Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 622

Ika-31 na labas

“T-the ring!”

Marahan ang naging pagkilos ni Jefferson habang papalapit sa ilalim ng kama ng dalaga.

Yumuko siya para abutin ang singsing. Tumuwad pa siya nang konti dahil kinapos ang pag-abot niya. Nang sa wakas ay nahawakan na niya ang singsing ay saka naman tumili ng ubod lakas si Cassandra.

“EEEEEE!”

Paano’y hindi agad nito nakilala ang lalaking nakatuwad sa ilalim ng kama niya. Natigilan si Cassandra nang bumulaga sa harapan niya si Jefferson hawak ang singsing.Napaluhod ito.

“JEFF?”

“A-ako nga ‘to hon…”

“Anong ginagawa mo rito? Tumayo ka nga riyan!”

Napansin ni Cassandra ang hawak na singsing ng lalaki na hindi pa makatayo sa pagkabigla.

“S-singsing?”

Hindi makakibo si Jefferson. Hindi makapagpasya kung gagawin na ba ngayon ang pagpo-propose na wala sa timing o hindi ito ang magandang pagkakataon?

Nagtataka naman si Cassandra sa iniisip na paraan ng pagpo-propose ng nobyo. Pero gaano man ito ka-weird para sa kanya ay handa pa rin siyang ibigay ang matamis niyang oo. Ayaw naman niyang sumama ang loob ng nobyo kapag binigo niya ang effort nito ngayon.

Related Posts

“Oo na, sige na, oo na ang sagot ko!” sagot ni Cassandra maski wala pang sinasabi na anuman si Jeff, ibinase lang niya sa pagkakaluhod nito na hawak ang singsing.

Ikinatuwa naman ni Jefferson ang hindi inaasahang pagkakataong iyon at ang hindi inaasahang sasabihin ng dalaga.

“T-talaga hon, ibig sabihin ready ka na?”

“Gusto mo bang bawiin ko ang sagot ko?”

“Of course not!”

Tumayo si Jeff mula sa pagkakaluhod at tinabihan ang nobya saka niyakap ito nang mahigpit.

“I love you honey!” buong lambing na sabi ni Jeff habang isinusuot sa daliri ni Cassandra ang singsing.

“I love you too hon, pero puwede bang ikuwento mo sa akin kung paano mo plinano ang napaka-weird mong proposal?”

Napalunok si Jefferson lalo na nang bumungad sa pintuan ng kuwarto si Mang Gener.

“Pasensya na sa istorbo, hindi kasi ako mapakali eh, baka iniisahan mo na ang anak ko…”

napatingin si Mang Gener sa singsing na nakasuot na sa daliri ng anak. “O, nakita mo na pala, saan mo nakita ‘yan? Mukhang nagmadali ka pang maisuot iyan sa daliri ng anak ko ha!”

Kunot-noong tumingin si Cassandra kay Jefferson.

“Jeff, anong ibig sabihin ni papa? Anong nakita?” (Itutuloy)