Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘That’s Entertainment’ type buhayin ni Joed

0 327

Dahil isa na siyang successful producer, may isang bagay pala na gustong i-produce ang dating aktor na si Joed Serrano na sobrang lapit daw sa kanyang puso.

Gusto raw niyang buhayin ang “That’s Entertainment” ang youth-oriented show ng tatay-tatayan niyang si German Moreno na namayagpag sa GMA 7 noong mid-80’s hanggang mid-90’s.

Sa nasabing show nagsimula si Joed.

“Pero sana gusto ko, sa GMA 7 mismo. Sana pumayag sila,” sabi ni Joed.

Gusto nga raw niya na isa si Ruffa Gutierrez sa mag-host ng show bilang mentor ng young stars na kukunin niya doon.

Pero kung sakali, papayag naman kaya ang Kapuso network na -revive ang nasabing youth-oriented shows?

Marami na rin ang nagplano in the past na gawin uli ang “That’s Entertainment”, pero hindi naman nagkaroon ng katuparan ‘yon.

Si Joed na kaya ang maging daan para magkaroon uli ng “That’s Entertainment”?

***

Matinee idol natikman si Serrano

Anyway, sa pa-presscon ni Joed noong Sunday afternoon for Ricky Gumera, na isa sa mga bida ng “Anak ng Macho Dancer” na produced niya at directed by Joel Lamangan, natanong din siya tungkol sa kanyang mga naka-“sex encounter” sa showbiz.

After nga kasi na mai-produce ni Joed ng concert ang Megastar na si Sharon Cuneta ay wala na raw siyang pakialam pa at naging open na tungkol sa pagiging bading.

Nabanggit nga ni Joed na may isang matinee idol noon na nag-guest sa “That’s Entertainment” para mag-promote ng pelikula na naka-“DO” niya.

Pero pa-blind item lang ang kuwento ni Joed at hindi ibinuking kung sino ang aktor na ‘yon.

Kumbaga, his lips are sealed tungkol sa identity ni matinee idol dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng intriga tungkol doon.

Hmph…

***

Wendell super buyangyang ng wetpaks sa syuting

Anyway, bukod sa “Anak ng Macho Dancer” ay may “Burlesk… Ang Huling Sayaw” din siyang ipo-produce na ang magbibida raw ay new discovery niya na Monay ang name kung saan dalawang “Superstar” ang kinukuha niya para magbida rin at si Direk Joel pa rin ang mamamahala.

“Marami kaming gagawing pelikula, plus ‘yung life story ko na pagbibidahan ni Wendell Ramos. Pinaghahandaan na nga ‘yon ni Wendell at nakapagbawas na siya ng 30lbs,” sabi ni Joed.

Sa nasabing pelikula raw, walang frontal nudity si Wendell, pero maraming eksenang kita raw ang behind ng aktor at payag naman daw ito.

Well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.