Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 622

Ika-5 na labas

Kasalukuyang gumagawa ng sandwich si Jefferson para ipabaon kay Michelle nang lapitan siya nito.

“Papa, puwede po bang dalawa ang gawin niyong sandwich?”

“Dalawa? Bakit, sino bang classmate mo ang gusto mong bigyan?”

“Si Teacher Cassandra po.”

Saglit na natigilan si Jefferson.

“Sandwich for Teacher Cass…why not?”

School break time.

Inaayos ni Cassandra ang mga gamit niya sa table nang mapansin niya ang sisilip-silip sa classroom na si Michelle.

“Michelle, may kailangan ka ba? Come here.”

Dahan-dahan ang paglitaw ni Michelle sa pintuan at marahan din ang ginawang paghakbang palapit sa guro habang nakatago ang dalawang kamay sa likuran.

“May sasabihin ka ba?” tanong ni Cassandra nang makalapit na ito sa kanya.

Hindi sumagot si Michelle, sa halip ay iniabot nito sa teacher ang sandwich. Napangiti naman si Cassandra.

“Hmmm, egg sandwich, para sa’kin?”

Tumango ang bata. Niyakap siya at hinalikan ng guro sa noo.

“Thank you sweet little girl, alam mo bang paborito ko ang egg!”

Sumilay ang ngiti sa labi ni Michelle nang marinig ang sinabi nito.

“Talaga po?”

“Teka ikaw ba ang gumawa nito?” naisip itanong ni Cassandra.

“Si papa po.”

“Pakisabi sa papa mo, salamat din sa kanya ha.”

Tuwang-tuwang ibinalita ni Michelle sa papa niya ang tuwa ni teacher Cassandra sa sandwich at pasasalamat nito.

“Mabuti naman kung gano’n, pero anak, ‘wag lagi ha, baka maubusan tayo ng budget niyan!” nakangiting tugon ng ama habang kumakain sila ng hapunan.

“Opo papa, pero ulitin natin sa ibang araw ha!”

“Sure walang problema, ‘wag lang araw-araw!”

Napansin ni Jefferson ang kakaibang saya ni Michelle kapag pinag-uusapan nila si Cassandra.

“O pagkatapos kumain ano ang gagawin?” tanong niya sa anak, paubos na kasi ang pagkain nito.

“Magtu-toothbrush po at maglilinis ng katawan.”

Related Posts

“Tapos ano pa?”

“Magpapalit ng pantulog.”

“At?”

“Magsusuklay.”

“At ang pinakahuli?”

“Magdadasal po bago matulog.”

“Very good!” sabay pindot ni Jefferson sa ilong ng anak.

Sa bahay ng mga Villafuente. Dahil Linggo naman kaya sinamantala ni Cassandra ang pagtulog. Tanghali na nang magising siya. Inabutan niya ang mama niya na nagluluto na ng ulam na pananghalian.

“Good morning ma.”

“O anak gising ka na pala, good morning din, ‘yung almusal mo ‘yang may takip sa mesa.” Si Celeste ang mama niya.

Binuklat ni Cassandra ang takip. Sinangag, itlog at hotdog. Pero mas pinili niya ang magkape na lang muna.

“Kumusta naman ang klase mo?”

“Okay naman po, sa tingin ko nag-i-improve naman po ang mga estudyante ko.”

“Sana ikaw rin.”

May laman ang sinabi ng ina, alam ni Cassandra iyon.

“Ma naman, kukulitin mo na naman ba’ko?”

“Hindi naman sa gano’n anak, nag-alala lang ako, 25 ka na at apat na taon na rin naman mula nang umalis si Martin, baka naman pwede mo na siyang palitan, ayoko lang tumanda kang dalaga tulad ng tiya mo.”

“Ma, ano bang sinasabi mo?… Matanda na ba yung 25?”

“E kunsabagay, ako nga nung nag-asawa 30 na, at limang taon pa ang pinaghintay namin ng papa mo bago ka namin naging anak. Pero sana ‘wag mo nang hintayin ang 30 anak, kasi gusto namin ng papa mo na makita at makasama ang magiging apo namin bago kami mawala sa mundo, hindi na rin naman kami bumabata.”

Naiintindihan ni Cassandra ang ipinupunto ng ina. Pero ano ba ang magagawa niya kung wala pa naman talagang natatagpuan ang puso niya kapalit ni Martin.

Nakagawian na ni Cassandra na magsimba mag-isa sa panghapon na misa. Sakto namang mag-uumpisa pa lang ang mass ng makarating siya sa San Bartolome church. Naupo ang dalaga sa isang bakanteng upuan.

Natanaw naman ni Michelle ang guro.

“Pa, do’n tayo sa tabi ni teacher!”

“H-ha? e…”

“Sige na pa!”

Napilitan si Jefferson na pagbigyan ang anak. Dahil may bakante pa naman sa tabi ni Cassandra ay lumipat sila dito.

“Jeff, Michelle!” gulat si Cassandra pagkakita sa dalawa.

“Hi Cass, nakita ka ni Michelle kaya lumipat kami dito.” (Itutuloy)