Una sa Balita

The Next Time I Fall

By
0 617

Ika-17 na labas

“Okay lang ‘yon anak, tingnan mo ako, tingnan mo ang mama mo, ka­ming dalawa tanggap na namin ang nangyari sa ‘min, siguro nga hindi sapat ang forever para maiparamdam natin ang pagmamahal sa mga mahal natin sa buhay, pero sapat na sa amin ang maigsing panahon dahil nagamit naman namin iyon ng tama…ang ibig kong sabihin, hindi kami nag-aksaya ng panahon, nagmahal kami at nagtiwala, at kung may pagkukulang o pagkakamali, may ka­lakip iyon na pang-unawa at kapatawaran…”

“Iyan ba ang sikreto kaya naging matatag kayo ni mama?”

Tumango ang ama at ngumiti.

Yumakap si Cassandra sa ama. Hiling niya na sana ang lalaking magi­ging katuwang niya hanggang sa pagtanda ay katulad ng papa niya.

Maya-maya pa ay hinatid na ni Cassandra si Jefferson sa gate.

“Salamat Jeff ha.”

“Alam mo, wala na akong narinig sa pamilya n’yo kundi salamat, sa­lamat.”

Napangiti si Cass.

“E dapat lang naman, ‘di ba, kasi hindi ka nagsasawa.”

“Bakit naman ako magsasawa? Napakabuti ng pamilya mo at alam mo namang…”

Related Posts

“O sige na, alam ko na ang sasabihin mo, umuwi ka na at baka hinihintay ka na ni Michelle.” Naka­ngiting putol ni Cassandra sa sasabihin pa ng lalaki.“Wala bang goodbye kiss?” biro ni Jeff.

“Heh! Hindi pa kita sinasagot!”

“Bakit kasi ayaw mo pa ‘kong sagutin?”

“Hayaan mo, pag-iisipan ko, kapag maayos na ang lahat.”

Kahit papa’no ay nakuntento na si Jefferson sa sinabi ng dalaga. Hindi naman niya ito pwedeng madaliin at isa pa alam naman niyang may pinagdadaanan ito.

“Joke lang ‘yon, Cass, handa naman akong maghintay kahit gaano katagal, basta hayaan mo lang ako sa tabi mo.”
Gabi.

Kumatok sa silid ng mga magulang si Cassandra para painumin ng gamot ang mama niya. Naabutan niya itong binabasahan ng papa niya ng book.

“O, anak halika, itong mama mo kasi nag-request na basahin ko sa kanya ang favorite niyang book, luma na nga ito pero hanggang ngayon uso pa rin sa kanya.”

“Alam ko na ‘yan, pa, Nancy Drew po ‘yan, ‘di ba?” inilapag ni Cassandra ang gamot at tubig sa side table.
Tumango ang ama at ngumiti.

“Sus, maganda naman kahit luma na, ‘di ba, hindi nakakasawa.” Pagkasa­bi niyon ay nagpaalalay si Celeste sa asawa para ma­inom ang gamot.

“Salamat anak ha.”

Naisip ni Cassandra na mahiga sa gitna ng mga magulang tulad nu’ng maliit pa siya. Yumakap sa kanya ang ina matapos nitong inumin ang gamot. (Itutuloy)