Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 625

Ika-2 na labas

Patakbong nilapitan ni Jefferson ang anak na si Michelle nang makita niya ito sa mga batang tinipon sa ground ng school. Nakasuot na pangbumbero si Jefferson dahil ito ang trabaho niya pero hindi niya napigilan ang sarili na lapitan at yakapin ang anak nang makita niya itong ligtas.

“Anak, salamat at ligtas ka!”

“Papa, si teacher, nandoon po siya!” umiiyak na itinuro ni Michelle ang pinanggalingan niyang building kung saan kalat na ang apoy at kung saan naiwan niya ang guro. Agad namang pinuntahan ni Jefferson ang direksyong itinuro ng anak habang ang iba niyang mga kasama ay hila-hila na rin ang malaking hose papunta sa direksyong iyon.

Patakbong nilapitan ni Jefferson ang babaeng nakita niyang nakahandusay sa pinakaibabang baitang ng hagdanan.

“Miss! Miss!” binuhat ni Jefferson ang babae at sinikap na mailayo sa mausok na paligid ng ibabang bahagi ng building. Nang madala niya ito sa ground floor ay ang mga kapwa teacher na at mga medic ang nag-asikaso rito at bumalik na si Jeff sa building para gampanan ang trabaho niya bilang bumbero.

Sa ospital na nagkamalay si Cassandra. N­agulat siya nang pagmulat ng mga mata niya ay bumungad ang gwapo at maamong mukha ng isang lalaki.

“Hi! Mabuti at gising na po kayo!” nakangiting sabi ni Jefferson.

“S-sino ka?”

“Ako po si Jefferson, or Jeff, papa ni Michelle, ‘yung batang iniligtas mo sa sunog kaninang umaga, maraming salamat po. ..and…ako rin po ‘yung nagligtas sa’yo, actually isa ako sa mga bumberong rumesponde at kasama po sa trabaho namin ang magligtas ng mga na-trap sa sunog…saka sinabi rin ni Michelle na iniligtas mo siya at kung saan ka niya iniwan…don sa hagdanan, natagpuan kitang walang malay…”

“Quits na pala tayo, ni-rescue ko ang anak mo, at ni-rescue mo rin ako, but of course I still have to thank you for saving me. Ikaw din ba ang nagdala sa akin dito?”

“Hindi po… ‘yung medic saka ‘yung teacher ni Michelle na si Ma’am Eloisa. Kadarating ko lang po dito, hindi kasi mapakali si Michelle, gusto niyang alamin ko ang kalagayan mo kung okay ka na.”

Napangiti si Cassandra.

Related Posts

“Pakisabi sa kanya I’m really okay, and nagpapasalamat ako sa pag-aalala niya.”

“Makakarating po Ma’am Cassandra… sige po, glad to meet you, and thank you po ulit sa pagliligtas sa anak ko.”

“You’re welcome, thank you accepted and thank you rin. But please, call me Teacher Cass, or Ma’am Cass pero ‘wag mo na akong popoin, mukha namang magkaedad lang tayo,” nakangiting sabi ni Cassandra.

“Y-yes ma’am!” sabay saludo pa ni Jefferson sa dalagang guro. Patalikod na si Jefferson nang muli siyang tawagin ni Cassandra, may napansin kasi itong hawak ng lalaki.

“Jeff, nakalimutan mo yatang ibigay sa’kin ‘yan?” ang isang tangkay ng rosas na kanina pa hawak ng lalaki ang tinutukoy ni Cassandra.

Nangingiting napatingin si Jefferson sa hawak niya. “Oo nga po pala, pinitas ko po ito sa hardin ng kapitbahay namin…actually pinapitas po sa akin ni Michelle para ibigay sa’yo…” sabay abot nito ng bulaklak sa dalaga.

“Salamat, Jeff, pakisabi rin kay Michelle sala­mat…call me Cassandra na nga lang or Cass, no more PO na please?”

“O-okay…Cass…goodbye Cass!”

Habang ginagawa pa ang nasunog na building ay sa kabilang building na muna nagklase si Cassandra at ang iba pang klase na apektado.

“Okay class sige mag-break na muna kayo. Eat healthy foods ha!” reminder ni Cassandra sa mga bata.

Habang nagbe-break ang mga bata ay nire-review naman ni Cassandra ang mga na-miss niya noong absent siya. After kasi niyang makalabas sa ospital ay hindi agad siya nakapasok dahil ipinayo ng doktor ang one week rest niya.

“Cass, hindi ka ba pupunta sa canteen?” si Eloisa na kapwa guro at kaibigan niya. Grade two ang tinuturuan ni Eloisa at grade three naman ang kay Cassandra.

“Hindi pa naman ako nagugutom, I just need to review this lesson.” (Itutuloy)