Una sa Balita

The Centurion alagwa sa 3-YO Maiden Race

0 243

MAAGANG naka-boundary ang mga liyamadista nitong Sabado ng hapon nang manalo si far third choice The Centurion sa Three-Year-Old Maiden Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban agad ni The Centurion ang bandera at kahit nilutsa siya ni Top Attraction ay ‘di bumigay ang winning horse sa unahan.

Nakamasid sa terserong puwesto si outstanding favorite Miss Campbell pero ‘di ito nakalapit kay The Centurion.

“Maganda ‘yung puwesto namin, nasa tabing balya kami kaya kahit todo lutsa ni Top Attraction ay nakakapagpahinga pa rin kami,” kuwento ni reig­ning Philippine Sportswriters Association Jockey of the Year O’Neal Cortez.

Papasok ng huling kurbada’y umunat na si The Centurion kaya sa rektahan ay abante na ito ng tatlong kabayo.

Tinawid niya ang meta na may dalawang kabayong agwat sa na­segundong Miss Campbell, tersero si Top Attraction habang pang-apat si Ambet Ko To.

Nirehistro ni The Centurion ang 1:31 minuto sa 1,400 meter race para masikwat sa nagmamay-ari sa kanya ang karagdagang P10,000 premyo mula sa Philippine Racing Commission o Philracom.

(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy