Una sa Balita

The Accountant babawi sa Condition race

0 254

MARAMING karerista ang nadismaya sa naging performance ni The Accountant sa kanyang huling takbo kaya tiyak na babawi ito upang manumbalik ang tiwala sa kanya ng mga panatiko niya.

Sasalang si The Accountant sa Condition Race Merged Ca­tegory 10 ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite laban sa limang iba pang tigasing kabayo.

May distansyang 1,300 meter race, ang ibang kalahok pa ay sina Runawayfromrosenot, Rhaegal, Line Them Up, Gintong Tubig, Disyembreasais.

“Babawi ‘yan, tapos magaling pa ang hinete kaya kay The Accountant ako lalagay,” saad ni Diosdado Valencia, isang veteran karerista.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Jessie B. Guce si The Accountant, na nabigo kay Bulletproof noong Linggo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More