit na siya!” kuwento pa ni Perlita habang lumalangoy.

Sa kabila ng malulutong na pagtawa ng dalaga ay hindi naman makuhang ngumiti man lang ni Luna. Alam kasi niyang male-late sila sa schedule sa parlor kapag hindi pa rin umahon ang dalaga.

Maya-maya ay isang lalaki ang lumapit sa kanila. Si Denver. Hindi iyon namamalayan ni Perlita na busy sa paglangoy.

“Sir Denver!”

“Ssshhh!” senyas ng binata kay Luna.

“So, she must be Princess Perly?” tanong ng binata. (Itutuloy)