Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 622

Ika-3 na labas

“Baka naman maospital ka ulit niyan, because of ulcer naman!” biro ni Eloisa.

“Ikaw talaga, hindi naman siguro…siyanga pala, ‘yung estudyante mong si Michelle, kumusta?”

“Si Michelle Umali ba? Ayun okay naman siya, alam mo malungkutin ang batang ‘yon parang ikaw, pero puwede ba Cass do’n na natin siya pag-usapan sa canteen, tara na tomguts na’ko eh, mamaya mo na rebyuhin ‘yan!” sabay hila ni Eloisa sa kaibigan.

Napilitan si Cassandra na mag-break dahil alam niyang hindi rin siya titigilan ni Eloisa sa pangu­ngulit. Nang kumakain na sila sa canteen ay mu­ling binanggit ni Cassandra si Michelle.

“Teka, bakit mo nga pala nasabi na malungkutin si Michelle?”

“E kasi ‘yun ang observation ko sa kanya, parang palagi siyang tulala at malalim ang iniisip.”

“Talaga? Baka naman may problema ‘yung bata?”

“Well according to her Papa Jeff, dati namang masayahin ‘yung daughter niya, nagsimula lang daw na maging sad ang bata mula nang mamatay ‘yung wifey niya, nahirapan daw kasi itong i-­accept na wala na itong mama.”

“Gano’n ba?…kelan pa ba nawala ‘yung mama niya, anong ikinamatay?”

Natigilan si Eloisa at ngumiti ng makahulugan.

“Wow Cass, interesado ka talaga? O baka naman iba na ang interes mo!” biro nito.

“Sira, curious lang ako sa pinagdadaanan nung bata, kasi akala ko nung time lang talaga na ‘yon siya gano’n…”

“Naku pasensya ka na talaga that time ha, hindi ko talaga napansin na humiwalay siya sa amin at sumiksik sa isang sulok, nag-panic rin kasi ako eh… pero back to her Papa Jeff, in fairness ha, so cute teh, papa material talaga!”

Bago pa muling makasagot si Cassandra tungkol kay Jeff ay narinig na nila ang bell, hudyat na tapos na ang break time.

“Let’s go.” Sabi na lang nito.

Related Posts

UWIAN. Late na nakalabas ng room si Cassandra dahil naglinis pa siya ng kuwarto kasama ang ilang cleaners. Pagdating niya sa gate ay na­kita niya si Michelle na nakaupo sa upuan sa waiting area malapit sa gate.

“Michelle?”

“Teacher Cassandra…” tipid na ngumiti ang bata nang makita siya. Nilapitan niya ito.

“Bakit nandito ka pa, wala pa ang sundo mo?”

“Wala pa po si papa…”

Nag-alala si Cassandra sa bata dahil nakauwi na halos lahat ang mga estudyante.

“Gano’n ba,okay don’t worry sasamahan kitang maghintay sa kanya.”

“T-talaga po?”

Nakangiting tumango si Cassandra at naupo sa tabi ng bata.

“Siguro, na-traffic lang siya.”

“O kaya po, baka may papatayin na naman silang fire.”

“Oo nga pala, bumbero ang papa mo…baka nga…”

Namagitan ang katahimikan.

“Michelle, gusto mo bang kuwentuhan muna kita habang naghihintay tayo?”

“Ano pong kuwento?”

“Kuwento na may pamagat na…ang malungkot na bulaklak at ang masayahing diwata!”

Napatingin ang bata kay Cassandra at napa­ngiti. “Sige po teacher, gusto ko pong marinig ang kuwento.” (Itutuloy)