Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 617

Ika-26 na labas

Related Posts

“Ha? Pero pasukan na po next week!”
Inihinto ni Jefferson ang ginagawa at lumuhod sa harap ng anak saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
“Kung gano’n, meron pa tayong one week para magbakasyon, okay ba ‘yon?”
“Okay po pero isama po natin si mama!”
“Hindi pwede e, kasi may importante pa siyang inaasikaso, bakit ayaw mo bang makasama si papa sa isang maiksi pero masayang bakasyon?”
“Gusto po!”
“Iyon naman pala eh, e ‘di tulungan mo na lang si papa na ayusin ang mga dadalhin natin!”
Pag-uwi ni Cassandra sa bahay nila ay nalaman niyang nanggaling doon si Jefferson.
“Akala ko pinuntahan ka niya sa ospital, e malamang nagbago ang isip,” ani Mang Gener.
Hindi kumibo si Cassandra. Nanatili siyang nakasandal sa sofa at tila malalim ang iniisip.
“Anak, ano bang iniisip mo?”
“Si Martin po… naaawa po ako sa kanya…”
“Naiintindihan ko anak pero ‘wag naman sanang maging dahilan ang awa na ‘yan para kalimutan mo na naman ang sarili mo… tama na siguro ‘yung ilang taon mong pagdurusa kakahintay sa kanya, ngayong nagmamahal ka na ulit at masaya na kayo ni Jeff, kailangan din ni Martin na tanggapin iyon.”
“Pero nasa coma siya ngayon dahil sa’kin…”
“Hindi mo naman ginustong mangyari‘yon eh… ipagdasal mo na lang na gumaling siya, maka-recover at maka-move on gaya mo.”
Kinabukasan na napuntahan ni Cassandra si Jefferson. Pero wala na ang mag-ama. Ang sabi ni Aling Mameng ay maaga raw umalis ang mga ito para umuwi sa Batangas.
“Batangas?… P-pero bakit po?”
“Wala naman siyang nasabing dahilan, basta ibinilin lang itong bahay nila.”
“Alam n’yo po ba kung saan sila sa Batangas­?”
“Ay oo, kasi kapitbahay ng tiyuhin niya na kapatid ng nanay niya ‘yung mga kamag-anak ko roon! E teka, bakit hindi mo na lang siya tawagan o i-text? Magkagalit ba kayo?”
“May konti lang pong hindi pagkakaintindihan, sinubukan ko namang tawagan ang cellphone niya pero naka-off po eh.”
“Gano’n ba? E sana magkaayos na kayo, teka at isusulat ko ang address!”
Habang sakay ng bus patungo sa Batangas ay ka-text ni Cassandra ang pinsan ni Martin na si Lupe. Kinukumusta niya ang lagay nito. Ayon kay Lupe malaki naman daw ang chance na magising agad sa coma si Martin kasi maganda ang response ng katawan nito ayon daw sa mga doctor na tumitingin dito.
“Mabuti naman kung gano’n… sana paggising niya nakalimutan na niya ‘ko… at sana matagpuan na rin niya ang babae na para talaga sa kanya…” sa isip ni Cassandra.
Samantala, magkatabi namang nakaupo sa buhanginan ang mag-ama at nakaharap sa dagat.
“Papa ang ganda po pala rito no?”
“Sabi ko naman sa’yo eh!”
“Pa, alam ko magkagalit kayo ni mama…”
Napatingin si Jefferson sa anak.
“Ha? Pa’no mo naman nasabi?”
“E kasi nitong huling araw pinagmamasdan kita, ang lungkot-lungkot mo, tapos hindi ako binisita ni mama, tapos hindi natin siya kasama rito…”
“Wow ang galing mo namang detective… pero problema na namin ‘yon.”
“Pero papa, kung talagang mahal mo si mama, ipaglaban mo siya sa lungkot na nararamdaman mo… hindi ko nga po siguro alam kung bakit kayo nag-away, pero alam ko po na mahal n’yo ang isa’t isa, ‘di ba pa?”
“Opo, tama ka. Magpapalipas lang naman ng kalungkutan dito si papa pero pagbalik natin sa Navotas, pupuntahan ko na ulit ang mama mo. At magkakabati na kami.”
“Bumalik tayo agad, papa, kasi baka hina­hanap na tayo ni mama, baka malungkot din siya!”
“Opo, sige pag-iisipan ko, sa ngayon, i-enjoy muna natin ang bakasyon nang tayong dalawa lang, hintayin natin ang paglubog ng araw at makikita mo kung gaano ito kaganda!”
Biglang tumunog ang cellphone ni Jefferson. Isang tawag iyon mula sa kasamahan niya sa trabaho. (Itutuloy)