Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 622

Ika-38 na labas

“MICHELLE ANAK KO!”

Hinayaan muna ni Mang Gener mag-moment ang mag-ama bago niya ikinuwento kay Jefferson ang pagkakakita nila kay Michelle sa ospital at ang tungkol sa matandang kumupkop dito.

“Nasa custody na siya ng mga pulis, galing kami ro’n ni Michelle at pabalik na kami sa itaas para kay Cassandra.”

“N-nanganak na po siya?”

Lumungkot ang mukha ni Mang Gener.

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Cassandra. Hinanap agad ng mga mata niya ang sanggol na isinilang. Pero sa halip ay si Jefferson ang nasa tabi niya.

“A-anong ginagawa mo rito?”

“Hon, sa bahay mo na’ko awayin, sumbatan o kahit ano pang gusto mo pero habang nandito ka pa sa ospital hayaan mo munang alagaan kita…”

“Ang anak ko? nasaan ang anak ko?”

“N-nasa nursery… kailangan muna niyang mag-stay sa incubator…”

“Incubator?” puno ng pag-aalala si Cassandra.

“‘Wag kang mag-alala hon, magiging okay naman daw ang baby natin.”

“Tawagin mo ang doctor ko, gusto ko siyang makausap!”

“Okay sige pero huminahon ka lang.” hahawakan sana ni Jeff sa balikat ang asawa pero umiwas ito.

“By the way, lalaki ang anak natin,” Ani Jeff.

“Alam ko, narinig kong sinabi ‘yon ng doctor bago ako mawalan ng malay, tawagin mo na ang doctor at gusto kong makita ang anak ko, ano pang hinihintay mo? Go!”

Related Posts

Nang biglang bumukas ang pintuan.

“Mama, papa, nag-aaway po ba kayo?” bungad ni Michelle na akay ni Mang Gener.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

“MICHELLE!” si Cassandra na ibinukas ang mga palad para lumapit sa kanya ang bata.

Paglapit ng bata ay agad itong yumakap sa itinuturing na ina.

“Mama!”

Hindi mapigilan ni Cassandra ang mapaluha habang yakap si Michelle.

“Okay ka lang ba? kuwentuhan mo ako ng mga nangyari sa’yo…”

“Opo mama…”

Kumalas sa pagkakayakap ang bata at tumingin sa mga mata ng mama niya.

“Mama, magbati na po kayo ni Papa, alang-alang po sa amin ni baby…”

Napabuntunong hininga si Cassandra kasabay ng paglipat ng tingin niya sa ama at kay Jefferson.

“Michelle, marami pang dapat pag-usapan ang papa at mama mo pero ‘wag kang mag-alala, maaayos nila ang lahat,” Si Mang Gener na ang tumugon sa bata.

Lumuluha si Cassandra habang nakatitig sa sanggol niyang nasa incubator sa loob ng nursery room. Nilapitan siya ni Jefferson at hinawakan sa balikat. Hindi siya tuminag.

“Hon, magiging okay din siya sabi ng doctor ‘di ba? kailangan lang maalis ang paninilaw niya.”

“Kasalanan mo ‘to…” mahinang sabi ni Cassandra na hindi pa rin tumitingin sa asawa.

Humugot ng malalim na paghinga si Jeff bago muling nagsalita.

“I’m sorry hon, inaamin ko kasalanan ko talaga, hindi ko na dapat dinagdagan pa ang stress mo sa pagkawala ni Michelle… hindi dapat kita pinabayaan sa kabila ng maselang pagbubuntis mo… sorry kung naging selfish ako… pero maniwala ka, nagsisisi na’ko…” (Itutuloy)