Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 622

Ika-20 na labas

Maya-maya pa ay natanaw niya ang dalawang lalaki na paparating. Kinabahan siya.

“Magandang gabi, mga kasamahan po kami ni Jefferson Umali, nagpunta kami rito para ipaalam kay Aling Mameng at sa’yo na rin, ang nangyari sa kanya.”

“A-ano pong nangyari?”

“Nadisgrasya siya habang rumeresponde sa s­unog sa Valenzuela, dinala na siya sa pinakamalapit na ospital doon, eto po ang address, pakipuntahan n’yo na lang, kailangan din kasi naming bumalik sa station kaya hindi ka namin masasamahan.”

Nabigla si Cassandra at hindi makapagsalita. Pagkaalis ng dalawang lalaki ay kinatok niya si Aling Mameng para bantayan si Michelle. Siya na lang muna ang pupunta sa ospital.

Habang daan ay hindi maalis-alis ang kaba niya. Bakit kung kailan niya ito sasagutin ay saka naman ito nadisgrasya at sana naman ay hindi grabe ang nangyari rito.

Nang makarating sa ospital ay kalalabas lang ng doctor sa kuwartong pinagdalhan kay Jefferson.

“Ikaw ba ang asawa ni Mr. Umali?” tanong ng doctor na napa-second look sa kanya.

“H-hindi po…kaibigan po…”

“Gano’n ba, well, maayos na naman ang lagay niya, nahulog siya mula sa bubong na tinuntungan daw habang ginagampanan ang trabaho niya, masuwerte siya dahil minor injury lang ang tinamo niya.”

“Thank God…”

Matapos makausap ang doctor sa iba pang d­etalye ay pumasok na sa room si Cassandra. Dalawa pang pasyente ang kasama ni Jefferson sa kuwarto. Nakapikit ito nang lapitan niya. Naupo siya sa upuang nasa gilid ng kama nito.

“Jeff…pinag-alala mo ako…mabuti na lang at tulog na si Michelle…” mahinang kausap ni Cassandra sa lalaki na iniisip niyang nahihimbing na sa pagtulog.

“Nakakainis ka alam mo ba ‘yon?…nag-effort pa naman akong magluto ng sinigang na pink salmon saka adobong manok…para sa…‘di bale na nga lang…” dugtong ng dalaga.

“Marami pa naman ibang pagkakataon para sagutin ka…” sabi pa niya.

Nang marinig ito ay biglang dumilat ang lalaki na ikinagulat ni Cassandra.

“Sagutin? Sinasagot mo na’ko?”

Related Posts

“Sasagutin pa lang, teka nga muna, gising ka pala?”

“N-nagising lang…”

“‘Yung totoo?”

“O-oo…pero inaantok naman talaga ako e…epekto siguro ng pain reliever na itinurok nila sa’kin, nagkaroon kasi ng bali ang paa ko…kaya lang, nakakagising talaga ang sinabi mo, at saka hindi ko inaasahan na makakapunta ka rito agad-agad!”

“E kasi nga nandoon pa’ko sa inyo nu’ng dumating ‘yung mga kasamahan mo para sabihin ang nangyari sa’yo…at yaman din lang na narinig mo na, magde-deny pa ba’ko?”

“Sinasagot mo na’ko?”

“Sasagutin pa lang nga, ang pangit naman kung dito kita sa ospital sasagutin?”

“Ano naman ang diperensya no’n? Love has no right place and no right time, kaya sige na please sagutin mo na’ko dito, baka paglabas natin dito magbago pa ang isip mo!”

“Excited lang?”

“Oo naman, sobra. Ano nga pala ‘yung niluto mo kamo? Adobong manok at sinigang na pink salmon? Mga favorite ko ‘yon ah!”

“Oo, si Michelle ang nagsabi ng paborito mo, nag-effort kami ni Aling Mameng na ipagluto ka, para naman magkaroon ng konting sweetness ‘yung balak kong pagsagot sa’yo, kaya lang mga pulis ang dumating para ihatid ang balita, hindi ikaw.”

“Hay, nakakalungkot naman ‘yon, pero eto na’ko, nasa harapan mo at gwapung-gwapo pa rin kahit napilayan!”

“Mabuti pa magpahinga ka na muna, ituloy mo na ang tulog mo.”

Nakaisip ng idea si Jefferson.

“Mga kapwa ko pasyente, gising pa naman ta­yong lahat, pwede bang mahingi ko ang boto n’yo?” kausap nito sa mga kapwa pasyente na napatingin sa kanya gayundin ang mga bantay ng mga ito.

“Boto?” nagtatakang tanong ni Cassandra.

“Ganito po, magtaas lang po ng kamay ang may gusto na sagutin na niya ako!”

Mga nakatawa pang nagtaasan lahat ng kamay. Napangiti naman si Cassandra sa ideyang iyon ni Jeff.

“O ano Cass, kailangan ko pa bang bilangin ang boto ko? Mukhang walang may gusto rito na ipagpaliban mo ang pagsagot mo sa’kin eh!” (Itutuloy)