Una sa Balita

The kit

0 709

Kritiko ako ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte pero hindi na ako dadagdag sa mga naibato na sa kanya dahil sa sagot niya kung may sapat na testing kits ba para sa COVID-19:

“The kit is nadikit. Walang luma­labas pa. I think that the… Sabi ko nga, in every — not generation — but epoch, maybe meron ‘yong noong una, Bubonic plague, ‘yong sa Middle East pa noon, kasi mga gago ang tao noon parang tamang-tama lang. Tapos ‘yong Spanish flu right before or after the war — Second World War. Kawawa ‘yong mga tao. Pero mas kawawa ‘yong sa Middle East. The so-called Roman Empire. You have read the inquisition? Kung may birthmark ka, you are a witch and you are born at stake.”

May ilan na inayos pa ito upang maging tula. Ayon sa historyador na si Van Ybiernas, ang nais sana nang pangulong sabihin ay mayroon nang mas malala pang mga epidemiko na nangyari sa kasaysayan at malalampasan natin itong COVID-19. Pero mahirap nga namang makita kasi napaghalo-halo at hindi niya naipaliwanag sa mga pangkariniwang tao kung ano ang kanyang sinasabi.

‘Yon nga lang, kapag may sinabi si Pangulong Duterte ukol sa kasaysayan, laging napapansin natin na pinag-uusapan ito ng mga tao.

sa sala-salabat na sinasabi ng pangulo, maaaring makita na alam naman niya ang kanyang sinasabi pero siguro dahil kinukuha niya ito mula sa memor­ya, maaaring napaghalo-halo na niya ang mga insidente, dala marahil ng edad na rin niya, pagod o dahil hindi naman siya nagrebyu para rito, so tao lang moment. ‘Yon nga lang, siyempre mas mainam kung pinasagot na lamang niya ito sa kanyang mga tao sa gabinete na may hawak nito.

Ngunit kunin na rin nating ang pagkakataon na balikan ang mga pangyayaring binanggit ng Pangulo.

Ang Great Bubonic Plague na mas kilala sa Black Death ay ang pandemic na nagsi­mula sa Central o East Asia ngunit tinamaan ng pinakamatindi ang Europa at kumitil ng 75 hanggang 200 milyong katao (30% hanggang 60% ng populasyon ng kontinente mula 1347-1351. Pumasok ito sa dinadaanan ng silk road na bahagi nito ay nasa Middle East at pumasok sa pakikipagkalakalang dagat tungo sa Italya sa pamamagitan ng daga.

Ang Spanish Flu o 1918 influenza pandemic ay nangyari bago ang World War II noong World War I. 500 mil­yon ang tinamaan nito at tinatayang 50 milyon ang namatay.

Ang Inquisition naman ay hindi para sa mga may “birthmark” o hindi lang para sa mga mangkukulam pero ito ang humahatol mula sa Simbahan sa mga Katolikong nagkaroon ng paniniwalang lihis sa sinasabi ng Simbahan (erehe) noong Edad Medya at panahon ng “Counter-Reformation.” Ang mga erehe ay ibi­nibigay sa mga pamahalaan upang sila na ang magparusa tulad ng panununog.

Ngunit naging bahagi rin ang paglilitis sa mga nagpapalaganap ng black magic o mangkukulam.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More