Una sa Balita

The bloomfields super benta sa mga millennial

Sarap pakinggan, pagmasdan:

By
0 759

Ang sarap balikan ng mga musika ng Beatles. Tipong kahit nahihimbing ka, bigla ka na lang magigising at sasabay sa pagkanta.

At kamakailan nga, biglang-bigla ay para ngang bumalik sa dekada 60 ang atmosphere sa opisina ng Abante sa pagbisita ng The Bloomfields sa “Abantelliling,” na binubuo nina Rocky Collado, Lakan Hila, Louie Poco at Dino Pascual.

Eh kasi nga, panay Beatles song ang binabanatan nila, at doon naman talaga sila nakilala noon pa man.

Kaaliw nga na nagsimula lang sa barkadahan ang lahat, nu’ng mga estudyante pa lang sila sa La Salle Greenhills, at nu’ng 2005 nga ay ginawa na nila itong propesyon, na dapat lang naman dahil taglay talaga nila ang mga boses, husay na dapat idolohin.

Pero siyempre, may mga Tagalog na kanta rin silang binanatan, tulad ng “Wala Nang Iba,” “Ale” at “Babaero,” na gustong-gusto rin ng mga fan nila.

Sabi ng The Bloomfields, hindi naman talaga nila plinano na magbuo ng banda at maging mga propesyunal na singer.
“Not part of the plan. It’s always been our passion.

“Jamming lang talaga nag-start. Tina-try lang naming gayahin ang mga naririnig namin sa radio noon. ‘Di ba, lahat ng bata nagme-memorize ng mga lyrics ng mga kanta. So, ganu’n nga kami nag-start,” kuwento nila.
Bakit ‘The Bloomfields’ ang napili nilang pangalan?

“Feeling ko kasi uso sa amin nu’ng high school paangasan ng pangalan.
“Beatles talaga ang influence namin. Then sa local, Eraserheads.
“Pero kahit ‘yung The Teeth pinapakinggan namin!”
Bakit Beatles?

“Sa kaka-research namin, lahat ng mga grupo na idol namin, idol din sila.”
Pagbabalik-tanaw pa ng grupo, nagsimula rin sila sa isang maliit na recording studio na halos sila-sila lang ang kasya. Marami nga raw silang kanta na doon ginawa.

 

Lapitin ng mga babae, bading

Mahusay ring gumawa ng mga kanta ang grupo. At sabi nila, mas magaling daw silang gumawa ng kanta kapag malungkot ang mga puso nila, o marami silang hugot sa buhay.

Pero hirit ng mga co-host ko na sina Athena Yap at Lovely Vergie (nasa Boracay si Rey Pumaloy nu’ng time ng interview), paano nagkakaroon ng hugot moment ang grupo, eh, mukhang hindi naman sila naba-basted sa mga babae, dahil sa kaguwapuhan at husay nilang kumanta, na sobrang nakakakilig nga.

Pambubuking ng grupo, sa kanilang apat, si Lakan daw ang pinakalapitin ng mga babae.
“Siya talaga ang pinakamatinik sa amin!”

“Retired na ako! Retired babaero! Hahahaha!” hirit naman ni Lakan.
Nagamit na ba nila ang pagiging musikero sa panliligaw?

“Na kinantahan namin ang babae? Oo may mga times na ganu’n,” pag-amin nila.
Pero sa kanilang apat, si Rocky na lang daw ang single, walang sabit.

At biruan nila, pagdating naman daw sa mga beki, si Louie naman ang pinakalapitin sa lahat. Si Louie kasi ay medyo misteryoso, na parang mahirap ngumiti.
“Pero wild ‘yan! Hahahaha!” biro ng tatlo kay Louie.

Biktima ng panloloko, hindi binayaran

Tulad din ng ibang banda, naranasan din nila ang masuba, hindi nabayaran.

“Oo naman. Wala pa yatang banda na hindi nakaranas ng ganu’n, na hindi sila nabayaran.

“Until now, may ganu’n pa rin. Problema talaga ‘yon.

“Kailangan talaga careful ka rin,” sey nila.

Pero, hindi raw dahilan ‘yon para tumigil sila sa paglikha ng mga kanta at pagpi-perform sa harap ng mga fan nila.
Dahil para sa kanila, ang sitwasyon ngayon sa buhay nila ay maituturing pa rin na pinakamasarap na sitwasyon sa lahat.

“Pinakamasarap talaga, playing music. Kumbaga, ang ibang mga tao, 8 am nagpupunta na sa kanilang mga office. Kami, nagigising lang, like today, nagising ako ng 10 am para magpunta sa office ng Abante.

“More than that, ang tropahan talaga ang pinakamasarap na part din. Kaya very thankful kami.

“At madalas, binabayaran kami para mag-party. Minsan may mga gig na mas lasing pa kami kesa sa host. At mas gusto nila ‘yon, na may mga client na nilalasing muna kami. Hahahaha!

“Pero ang pinakamasarap talaga, nagagawa namin kung ano ang gusto namin, o mahal namin. Since bata pa, ito na ang gusto namin, tumugtog, kumanta. At na-i-enjoy namin ‘yon hanggang ngayon,” sambit pa ng grupo.

 

#SparkFest2019

Anyway, halos 15 taon na nga silang nagsasama-sama at nagpapaligaya sa pamamagitan ng kanilang mga musika. At ano ba ang sikreto nila kaya nagtagal ang grupo nila?
“Kapit lang! Kapit lang talaga!

“Parang relationship lang ‘yan, kung gusto mong magtagal, gagawan mo ng paraan, kung ayaw may dahilan.”

Anyway, sa itsura nga ng The Bloomfields, iisipin mong bagets na bagets pa rin naman sila, dahil ang lalakas nga ng mga sex appeal nila, lalo na sa mga millennial.

May mga pagkakataon ba na naghuhubad din sila sa kainitan ng show?

“Never! Pero sa music video, puro nakahubad is Rocky.”

Sa ngayon nga pala, marami silang gustong gawin, at tutukan niyo na lang ang mga social media accounts nila para makasali sa mga plano nila.

“Marami kaming online content na ginagawa. Nagsu-shoot kami ng mga videos. At marami kaming plano na magugustuhan ng lahat,” sabi na lang ng The Bloomfields.

Siyanga pala, abangan ang The Bloomfields ngayong March 23 sa SparkFest2019!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More