Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 622

(Huling labas)

“T-teka, nagpa-deliver ka?” nagtatakang tanong ni Jeff.

“Oo, para sa dinner natin.”

Napangiti si Jefferson.

“Ibig bang sabihin, magdi-dinner na tayo together? Ibig sabihin… pinatawad mo na’ko?”

“Mamaya mo pa dapat malaman ‘to kapag na-prepare na namin ni Michelle ang special dinner sa mesa, but since we’re here, wala na’kong magagawa, now you know.” Napangiti na ring sagot ng babae.

Hindi napigilan ni Jefferson na yakapin ang asawa.

‘Thank you honey! Thank you! I love you!”

“I love you too hon…”

“Sir, ma’am, baka po puwedeng mamaya na ang lambingan, baka po mapanis itong pagkain?” singit ng delivery man na nakangiting nakatingin sa kanila.

Nagkatinginan ang mag-asawa at nagkatawanan bago inistima ang delivery man.

Dinner. Sadyang pinaganda ni Cassandra ang dining table. Nilagyan niya ito ng mga bulaklak sa paligid at dine-corate rin niya ang manipis na telang puti na ipinalit niya sa orihinal na sapin nito. Ang boquet na ibinigay sa kanya ni Jefferson ang siyang idine-corate niya sa center ng table.

“Wow, salamat sa effort honey!” si Jefferson.

“Salamat din sa bulaklak!”

Kasalo nila sa dinner ang mga anak nila at si Mang Gener.

“Happy wedding anniversary sa inyong dalawa. Sana e maging matatag pa ang inyong pagsasama,” Bati ni Mang Gener sa mag-asawa.

“Thanks po pa.”

“Don’t worry po Pa, mula sa araw na’to ipinapangako ko po na hinding-hindi ko na iiwanan ang pamilya ko at mamahalin ko sila nang higit sa sarili ko. At saka po, magsisikap na ulit ako sa trabaho, hindi na ako magpapabaya.”

“Naks, ang daming promise ha, gawin mo ‘yan ha!” tukso ni Cassandra.

Speaking of trabaho, biglang tumunog ang cellphone ni Jefferson. Napakunot ang noo nito nang sagutin ang tawag.

“Bakit hon?” nag-aalalang tanong ni Cassandra.

“May responde raw kami, may sunog sa Quezon City…”

“Ha? e ano pang hinihintay mo? Call of duty, lumakad ka na!”

Hinawakan ni Jefferson ang kamay ni Cassandra.

“Pero hon, anniv natin ngayon, okay lang ba?”

“Jefferson, kailangan ka ng trabaho mo, ‘di ba sabi mo magsisikap ka na ulit sa trabaho?

Saka kawawa naman ‘yung mga nasusunugan, baka kulangin sila ng bumbero, mag-celebrate na lang ulit tayo bukas!”

Related Posts

Nakumbinsi rin ni Cassandra ang asawa. Hinalikan naman ni Jeff ang dalawang anak at si Cass bago umalis.

Kinabukasan. Naalimpungatan si Cassandra nang magising siyang may piring ang mga mata.

“Ano ba’to?”

Tatanggalin sana ni Cassandra ang piring sa mga mata nang pigilan siya ni Jefferson.

“Hon, ‘wag muna, naghanda ako ng sorpresa para sa’yo!”

“Sorpresa na naman?”

“Nakalimutan mo na ba, naudlot ang celebration natin kagabi?”

“Oo nga pero… anong oras ka nga pala nakauwi kagabi, pasensya ka na inantok na ko kaya hindi na kita nahintay. Kumusta ang sunog?” tanong ni Cassandra habang inaakay siya ng asawa palabas ng silid.

“Nakontrol naman namin ang sunog, madaling-araw na’ko nakauwi kaya hindi na’ko natulog.”

“Ha? bakit hindi ka natulog?”

“Kasi naisip kong…” sadyang binitin ni Jefferson ang sasabihin habang tinatanggal ang piring sa mata ni Cassandra.

“Naisip mong ipagluto ako ng almusal?” nakangiting ani Cassandra nang bumulaga sa kanya ang nakahain sa mesa.

“Isang espesyal na almusal! Cheesy pandesal, Hotdog na binalot sa bacon, ang of course ang sinangag with carrots and beans na bago mong paborito!” pagmamalaki ni Jefferson.

“Paborito ko lang ‘yan nu’ng buntis pa’ko!”

“Ano?”

“Joke lang, lahat ng ihahain mo sa’kin, paborito ko!” sabay kawit ng kamay niya sa leeg ng asawa.

“O teka, mag-aalmusal na ba tayo o magkukulong muna tayo sa kuwarto?” nanunuksong tanong ni Jeff.

“Parang inaantok pa’ko eh!” balik-tukso ni Cassandra.

“Kung gano’n Mrs. Umali, pagbibigyan kita, miss na miss na kaya kita!”

“Kung gano’n ano pang hinihintay mo, buhatin mo na’ko tulad nang pagbuhat mo sa akin papunta sa kuwarto nu’ng bagong kasal pa lang tayo!”

“Your wish is my command!” sabay karga ni Jefferson sa misis niya.

Bumalik sila sa kuwarto at naiwan sa mesa ang almusal. Halos sabay namang dumating sa kusina ang maglolo. Sabay din silang napatingin sa nakahain sa mesa.

“Michelle, naiisip mo ba ang naiisip ko?”

“Opo lolo!”

Halos nag-unahan pa sa pag-upo sa mesa ang maglolo at saka nilantakan na ang almusal.

Wala nang pakialam sa pagkain ang mag-asawa. Mas gusto nilang namnamin ang tamis ng kanilang pagmamahalan sa second chance ng kanilang pag-ibig. At sa pagkakataong ito, wala nang tatamis pa sa mga yakap at halik na kusang ibinibigay ng mga pusong tunay na umiibig.

Muling nangangako mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. (Wakas)