Una sa Balita

‘The General’s Daughter’ lalong tumaas ang rating Angel tunay na reyna ng action-drama

0 1,220

Bongga ang pagbabalik-primetime ni Angel Locsin dahil patuloy pa ngang humataw sa TV ratings sa buong bansa ang “The Ge­neral’s Daughter.”

Nakakabilib ang naitala nitong national TV ra­ting na 34% noong pilot episode nito noong Lunes (Jan 21), pero hindi ito nagpapigil at pumalo pa sa 35.1% noong Martes (Jan 22), at napanatili ang malawak na lamang nito kumpara “Onanay” na nakakuha lang ng 14.3%, ayon sa Kantar Media.

Marami talaga ang naka-miss kay Angel sa telebisyon dahil kahit pa may live feed sa Facebook at YouTube ang naging pilot episode ng serye at puwede naman balikan sa iWant, pinili pa rin ng mga manonood na tumutok sa kani-kanilang mga TV screen.

In fairness, napanindigan talaga ng serye ang hype nito dahil nakakabilib talaga ang bawat fight scenes, na nagpapatunay na si Angel talaga ang action-drama queen ng bansa.

Hindi malayong maging biggest hit ito ng ABS-CBN ngayong taon at sunod-sunod na pabagsakin ang mga makakatapat nito. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy