Una sa Balita

Thank you sa P65M assistance

By
0 2

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa P65 milyong assistance ng China na alay sa mga sun­dalong nasugatan sa pakikipagbakbakan sa mga galamay ng Maute terror group sa Marawi City.

Sinaksihan ng Punong Ehekutibo ang turnover ng financial donation ng Chinese Embassy para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa seremonyang ginanap sa Malacañang kamakailan.

Personal na iniabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang P65M halaga ng tseke para sa wounded-in-action soldiers sa Marawi City.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang ayuda ng Tsina ay malaking tulong sa PHL government lalo na’t nasa “final stages” na ang operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa Maute terrorists sa Mindanao.

Binigyang-pagpa­pahalaga ni Duterte ang patuloy na pag-ayuda ng China sa gitna ng nangyayaring rebelyon sa Islamic city.

Matatandaan na noong Hunyo ay nagbi­gay ng military aid package ang China kabilang na rito ang mga rifle at ammunition na laan sa “counterterrorism efforts” sa Marawi City.

Siniguro ni Duterte na ang donasyon ng China ay gagamitin ng kanyang administrasyon para sa kapakanan ng mga sundalo.

Kasama ni Pangulong Duterte sa natu­rang pagtitipon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at AFP Chief of Staff General Eduardo Año.